Chapter 4

149 34 3
                                    

Coco's pov

"Hoyy Jaydee siraulo kaba bar talaga ba?" Takang tanong ko sakanya na medyo kinakabahan

Last na punta kasi namin ng bar nakipag basag ulo tong mokong na to kaya ayon pinagalitan kami nila tita and mommy

"Shhh kumalma ka nag paalam naman ako kanila mommy ah saka andito sila madie anong problema don?" Tanong niya saakin pabalik

"Siguraduhin mo lang na di ka nanaman gagawa ng gulo" pag papaalala ko sakanya

"Oo nga saka di ko naman kasalanan yung last time ah kasalanan ko bang binabastos nila jowa ko?" Tanong niya saakin

Oo nga naman kitang kita sa cctv yung pambabastos nung sinuntok niya

"Tara na sa loob hinihintay na nila tayo don" saad naman niya kaya nag lakad na kami papasok

Hinarangan naman ako ng guard

"Id po?" Pag hingi ng bantay saakin iniiabot ko naman sakanya kaagad

"Sige tumawa ka kukutongan kita" saad ko kay Jaydee

"Napaka pandak naman kasi ng Baby Coco na yan" pang aasar niya kaya nauna na akong nag lakad sakanya

Buti nalang at hindi pa ganon kadami ang tao dahil tanghali palang naman parang tanga kasi tanghali bar agad

Nakita ko agad kung saan naka upo sila Amy kaya dumeretyo na ako don

"Oh parang init ng ulo natin ah" tanong ni Madie saakin iniripatan ko nalang siya

"Pano ba naman pinag kamalang bata" saad ni Jaydee at tumawa ng malakas kaya nag tawanan na sila

Kinuha ko nalang ang phone ko buti nalang pag ka open ko may chat di na ko maboboring

"Huy mamaya na yan tara inuman na" saad ni Jaydee

"Sige sige wait lang importante to" saad ko naman sakanya

"Sus importante daw baka babae mo" saad niya naman

"Ohh talaga Jaydee Pakyu" saad ko at binatukan siya sa ulo

"Aray gago" pag daing niya naman sa sakit

"Desurb" saad naman ni Amy kaya natawa sila

After kong mag reply nag simula na kaming uminom light drinks muna kami mamayang gabi na yung hard

"Nag chat sila Gab at Ella susunod daw sila dito mamaya" saad naman ni Jaydee

"Paano yan susunod din si Gia" saad naman ni Madie

Nagtinginan naman kaming tatlo maliban kay Amy dahil hindi niya naman kilala yung mga yun

Friend kasi ni Madie si Amy sa province nila napadalaw lang dito sa Manila

"For sure naman bati na yung dalawang yun" saad ko nalang sakanila

Ella cheated on Gab because of Gia kasi kaya ayon nagkainisan sila pero for sure ayos naman na yung mga yon

At the end naman si Gab at Ella padin endgame hahaha

"Speakin" saad naman ni Madie nang makita sila Ella at Gab

Kumaway kami sakanila at bumeso

"Si Amy nga pala kaibigan ni Madie" pag papakilala namin sakanya kaya nakipag kamayan din siya

"Speaking" saad naman ni Jaydee nang makita niya si Gia nagulat kami nang bumeso siya saaming lahat pagka lapit niya

Pinakilala nadin namin si Amy sakanya

"So all goods na kayo?" Tanong ni Jaydee sakanila

"Oo naman napaka liit na bagay it was actually a misunderstanding hindi pa kami ni Ella non" saad ni Gabb

"Pero alam niyang mutual yung feelings niyo" saad ni Jaydee

"Torpe eh" saad naman ni Gia kaya natawa kami that time kasi hindi din alam ni Gia na may something kanila Gab at Ella kaya ayon

"So it's not called cheating?" Curious na tanong ni Jaydee ito nanaman siya sa mga bagay bagay

Umiling naman kaming lahat

"But?!-" Jaydee

"Shh basta okay na sila" saad ko sakanya at tinapik ang likod niya

Jaydee's pov

Ahh I freakin missed my best friend na buti pa siya na sasagot lahat ng tanong ko saad ko nalang sa isip ko at nag take ng shot

"Ohh sige na shot na" saad ni Madie

"Ikaw Jaydee umayos ka diyan kilala kitang uminom" dugtong pa niya

"Opo master" pang aasar ko

"Abay understanding naman pala to eh" pang aasar nila Gab saakin

Nakakailang shot na kami dito kaso wala pa gaanong tama tagal naman kasi mag gabi eh edi sana hard na iniinom namin

"Nga pala Dong since piloto ka buti naman at nakapag tagal ka ngayon dito sa Pilipinas?" Tanong bigla ni Gia

"Nag leave muna ako para naman makapag pahinga saka syempre dami kong namiss dito noh" saad ko sakanya

"Mabuti naman kung ganon mag set kaya tayo ng reunion before ka bumalik" saad ni Ella

"Parang magandang ideya yan" saad ko naman sana lang ay nandon siya pag nangyari ang reunion

"Syempre Amy punta kana din part kana hehe" saad naman ni Coco

"Sus crush mo lang eh" bulong ko naman para maasar

"Ano yon?" Tanong ni Madie

"Ano wala hard na daw tayo ang weak niyo" saad naman ni Coco at tinakpan pa yung bibig ko napaka talaga Coco

Sakto naman na ubos na namin yung mga light drinks at sakto din ang dating ng alak

"Paalala lang Jaydong walang mag uuwi ng babae" saad ni Gab

"As if baka ako pa iuwi nila eh" saad ko sabay kindat

"Kadiri ka ano ka ako para iuwi" pang aasar niya pabalik

"Kadiri kayo tara na inom na" saad naman ni Ella

"Ikaw nga inuwi ako eh" pang aasar ni Gab pabalik sakanya kaya natawa kaming lahat

-

Naka ilang bote kami ng alak kaya medyo tipsy na pero kaya pa naman

"Oh last na natin to ah" saad ni Madie kaya tumango kaming lahat

Ilang minuto pa ay ubos na namin kaya naman nagsi tayuan na kami

"Mauuna na po kami" nahihiyang saad ni Amy sabay tulong kay Madie tumayo

"Kami din ingat kayo" saad naman ni Gab at Ella

"Gia favor padala naman si Coco sa kotse mag babayad lang ako" saad ko naman sakanya kaya inakay niya na si Coco

-

Tapos na akong mag bayad kaya papalabas na ako ng bar nang may maka bangga saakin

"Ano ba" saad ko at naiinis pa babae ata siya

"Sorr- Jaydee?" Tanong niya saakin hindi ko siya mamukhaan dahil medyo dizzy na ko

"Pasensya na ha pero mauuna na ako" saad ko nalang sakanya

Buti nalang at kinaya ko pa mag drive
————————————————————————————
Sorry po late ud super busy kasi

sabay sabay muna tayong mag sanaol hehe😅

HAPPY VALENTINES PO SA LAHAT!🥰

It was just a dreamWhere stories live. Discover now