SYNOPSIS

1 0 0
                                    


Si Adi Viajante ay isang 17-year-old senior high school student ng Wilkin University. Siya ay short-tempered, oversensitive at maldita. Siya rin ay ang panganay na babae na anak sa kanilang pamilya. Nagmula sa hirap ang kaniyang ama at ina kaya malaki ang expectations nila kay Adi na magtatagumpay ito sa buhay. Ngunit may mga prinsipyo si Adi na hindi nagtutugma sa mga pananaw at gusto ng mundo para sa kaniya. Sa gitna ng paghahanap niya sa kaniyang totoong purpose niya sa mundong ibabaw, nagkatagpo sila ni Danzo Medrano.

Si Danzo Medrano ay naging kaklase ni Adi Viajante sa senior high school. Siya ay napakatahimik at umiimik lamang kapag kakausapin. Isang tanong, isang sagot ang kaniyang naging pagkakakilanlan sa buong klase. Halos hindi siya nagkikipagsalamuha sa iba. Sabi ng mga kakilala niya, hindi raw siya dating ganiyan. Kaya noong nalaman ito ni Adi, labis itong na-curious sa pagkatao ni Danzo. Pero ang hindi niya namalayan ay nahuhulog na pala siya sa kaniya.

Ano kaya ang mangyayari kapag ang dalawang personalidad na ito ay magkaisa?

Ang kwento na ito ay mangyayari sa taong 2019 hanggang sa kasalukuyan. 

Nang Dumating KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon