"Fall, Inlove."
by:Aynah Betervo
Ako si Hannah, 2nd year high school sa isang pribadong paaralan. Dalawang taon na din ako nag-aaral sa paaralang iyon, kasama ang kuya ko. Simple lang naman ako. Isang typical na teen ager na walang ibang ginawa kundi magsaya kasama ang mga kaibigan. Sa mahigat dalawang taon ko na sa school na aking pinasukan, bigla na lamang dumating ang isang kaganapang tila nagpasaya at nagpaluha sakin. Ito ang FIRST TIME kong magkaroon ng B.E.S.T.F.R.I.E.N.D... Naging masaya ko kasama siya, kasi sa isang tulad kong babae, minsan lang ang magkaroon ng bestfriend lalo na ay kung ito ay lalaki... Ilang oras na tawagan, Walang humpayang text at replyan at walang sawang kulitan. Ilan lang yan sa aking mga .naranasan kapag kapiling ko siya. May nagugustuhan akong lalaki ng mga panahong yan,tawagin na lang natin siya sa pangalang "Braces". Nagustuhan ko siya dahil sa alam ko sobrang bait niya. At nagugustuhan ko siya lalo kapag seryoso yung mukha. Inlove ako sa kanya pero ang masakit ay ang malaman kong bestfriend ko pala ang gusto niya. Masakit pero taken na kasi yung bestfriend ko, na kaibigan din niya. Pero kahit inlove na ko sa lalaking toh! bigla na lang akong may naramdaman, ang bigla akong ma-"FALL, INLOVE" sa bestfriend ko. Gusto ko siyang sabihan na may gusto ako sa kanya, pero hindi ko kaya, kasi ngayong panahong toh! may girlfriend siya, na kaibigan ko. Ayokong maging cause ng paghi-hiwalay nilang dalawa. Kaya ako itong nahihirapan at nasasaktan. Hindi ko alam kung anong meron sakin!??? wala naman akong ginagawang masama! naging mabait naman ako sa kanila! pero bakit parang napaka bitter ng L.O.V.E sakin... Lagi na lang ako nasasaktan, kaya lahat ng bagay about love, eh! iiyakan ko na lang... Ang hirap ng sitwasyon ko! Ang gusto ko lang naman ay ang maamin sa kanya na nagkaroon din ako ng crush sa kanya... Pero di ko magawa, parang pinanghihinaan ako ng loob... Pero ang masakit pa, eh! ang malaman kong may nililigawan pala siya at ang pinakamasakit pa ng sobra eh! ang pagsagot na sa kanya ng babaeng iyon na 2nd year high school na din tulad ko. Hindi naman sa sobrang bitter ako, sa kanilang dalawa, pero para sakin mali ang ibang bagay na ginagawa nila. At bilang kaibigan ng lalaki, tutulungan ko silang makapag-usap ng personal, kahit pa alam kong sobrang sakit na. Sobrang pagod na pagod na ko. Tila parang wala ba akong pag-asa sa lahat ng crush ko. Hindi lang ako ang nasasaktan pati na din ang dalawa kong kaibigan, kasi wala na kong bukambibig kundi ang bestfriend ko. Pero kahit ganun, thankful pa din ako kasi di nila ako iniiwan. Alam ko namang wala akong karapatan, kasi isa lang naman akong hamak ba kaibigan. Imbis na isipin ko lahat ng sakit, lahat iniiyak ko na lang. Minsan sa school, pinapakita kong masaya ko pero deep inside nasasaktan ako lalo na pag nakikita ko silang magkasama. Minsan naiinis ako kasi parang wala na kong halaga. Parang naaalala lang nila ko kapag may kailangan sila. Pero ang mas masakit pa, parang PAMPALIPAS ORAS lang ako ng bestfriend ko. Masakit man pero kakayanin ko, kasi alam kong wala akong karapatan. Mabuti nang tigilan ko ito, kesa naman bandang huli ako lang din ang masaktan. Sana lahat ng bagay na nangyari sakin, sana panaginip na lang ang lahat. Para madaling kalimutan. Sana nga ang pag-ibig na lang ay parang MEMORY CARD at CARD READER. Para kahit mawala na ang feelings mo sa kanya, ganun na lang kadali ibalik, tulad ng memory card na sobrang dali ipasok o ibalik sa card reader. Iyan ang kwentong pag-ibig ko. Ako si Hannah.
