TBTT - Chapter 1

3 0 0
                                    


"Uwi ka ng maaga hija. May ibibigay ako sa iyo. Pagdating mo ay luluwas na rin ako papunta sa siyudad. 'Wag ka na lang magmadali, maagi pa naman. Marami pang bus na dadaan at matagal pa ang last trip. Mag-iingat ka d'yan."

I sighed and glanced at the surroundings na nadadaanan ng tricycle na sinasakyan ko bago tumikhim.

"Sige ho Manang, I'll go there later." 'Saka ko pinatay ang linya. Napabuntong-hininga na lamang ako ulit at hinintay na makarating sa terminal ng mga trisiklo sa bayan itong sinasakyan ko. Pagkarating ko ay agad akong nag-abot ng two hundred at hindi na hinintay pa ang sukli. Rinig ko ang galak sa boses na pasasalamat ng Manong driver habang ako'y nakatalikod at naglalakad na.

Nakapamulsang tinawid ko ang kalsada habang hawak-hawak ang cellphone. Mahigpit ang pagkakahawak ko roon na kung hindi ko bibigyan ng pansin ay tiyak na mababasag na. Kaya sa huli'y napabuntong-hininga ko itong ipinasok sa aking bulsa.

May ilang napapatingin, karamihan ay dalaga at mga binata. Siguro ay namangha lang sa katangkaran ko. Kapag ganitong oras rin kasi'y halos purong kadalagahan at kabinataan ang karamihang tumatambay sa seven eleven.

Pumasok agad ako pagkatapos kong buksan ang pintuan. Agad naman akong binati ng guard na nagbabantay. Wala akong balak mamansin dahil wala ako sa mood. Bukod sa kakalibing lang ng kumumkop sa akin ay may isa pang mas lalong nakakadagdag tanggal ng mood ko sa katawan. Hays, ewan ko na lang!

Dumiretso lamang ako sa mga canned soft drinks at kumuha ng coke. Pagkatapos ay kumuha ng dalawang choco fudge na cloud9 at cal cheese. 'Yon lang at pumunta na ako sa counter at pumila.

Nang ako na ang sumunod ay nahagip ng mata ko ang doublemint na stick bubblegum. Kumuha ako ng dalawa at agad na inilagay sa harapan ng babaeng nagpapanso ng mga binili ko. Napatingala siya ng mag-abot ako ng isang libo. Nakaawang pa ang mga labi.

Inayos ko na lang ang aking salamin sa naiinip na paraan. Ayokong pinaghihintay ako! Mukhang nakuha niya naman agad ang pahiwatig ko dahil tumikhim siya't ipinasok sa paper bag ang mga binili ko. Pag abot niya sa akin ng paper bag ay agad ko itong kinuha pati ang sukli. Hindi naman sa namimili ako ng tao na bibigyan, talagang alam kong bawal ang tip sa kanila o kaya'y sobra. Bawal silang tumanggap ng pera sa trabaho bukod sa sweldo.

I immediately find a comfortable spot para maka-upo at makakain.

"Oy! Ikaw pala iyan Eya! Narinig ko ang nangyari sa Lolo mo, condolence pala! Alam mo bang nabigla talaga ako sa balitang iyon! Ki-bait-bait ng Lolo mo sa mga taga-rito! Kulang nalang ay tumakbo siya noon na maging Mayor ng lungsod para mabigyan talaga siya ng titulo sa kabaitan! Naku! Hindi niya man lang ipinaalam sa karamihan ang maganda niyang apo! Aba'y hija, ngayon lang kita nakitang lumabas uli ah?!"

Nakakarindi. Ang ingay niya. Ang huling gusto ko ngayon ay kausap kaya kapag nagsalita ulit to ay masasapak ko talaga 'to! Kitang kumakain ang tao eh! Tang ina.

Mukhang napahiya siya dahil hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin o sinulyapan. 'Yan! Magdusa siya! Ang ingay-ingay lintik! Pero mukhang makapal talaga ang pagmumukha niya! Eh hindi ko nga siya kilala amp!

"Ay ako nga pala si Ester!" Sa pagkakataong ito ay sinulyapan ko siya. Nagkakamot siya sa kaniyang batok, siguro ay dahil sa hiya? Wow. Tinatamaan din pala 'to ng hiya? Inang 'yan.

Babae siya at mukhang may mga anak. May kaedaran na ang mukha niya pero malaki at maingay pa rin ang bibig. Mukhang siya rin iyong mga tipong nanay na lalabas lang para makichismis at mangalap ng taong pipintasan. At ayoko sa pakikitungo niya, mukhang nakikichismis o pumapapel. Well, pag-ayaw ng instinct ko, ayaw ko rin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 26, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Truth Behind The TaleWhere stories live. Discover now