Nerd Ako.

256 8 3
                                    

Ang mga NERD madalas nilalayuan ng iba.

Kasi weird daw,kakaiba,may sariling mundo,pang outerspace ang mga iniisip.

Pero hindi lahat ganyan.

Hindi ako ganyan.

Oo,NERD ako.

Kaya wala akong kaibigan.

Madalas akong pagtripan sa school.

"Huy Nerd!"

"Hi Nerdy!"

 "Uy,andyan na si NERD!"

Palinga-linga ako sa kanila.

Hanggang sa...

Bagsakan ako ng harina.

Punong-puno ng harina ang uniform ko.

Namumuti yung buhok at mukha ko dahil sa harinang ibinuhos ng kung sino man sakin.

Nakakabingi ang tawanan nila sakin.

Ang pagsigaw nila ng LOOSER,NERD at kung anu ano pa.

Nabi-bwisit na ako.

Pero hindi ako pwedeng lumaban.

Masisira ang record ko sa school.Running for top1 ako sa buong school.

Masisira ang pangalan ng mga magulang ko.

At ...hindi ko kaya.

"HAHAHAHAAHAHAHAHA!"

"BOOOO!"

"ANO KA NGAYON NERDY NERD?"

"WEAK!"

"LOOSER!"

"UMUWI KA NA!"

Yan ang mga sinisigaw nila habang pinagtatawanan ako.

"ENOUGH! ITIGIL NYO NGA YANG GINAGAWA NYO!" Sigaw ng isang popular na tao sa eskwelahan na toh.

Sosyal.Mayaman.Sikat.Matalino.

Natahimik ang lahat.

Humawi ang mga tao para makadaan sya papalapit sakin.

Walang kaekspre-ekspresyon ang mukha nya.

Dun ako mas kinabahan.Siguro pagti-tripan lang din nya ako.

"Hey,What do you think you're doing?"

"Wag ka nga lumapit dyan!"

"Nerd sy.Pabayaan mo na nga lang.eew"

Napahinto sya dahil sa sinasabi ng mga kasama nya.Mga sosyal din.Mukhang maarte.

Hindi ko na hinintay pa na makalapit sya sakin.

Tumakbo na ako.

Narinig ko pang sumigaw sya ng "SANDALI LANG!'

Pero hindi ko na pinansin.

Pag lumapit sya sakin,masisira image nya sa school.

Baka layuan na din sya ng mga kaibigan nya.

Ayoko naman mangyari yun.

Pumunta nalang ako sa ilog.

Oo,may ilog na medyo malapit lang sa school namin.

Astig nga eh.

So,ayun.

Andito na ako.

Naghilamos na muna ako.

Mukha akong ewan eh.

Ganito siguro talaga pag NERD.

Ewan ko ba.

"Lucho.."

Tawag ng isang babaeng mukhang anghel.

Yung babae kanina..

Si ...

"Hi,Im Lyca" Sabi nya ulit tsaka nag sweet smile at inilahad ang kamay nya.

Napatulala ako.

Ang ganda nya.

Para syang isang anghel ..

"Dont worry.I wont bite" Sabi nya ulit tapos hinawakan nya ang kamay ko para makipagshake hands sa kanya.

Umupo sya sa lilim ng puno.Facing the river.

Napaka inosente ng mukha nya.

"Pwede ka naman tumabi sakin kung gusto mo eh.Pwede ka din naman magsalita.Gaya nga ng sinabi ko,i wont bite" Nagsalita nanaman sya,pero nakaharap pa din sa ilog.

"Except nalang kung ikaw ang mangangagat! Wag ka lalapit.hehe" Pahabol nya.

Umupo na ako sa tabi nya.

"How's life?" Tanong nya sakin.

"Ok naman" Pormal na sagot ko.

Pinipilit kong umakto ng normal.

Ang pangit naman kung makikita nyang KINIKILIG ako eh,diba?

Oo kinikilig ako.

Matagal ko na syang gusto.

Kaso hindi nga pwede kase ..

"Anung iniisip mo?" -Sya

"NERD AKO" Wala sa sariling sabi ko.Halatang nabigla sya.Pinipigil nya ang tawa nya.

"Halata naman eh" Sabi nya habang tumatawang pigil.

Napatungo ako.

Nakakahiya.

"You know what,I LIKE YOU" Prankang sabi nya.

Napatingin ako ng alanganin sa kanya.Totoo ba yung narinig ko?

"Yes,i like you.Kasi ang simple mo lang.Pero cool" Dugtong nya.

"A-ah.hehe" Tama ba yung sinabi ko? O nananaginip lang ako?

"Awkward.Pasensya na--"

"Hindi.Wag ka magsorry.Ako nga dapat magsorry eh.Kasi napaka choosy ko pa eh NERD naman ako"

"Lucho,hindi ka dapat magsorry.Tsaka ano naman kung Nerd ka? Atleast totoo ka sa sarili mo"

"Anu ibig mo sabihin?"

"Atleast hindi ka kagaya ko .."

"Ha?"

"NERD AKO. NERD din ako Lucho,hindi ko lang pinapahalata kase--"

Hindi ko na sya pinatapos at kinissan ko na agad ang pisngi nya.

Tumawa lang kami pareho.

Nagkwentuhan.

Masaya ako.

Kasi may isang tao pala na nagkagusto sakin kahit ganito ako..

Pwede palang may magmahal sakin kahit na ..

NERD AKO.

[END]

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

LYCHO/JUANDI FANFIC !

PASENSYA NA PO KUNG CORNY OR WHAT.

VOTE.COMMENT.BECOME A FAN.

FOLLOW ME ON TWITTER :  @FermaTabs

SALAMAT PO :)))))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nerd Ako.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon