If You Ever Comeback

34 0 0
                                    

Naranasan niyo na ba yung magmahal nang sobra na halos ibigay mo na ang lahat sa kanya?

Yung tipong wala ka nang gustong gawin kundi makasama lang siya.

Ako, oo naranasan ko na yan eh, ang mas masakit pa ay mahal na siyang iba. Masasabi ko naman na minahal niya ako nun, pero ang tanga ko lang na pakawalan siya dahil sa takot. Takot na baka iwanan niya ako, takot na baka malaman ng papa ko. Di pa kasi kami legal nun eh. Kung magkasama kami ay tumatago pa kami, yung maraming excuse para lang makalabas kasama siya.

kung hindi kami naghiwalay, siguro 1 year and 9 months na siguro kami, konti nalang at 2 years na sana kami.

Chapter One

One Year Ago

Ma, san ba talaga tayo pupunta?” – Ako

“Basta, pupunta tayo dun sa isang isla, sa may Agutayan” – Mama

“Yung sinabi ni papa na dun sila nag outing?” – Ako

“oo dun nga, kaya magmadali ka na at baka nandun na sila” – Ako

Sino kaya ang sinasabi ni Mama na sila? – tanong ko sa sarili ko

Habang papunta na kami sa bahay namin na malapit sa Agutayan Island, nag stopover kami sa isang Gasoline station, tsaka may tinawag si Mama. Yun pala officemate niya yung makakasama namin.

(Kinabukasan)

“Mommy, wala pa sila pero malapit na raw sila, mga 5 minutes nalang daw”- Office mate ni Mama (mommy yung tawag nila sa Mama ko, nakasanayan na nila eh)

“sige, sige sabihan mo magmadali kasi mainit na dun, wala pa naman tayong tent”- Si Mama

Pagkaraan nang ilang minuto, may sasakyan na na dumating.

“Mommy, nandyan na sila. Punta na tayo.” – Officemate ni Mama 1

“Teka, hindi pa ako tapos, mauna na kayo at aabot nalang ako. Basta hintayin niyo ako sa dalampasigan ah?” – Officemate ni Mama 2

Habang papalakad na kami papunta sa Dalampasigan, nakita ko siya, oo siya si JUSTINE, crush ko siya simula pa noon. Ewan ko, kahit wala siyang ginagawa para pakiligin ako, eh kilig na kilig na ako. Kahit nga hindi niya ako pinapansin eh, makita ko lang siya, okay na ako dun.

(Sa dalampasigan)

“Ma’am, dalawa po ang bangka natin ngayon, yung isa pwede po anim ang sumakay, yung isa naman lima.”- May-ari nang bangka.

“Sige, Kami dito sa isa at kayo naman dun sa isa, isama mo na rin si Ericka” – Mama ko kinakausap ang Papa ko.

Yun nga, sa loob ng isang bangka, ako, si Papa, at si Justine, kasama yung papa niya.

Hindi ako mapakali sa mga sandaling yun, parang ang hirap huminga, ewan ko, ang tahimik ko nga nun eh, walang kaimik-imik.

Pagdating namin sa Agutayan,

“Ericka, eto oh, ikaw muna gumamit nang payong, baka masira yung balat mo”- Justine

KYAAAAAAH, kinilig talaga ako nung pagkasabi niya nun, ang saya-saya ko, hindi nga ako nakasagot agad eh.

“uh, salamat Justine”- Ako

Binigay niya sakin yung payong tsaka umalis. Oo, maliit na bagay nga lang yun, pero grabe, hindi ko napigilan si SUTO. (Kayo na bahala umintindi :p)

If You Ever ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon