ANG BABAE SA SAPA

1.1K 13 18
                                    

Sa isang liblib na lugar ng San Isidro nakatira ang pamilya Lahar. Hatid sundo ni Mang Noel ang kanyang dalawang mga anak na sina Pedro at Juan sa eskwelahan. Kada hatid niya sa mga ito, parati nyang hinahabilin na huwag maliligo sa sapa simula alas kwatro ng hapon hanggang alas sais ng umaga dahil daw sa mga nakatirang mga engkanto at mga diwata roon.

Kasalukuyang nag-aaral sa elementarya ang dalawang lalaki. Nasa ikatlong baitang ang panganay na si Pedro, at nasa unang baitang naman ang bunsong si Juan. Sinusunod naman ng mga ito ang habilin ng kanilang ama. Tuwing hapon, hindi sila umaalis sa paaralan kapag hindi pa sila nasusundo.

Isang duwag na bata itong si Juan na kabaliktaran naman ni Pedro na matapang kahit medyo may pagkabading. Minsan ay natatagalan sa pagsundo si Mang Noel sa kanila dahil sa layo ng bahay sa paaralan. Buong araw ang trabaho niya para lamang may maitaguyod sa dalawang anak dahil namayapa na ang kanyang asawang si Aling Rosa.

Isang araw, kinaylangang magdagdag ni Mang Noel ng oras sa trabaho para makalikom ng dagdag na pera para sa proyekto ng kanyang panganay na anak. Sa paaralan naman nag-aantay ang dalawang bata na sunduin sila ng kanilang dakilang ama. Mahigit dalawang oras silang nag-antay simula alas tres dahil maaga lang natapos ang kanilang klase.

Mag-aalas singko na ay wala parin ang kanilang pinakamamahal na ama kaya nagdesisyon nalang silang umuwi at huwag ng hintayin ang ama. Sa gitna ng daan, biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Wala silang masilungan.

"kuya, basang basa na po tayo. Maligo nalang tayo sa sapa," panghihikayat ni Juan sa nakatatandang kapatid.

"hindi pwede, magagalit si ama. Pinagsabihan niya kaya tayong huwag maligo ng sapa kapag hapon," tutol naman ng panganay na si Pedro.

"Hindi naman daw iyon totoo sabi ng mga kaklase ko eh. At, diba matapang ka naman? Maligo na tayo, sige na!" yaya ni Juan habang hinihila si Pedro papuntang sapa.

Dahil nga mahal ni Pedro si Juan bilang nakababatang kapatid niya, pinagbigyan nalang niya ang gusto nito. Alam niya rin namang hindi sila pababayaan ng Diyos.

Pagdating nila sa may sapa, inilapag nila sa may damuhan ang mga basa nilang bag at nagsimula ng maglakad papunta sa tubig. Napahinto ang dalawa dahil sa kanilang naapakan. Itoy buhok na kulay itim at mahaba. Maganda ito.

Dahil sa kagustuhan ng dalawa na malaman kung saan at kanino nanggagaling ang maganda at mahabang buhok, kanilang sinundan ang direksyon nito.Malayo na ang inabot nila.

"Kuya, umuwi na tayo, natatakot na ako dito"

"Hay naku Juan, sabi ko naman sayo na wag na tayong tumuloy, kaw kasi tong pilit ng pilit,"

"Pero ku--" hindi naipagpatuloy ni Juan ang sasabihin dahil bigla siyang bumangga sa likod ni Pedro dahil sa paghinto nito.

"Ano ba kya, bat ka huminto? Pero, Bumalik na nga ta--- 0.o" nanlaki ang mga mata nilang dalawa dahil sa kanilang nakikita sa kanilang harapan.

Isang babaeng nakalubog sa tubig habang nakahawak sa napakaganda at mahaba nitong buhok.

"te--te-teka kuya, sa kanya pala yung mahabang buhok na sinusundan natin,"

"ay hindi, sayo. Halika,lapitan natin," hindi pa nga nakakalapit ang dalawa ay iniahon na ng babae ang mukha nya mula sa pagkakalubog sa tubig. Nakaharap man ang knyang katawan sa mga bata, eh hindi pa rin sya makita-kita ng mga ito dahil nakayuko sya at tinatakpan pa ng kanyang mahabang buhok ang kanyang mukha.

Dahil sa takot ay napatakbo ng mabilis si Juan pabalik sa lugar na pinaglagyan nila ng mga bag dahil sa takot dun sa babae. Hindi niya na inisip ang kuya dahil nga matapang naman ito,kaya iniwan niya nalang.

Si Pedro na naiwang nakatayo pa rin habang titig na titig dun sa babae ay naglakas ng loob na magtanong,

"Ale, magkano paRebond?"

Itinabing ng babae ang mga buhok na nakatakip sa mukha nito upang makita nya si Pedro at makita din sya nito, pagkatapos ay sumagot,

"Shinampoo ko lang yan. :)"

[wakas ng kwento]

A/N: hahaha...naalala ko lang po ang rejoice na advertisement.  ^_^

ANG BABAE SA SAPATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon