Chapter Two
Pagkatapos nun ay nagtawanan lang kami, hanggang sa umuwi na sila, alangan naman dito sila matulog sa bahay namin no.
Ilang araw na ang nakalipas, may nagtext sa kapatid ko.
“Ate, ate may nagtext sakin, hinahanap ka, si kuya Justine ate”- Alice
“Hah? Eh bakit naman daw”?- Ako
“hindi ko alam eh, mag reply ka nga lang, gagamitin ko pa yung cellphone ko eh”- Alice
“Opo ma’am eto na, kukunin ko nalang number niya”- Ako
Nagtext na ako sa kanya, naman excited na naman ako. Alam ko ang tanga tanga ko pero bayaan niya na, minsan lang to eh.
“Oy, hinahanap mo daw ako, bakit?”- Text ko sa kanya
“Wala lang, medyo boring dito sa bahay eh, ano’ng ginagawa mo?”- Reply niya sa akin
”nanood lang ng Enchanted. Ikaw?”- Ako naman ang nagreply
“Eto, umuupo lang at nagtetext, walang magawa eh”- Reply niya
Nagtetext kami sa isa’t-isa buong hapon, teka, magdamag pala. Nagkwentuhan kami, hanggang umabot sa pag amin namin sa mga crush namin, kasali nung mga ex namin. Nagkwento nga siya tungkol ay Janelle eh, hindi ko alam pero biglang sumakit ang puso ko habang nagkwento siya kung gaano niya kamahal si Janelle. Nagkwento nga siya na first kiss niya si Janelle eh. Na habang nagbakasyon sila sa Manila palagi silang nagkikita. Di ko alam kung bakit nasaktan ako, eh hindi ko naman siya mahal, oo aaminin ko, crush ko siya pero HINDI KO PA SIYA MAHAL.