{ three reposted }

4.5K 125 32
                                    

Hindi daw kasi mabasa o maopen ng iba kaya nirepost ko. ;-----;

"Taena, Jeon Jungkook! 1 month ka na pala hindi pumapasok ng eskwelahan! Ano bang balak mo sa buhay! Wala ka pa nga maipagmamalake eh! Gusto mo ba maging batang yagit!" Puro exclamatory point na inda ni Kyungsoo, pinatawag kasi sya ng homeroom teacher ni Jungkook at nagsumbong na hindi na nga pumapasok ang kanyang punyetang anak. Grabe ka, Kyungsoo. Huhu.

Yinuko ni Jungkook ang ulo nya, "Bukas papasok na ako, eomma. Sorry.." Nanglambot naman si Kyungsoo sa sorry ng kanyang anak, madalas kasi itong matigas sakanya kaya hindi nya inaasahan ang sorry na iyon.

Bumuntong-hininga si Kyungsoo at ngumiti, inilapag nya sa lamesa ang pocket money ni Jungkook for a month. "Papasok ka na bukas ha. Hindi ko ito sasabihin sa Appa mo, okay? Alam kong mas malufet ang gagawin nun sayo."

Ngumiti si Jungkook at bumuntong hininga ulit.

"Yo! Taehyung, matatapos na school year natin hindi mo parin pinapansin si Jeon ah." Pansin ni Namjoon, kuya-kuyahan ni Taehyung habang nakaakbay ito sa binata. Nasa hallway sila ng school ngayon, maaga pumasok si Taehyung dahil may meeting ang Science Club.

Sa totoo lang, aaminin ni Taehyung na nakakamiss naman talaga ang Kookie nya. Yung Kookie nya na mukhang retard na kuneho pero kyuutkyuut naman. Naguumapaw ang pagmamahal nya sa bunso. Kaya nga kapag nakikita nya ito, may tumatayo eh. Sino ba naman kasi hindi maiinlove kay Jeon Jungkook lalo na kung nakasama mula fetus life?

"Hyung, napakaexajj ko siguro anah?"

Nagkibit balikat si Namjoon. "Pre, super exajj. Alam mo, kung niligawan mo nalang si Jungkook edi sana mas okay pa keysa parehas kayo nagiiwasan dahil lang sa deputa nyong problema hays."

"Tsk. Gusto ko rin naman sya ligawan. Kaso.. parang nagiba na sya eh."

"Taehyung, lahat ng tao nagbabago. Pero kung mahal mo talaga sya, kahit maging giraffe o hito yan si Jeon mamahalin mo sya."

Ngumiwi si Taehyung. "Mas okay na sakin ang giraffe keysa hito, hyung. Pwede ba."

Pagkatapos nila magusap tungkol sa kagaguhan ni Taehyung, tutungo na sana silang dalawa papasok ng Science Club Room dahil hindi maguumpisa ang meeting kapag wala sila.

Kapag gwapo nga naman oh.

Ngunit, napatigil si Namjoon sa paghakbang ng makitang nasa sahig si Taehyung.

"Ang swerte naman nung sahig, Taehyung! Nadikitan ng pwet mo!" Palakpak ni Namjoon at tatawa na sana kaso nakita nya ang masamang titig ni Taehyung sa lalakeng nakasandal sa sahig at cool na cool na nakangisi na para bang priniprovoke ang alien na nasa floor.

Hindi sila umiiwas ng tingin, nao-out of place na tuloy si Namjoon.

"Park Jimin." Si Taehyung ang unang bumasag ng katahimikan dahil gusto nya rin basagin ang pagmumukha ni Jimin ngayon.

Pumito si Jimin at ngumisi. "Kim Taehyung."

Parehas silang may galit sa isa't-isa. Well, obvious naman eh. Simula kasi ng magkagusto si Jimin kay Jungkook, nagsimula na rin nya kabanasan si Taehyung.

Dahil sa selos.

Potangina, ang laki talaga ng ilong ni Jungkook kaya ang rami nagkakagusto.

Alam naman ni Taehyung na ayaw ni Jungkook sa galunggong na napumatid sakanya. Syempre, sya ang gusto ni Jungkook. Taena, dapat may confidence para hindi masaktan.

"Bakit mo ko pinatid? May problema ka ba sakin?" Madiin na tanong ni Taehyung, tatayo na sana upang hindi sya maging maliit sa harapan ni Jimin ngunit sinipa ni Jimin ang binti nya na naging dahilan para bumagsak ulit sya sa lapag.

I'm Kidnapping, Kim Taehyung! (Vkook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon