If Your Not The One(ONE SHOT)

46 2 0
                                    

Umiiyak na naman siya.

Masakit tanggapin na hindi ako ang dahilan ng pagpatak ng luha niya

"Umiiyak ka na naman."

"Harold tanga ba talaga ako? Bakit lahat na lang ng minamahal ko, iniiwan ako?"

"Tahan na." Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Wag mong iyakan ang mga taong walang kwenta! Hindi ikaw ang tanga kasi nagmahal ka lang, sila ang tanga dahil hindi nila pinahalagahan ang taong tulad mo."

__

"Hi! gusto mo burger?" Alok ko sa babaeng katabi ko.

Simula ng hiwalayan siya ng lalaki na yun lagi na siyang nandito sa garden. Nag-iisa at palaging malayo ang iniisip.

"Haaay .." Napapabuntong hininga na lang ako.

"Pagod ka na ba?...na tabihan at kausapin ako?"sabi niya

"sa wakas nagsalita ka na rin"

Napangiti ako.

ang saya ng puso ko nung marinig kong muli ang boses niya

"Salamat ha!"at nilingon niya ko ng magsalubong ang mga mata namin.

"Salamat saan?"

"Sa Pagtyatyagang kausapin, Tabihan, at unawain ako."

Napangiti na lang ako.

"Ano bang problema? Tutulungan naman kita eh."

"Wag na, Salamat na lang, sobra sobra na yung mga naitulong mo sa'kin at ayokong problemahin mo pa yung problema ko."Ngumiti siya at hinawakan niya ang kamay ko.

"Kaibigan kita, kaya may karapatan akong malaman ang lahat ng prob-"

Napatigil ako dahil bigla siyang yumakap sa'kin.

"Salamat.."pagkasabi niya nun naramdaman kong basa ang damit ko dahil sa pagiyak niya.

"Sshh"

"Buntis ako.."

Tama ba yung narinig ko? Ang sakit parang tinutunaw yung puso ko sa sobrang sakit.

"Nabuntis ako nang lalaking iniwan ako yung lalaking sinasabi ko sayo"

Parang gusto kong tumakbo at sugurin ang lalaki na yun.

"Nang malaman niyang buntis ako iniwan niya ko."

Kumalas siya sa pagkakayakap at ngumiti siya ng pilit pero may luha sa pisngi niya.

"Pananagutan ko yan"

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para masabi ko yun, basta ang gusto ko lang tulungan siya.

"Teka pero-"

"Sshh okay lang simula ngayon ako na ang ama niyan."

_

Makalipas ang apat na taon nagsama kami sa iisang bahay pero hindi kami kasal ginagawa lang namin ito para sa bata.

Babae ang baby niya at kahit hindi ako ang ama eh napamahal na rin ako sa bata.

Lumabas muna ako sa kwarto ko para maghanda nang makakain.

"Crystel kain na tayo"

Parang ang himbing pa ng tulog niya.

Pumasok ako sa kwarto niya para silipin siya pero laking gulat ko ng wala siya dun.

May nakita akong papel dun sa side table sa tabi ng kwarto niya.

Kinuha ko yun dahil alam kong sa kanya yun nanggaling.

if your not the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon