2

2 0 0
                                    

Nakarating na kami sa Kabatuhan. Nagtampisaw na ang lahat. Mabuti na lang at may extra akong shirt na dala. Sa pambaba ko naman, dati na akong nakashort dahil sa uniform naming skirt. Sila naman ay always ready, dati nang may mga extrang damit na dala.

May ilang tao na nagbabanlaw ng kanilang labada. 'Yung iba naman, paalis. Mukhang tapos na maglaba. 

Nagkukulitan sila Lee, Cas, at Forde. Ang puntirya nilang asarin ay si Felice dahil mabilis mapikon. Si Amos naman lumalangoy sa malalim na parte.

"Kapag ako nadamay diyan o matalsikan ng tubig, walang kakain." Banta ko nang maramdaman ko na ako ang inaasar na nila.

I moved away a little and swam in the deep part. Humahon na rin ako. 

"Huy, ang gulo niyo talaga kahit saan kayo dahilin. Dito kayo, oh. Abangan niyo 'yung dumadaloy na pinagbanlawan ng nilabahan. Libre ligo." mayabang pa pagpapakita ni Rowen ng ginagawa niya. 

Iba rin utak ng isang 'to talaga!

Natawa kami sa trip ni Rowen.  

"Gago ka talaga, Rowen Amos." nadi-disappoint na sabi ni Cas.

"Sayang talaga talino mo, Rowen." gatong ni Felice.

"Sayang talaga. Sayang na sayang na nga sa babae, sayang pa sa katangahan." dugtong pa ni Forde.

"Gago, foul." nangingising sagot ni Rowen at napatingin sa akin. Umiling lang ako.

Hay nako Rowen.

Kinuha ko mga pagkain sa Van na ingpark namin sa hindi kalayuan. Inayos ko mga pinagpatong patong na bato upang maging lamesa. 

"Lika na kayo. Kain na, oh." Tawag ko sa kanila. 

"Tawag na tayo ng nanay figure natin." asar ni Lee. "Huwag kang kakain." matabang na biro ko.

Kumain na kami at nagkwentuhan. Syempre sa klase ng mga tao na 'to, hindi maiiwasan ang asaran. Sinisita kami ni Cas sa tuwing nakakapagmura kami sa harap ng pagkain. 

"Buti hindi kayo nagrereklamo na pare-parehas lang ang in-order ko." 

"Oo at si Forde at Lee lang din ang uubos kapag may nakita silang ibang klaseng pagkain." pagtataray ni Felice. 

"Akala mo mga ginutom nang isang buwan." si Rowen.

"Masamid sana kayo." nakafocus sa pagkain na sabi ni Lee. Wala naman imik si Forde. Siguro ay tinatanggap na rin ang asar sa kanila.

Nagkwentuhan kami about sa  studies. Nagsabihan din ng rants tungkol sa buhay lalo na sa pag-aaral. We were equally exhausted, but we just want to achieve our dreams kaya laban lang. Pare-parehas lang na ayaw magrely sa wealth ng kaniya-kaniyang pamilya after ng mag-aral. To make it simple, pare-parehas kaming walang balak magmana ng mga negosyo ng pamilya namin. Perhaps we became close friends over the years because we understood each other's choices.

"Tuloy daw ako sa Canada." Sabi ni Cas.

"Anong gagawin mo?" Tanong ko.

"Kung ano na lang mangyari after three years. But I'm praying na hindi matuloy. Ayaw ko talaga, e."

"You have no reason to refuse. Wala ka namang maiiwan dito." Dagdag pa ni Lee.

"Malay mo bigyan ka ng rason. Especially when you're praying for it." Singit ni Forde.

Si Cas mula noong high school kami masunurin na sa magulang niya. Kusang lumalayo sa mga kalokohan kahit kami pa ang kasama.

"Women aren't my first priority." Depensa niya agad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 19, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Odyssey to the SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon