Dahil mahal ko si Ate Nicole at mahal ko si L, dedicated sa kanya! :* Haha. Kung meron mang tao na ipauubaya ko si L, eh kay Ate Nicole yun. Labyu SO MUCH Ate Payr!! ♥
---
Hapon na naman at eto ako, sa harap ng computer, nakatitig sa isang taong nagpapatibok ng puso ko. Yung gwapong muka niya, na hindi naaalis sa isipan ko ni isang segundo. Ang singkit niyang mga mata, ang matangos niyang ilong, ang maninipis niyang labi, ang buhok niyang tila kasing lambot ng bulak, yung pangalan niyang hindi ko maiwasang mabanggit.
"Hay L, kailan ba ulit kita makikita?"
Kababata ko si L. Well, we were on highschool nung pumunta siya ng Korea. I've liked him even before. Hanggang ngayon. No, I LOVE HIM NOW. Hindi ko inexpect na magiging artist pala siya sa Korea. Sumikat pa siya dahil dun. Naging fan ako ng grupo nilang Infinite. Tapos narecognize kong isa pala siya sa mga yun.
Close na close kami dati alam niyo yun? We're like bestfriends. Lagi kaming magkasama. Nakakamiss siya. Ang saya saya namin way back then. Super lungkot ko nung umalis siya.
Highschool pa yun. College na ako ngayon. Natatandaan pa kaya niya ako? Kasi ako, hindi ko siya makakalimutan. Gusto ko siya noon. Mahal ko siya ngayon. Nothing really changed.
TWITTER UPDATE: RT "Infinite will have a meet & greet and fan signing event this coming Saturday at *******.
OMYGOSH. Infinite?! Seryoso ba 'to? I dialled Sam's number, my friend - inspirit din.
"SAM!"
"Nicole! Ang ingay ingay? Tch. Nasa sinehan ako eh! Storbo nalang lagi."
"Tinatarayan mo na ko ngayon ha?"
"Joke lang. Bakit ba? Dali, malapit nang matapos eh!"
"Ayun nga! Wah! Pupunta dito ang Infinite!"
"What?!" sigaw niya sa kabilang linya. Gaga talaga yun. Nasa sinehan sumigaw? Shunga. Narinig kong pabulong siyang nagsosorry sa kabilang linya. "Aish! Nicole kasi eh! Paexcite!"
"Aba? Ako ba yung sumigaw? Pero Sam! Makikita ko na si L! Finally!"
"Pwede ba? Akin si L. BACK OFF."
"Shut Up. Akin si L!"
"Whatever. So kailan ba? Concert ba yan?"
"Meet and Greet plus Fansigning. Saturday na."
"Nakakaexcite! Bibilhan na kita ng pass ah? Bayaran mo nalang!"
"Sige Sam! Thank You."
"Ge! Bye." Bago niya binaba ang phone narinig ko ang sigaw niyang, 'WHAT?! TAPOS NA YUNG MOVIE?!'
Masaya akong humiga sa kama ko at tumingin sa kisame kung saan nakalagay ang mga poster ni L. Kahit saan ka tumingin sa kwarto ko, di pwedeng walang picture ni L.
"Alam ko kilala mo pa ko, L. We're so close back then that it's too impossible for you to forget me."
***
SATURDAY.
Imbis na maexcite ako, kinakabahan ako. Ewan ko. Natatakot siguro akong madisappoint. Natatakot akong malaman na nakalimutan na niya ako. Ayoko. Natatakot ako. Natatakot akong masaktan.
"Floating."
"Anong floating?"
"Lumulutang ka nanaman Nicole!" sabi sakin ni Sam as she rolled her eyes. Nandito na kami sa event. Nagpaganda ako para dito. Si Sam rin. Pero mas maganda ako sa kanya. Syempre! Kailangan akong mapansin ni L. Kailangan ko siyang makausap.