Chapter 8

75 10 1
                                    

NADY'S POV

Nasa mall ako ngayon kasama si tammy tumitingin kami ng damit para sa pupuntahan naming birthday party bukas na kaibigan daw ng papa ko pero wala kong mapili kasi naman wala ko sa mood. Naaalala ko pa rin yung nangyare kahapon kasi naman ehhh T.T.

"alam mo aabutin tayo ng taon dito kung hindi ka pa pipili ng damit. kanina pa ko nakapili oh ikaw nalang hinihintay ko jan."  sabi sakin ni tammy kasi naman wala talaga ko sa mood eh.

"wag nalang ako tam meron naman ako sa bahay .. nasayo ba yung pera.? tara bayaran na natin.." pumunta na ko sa cashier at sumunod naman si tammy tapos kinuha ko sa kanya yung pera at binayaran.. 

pagkalabas namin inopen ni tammy yung usapan

"alam mo nady madali lang naman yun eh.. hiwalayan mo.. kasi yung ganun tipong lalaki eh di ka deserve noh.."  may tama si tammy pero 

"madaling sabihin mahirap gawin :)" sagot ko kay tammy mahirap rin naman kasi makipag hiwalay dahil nakakapanghinayang yung tagal ng relasyon namin..

"alam mo hindi naman sa tagal yan eh.. kundi pano kayo nagtt-" naputol yung sinasabi ni tammy

"nad, im sorry" anong ginagawa nitong lokong to dito.. amppp

"pwede ba? wala ko sa mood.. " sabi ko at naglakad, si tam naman sumusunod lang pero alam ko buysit to kay raf

"nad gusto lang naman kita makausap., mali naman yung iniisip mo eh, mali yung naiisip mo sa nakita mo kahapon.." bigla niya kong hinawakan sa braso para tumigil ako sa paglalakad " nad pakinggan mo naman ako..,"

"o sige papakinggan kita.., dali.. mag salita kana dahil hinihintay na kami ni papa.."  sabi ko at humarap sa kanya

"Gusto ko lang naman kasi ng may magcocomfort sakin dahil sa nangya-" pinutol ko yung sinabi niya.. hindi ko nagustuhan yung pagdadahilan niya.. imbis na pawalain niya yung sama ng loob ko pinalala niya pa

"comfort??? alam mo ba yung sinasabi mo?? alam mo ba?? girlfriend mo ko.. di mo kailangan pumunta sa ibang babae para humingi ng comfort na sinasabi mo.. lalo pa sakanya??, bat sa kanya pa? ha?? dahil ba-" 

"dahil siya lang ang nakakaintindi sakin..sa or-"

bigla kong nanggigil at galit na pabulong  akong nagsalita

"alam mo ba yang sinasabi mo??!" 

"hindi naman sa ganun pero nady"

" pero dahil mahal mo pa siya? ano pang silbi ko? ano pang halaga ko? alam mo.. bago mo ko kausapin mag-isip isip ka muna.. dahil baka hindi mo magustuhan ang pwede kong gawin at sabihin sayo ..di pala.. baka ikatuwa mo pa" hinila ko si tammy.. at umalis na kami ...

pag-uwi namin dumiretso agad ako sa kwarto ni lock yung pinto .. napasandal ako sa pinto hanggang sa mapaupo ako... kanina pa ko pigil na pigil sa luha ko pero ngayon walang boses na lumalabas kundi puro tulo ng luha .. mas lalo kong nasaktan mas lalo niya kong sinaktan mas nawalan ako ng lakas dahil sa mga sinabi niya .. dahil para na rin niyang inamin wala kong kwenta at mahal niya pa yung babaeng yun.. siguro nga tama na makipag break ako sa kanya.. dahil walang kwentang relasyon ang meron kami.

biglang tumawag si raf sakin .. agad ko tong sinagot 

"nad.. sorry., siguro nga mali talaga ko.. pinagsisisihan ko yung mga sinabi ko nad please.. don't break up with me.. ayoko.. hindi ako papayag"

"siguro? di ka pa sigurado?.. alam mo sa dinami rami ng pagkakataon.. bat sa anniversary pa natin? ayoko na raf., alam mo kahit nanghihinayang ako.. nawalan na ko ng tiwala sayo.. wala na raf.. sinayang mo yung oras na magkasama tayo ,.. sinayang mo yung effort mo para sakin.. dahil baliktarin mo man yung nangyare ... alam ko nang hindi ako yang nasa puso mo.. wag na tayo maglokohan raf.. dahil pinakita mo sakin kung anong nararamdaman mo.."

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon