📌 003 : 12:58 AM

5 0 0
                                    

🗓 November 5, 2021

At exactly 12:58AM of November 5, 2021, I typed in the search engine "how to die without being a burden?".

No other thoughts, just want to escape this unfair world and all I could think was the burden I would give to my parents if I die. There is no difference when I'm alive. I already feel like a burden when I'm alive what more pa kaya when I die.

Bakit nangyayari 'to? bakit nangayari yung mga bagay na kinakatakutan mo? Bakit patuloy yung ang pagbagsak ng mga problema gayung hindi pa naman tapos solusyunan ang nauna? Mga araw na pilit mong iniraraos at binabangon, mga araw na pilit mong binabaliwala ang mga problema at nadarama. Mga gabi na hindi lumilipas nang hindi umiiyak.

Isang gabi nang umuwi galing sa trabaho ang isa sa mga taong pilit kong kinakapitan. Lasing.

“Pinipilit ko yung sarili ko na hindi nyo maranasan yung mga naranasan ko... pagnaiisip ko...naluluha na lang ako."

Mga salita. Isang linya na galing mismo sa kanyang bibig kasabay nang pagpatak ng kanyang luha. Ang lubos na bumasag sa aking puso.

Bakit ganito? Bakit nangyayari ang mga ito? Ayuko na nito. Tama na.

Laptop & CoffeeWhere stories live. Discover now