Chapter 1

1 0 0
                                    

"tulog si yodi?" nagising ako sa tanong ni mommy.

tumayo ako sa pagkakahiga ko sa sahig at tumakbo papunta kay mommy na naiiyak at naiyakap siya.

"Mommy! Si Dairy nilunod ako kanina habang nagswi-swimming kami!" may pagka-galit na iyak kong sumbong kay mommy habang masama kong hinarap si Dairy.

Nag swimming kasi kami kaninang hapon sa clubhouse. bagong lipat lang kami dito sa laguna. lumaki kami parehas ni Dairy sa Saudi Arabia at first time namin makapunta sa pinas, although hindi ko first time mag swimming sa clubhouse.

"Sabi ko hindi nga ako yung lumunod sayo eh!" pagalit na sinabi ni dairy kaya medyo naiinis ako.

"Eh sino naman ang lulunod sakin? si Joshua? eh nasa malalim na pool siya eh! tsaka imposible naman si Roi yon eh hindi ko naman siya kasama."

Sa totoo lang, ayoko bintangin si dairy eh tsaka may onting pag hihinala ako na si Roi yung nanglunod sa akin kasi nung pag ahon ko ng ulo ko, si dairy ay nakatingin sa akin habang si roi naman ay nag mamadaling lumangoy papalayo sa sakin nang.

Tsk, bahala na nga.

"Bakit ang tagal niyo?" tanong ko kay mommy. Pitong taong gulang palang ako ay medyo maypagka suplada na ang ugali ko, pero slight lang. hindi kasi tinuro sa amin ang mag 'po' at 'opo' kaya medyo hindi ako sanay gamitin eto.

"bumili pa kami ng gamit sa bahay, kasama ang ninang liesel mo kaya medyo ginabihan na kami." ani ni mommy.

Ilang oras lang ang nakalipas at nagsikain na kami. nuggets lang ang kinain namin dahil wala pa masyadong kagamitan sa bahay. kabibili lang daw ito, yun ang sabi ni mommy sa akin at kay dairy. nasa Saudi kami non nung umalis si mommy para mag hanap daw nang bahay sa pinas at eto ang pinili niya. Hindi naman kami mag-isa ni dairy sa bahay dahil kasama namin si Dad. although hindi siya sumabay samin papunta dito dahil gusto pa daw niya mag trabaho sa Saudi kaya susunod nalang daw siya.

Marami kaming kaibigan ni dairy doon, halos lahat ay pinoy den, pati rin ang ina-attend naming school ay isang international philippine school. ngunit nung dumating na kami dito sa pinas ay una naming nakilala ni dairy ay yung dalawa naming pinsan sa mother's side. Ang masama, ay hindi pa kami mag-kasundo. away dito, away doon, basta ako? ayokong natatalo kung nasa isang away man ako o sa isaang arguement.

Madaling araw na nang nagising ako. sa sahig parin kami natulog. sa kaliwa ko si tita unika habang si dairy naman ay ang nasa kanan ko. hindi ako kumportable pag kasama ko si tita unika dahil halos wala siya pakialam sa paligid, gaya kahapon. magdamag lang siya nag se-cellphone. bumangon nako sa pag kakahiga ko at dumiretso sa kusina para maghanap ng pagkain ngunit nang pag-bukas ko ng ref ay halos wala kalaman-laman at ang nandoon lang sa loob ay parang maliit na bote ng tomato drink dahil kulay red siya.

lumabas nalang ako ng bahay para mag pa hangin kahit kaunti. tahimik dito sa Avida Settings dahil madaling araw palang. pasapit palang ang araw at medyo giniginaw ako dahil malamig. Humarap ako para makita ko ang itsura ng bahay namin.

Okay lang siya, Hindi siya gaano kalaki na parang mansion pero di rin gaano kaliit. Two storey ang nabili ni mommy at bagay na siya para sa family of four. Sa second floor mayroong maliit na lounge area kung saan pwede kami tumambay pag nasa labas kami ng kwarto at sa harap niyo ay 2 kwarto. Share kami ng kwarto ni dairy habang kay mommy and dad naman ay yung sa kabila.

2 buwan na ang nakalipas simula dumating kami dito. and let me tell you what, mas lalong lumalala ang mga araw ko dito dahil sa mga pinsan ko. lagi nalang kami nag aaway. halos hindi na kami nag kakasundo.

"bakit mo hinipan?!" pagalit kong tanong kay Roi.

it's my 8th birthday today and this annoying cousin of mine just blew the candle behind me. hinipan ba naman yung kandila na nakalagay sa cake ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To Wait for Both (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon