Chapter 1

30 1 0
                                    

Neil's pov

 Nehemiah Leiy Cruz, o mas kilala bilang si Neil nang nakararami. 16 years old, payat, katamtaman ang kulay, 5'2 ang height, may matatangos na ilong, bilog na mga mata, at higit sa lahat isang bakla. Yesh mga beshy, tama kayo nang narinig, I'm gay. Alam naman to nang mga magulang ko at tanggap naman nila ako sa kung ano ako. Basta mag-aral ng mabuti at higit sa lahat maging mabuting mamamayang Pilipino. Anyways tama na ang introduction.

 6:30 na ng umaga, as usual magriritual muna ko bago kumain. Pagkatapos gawin ang lahat nang aking ritual bumaba na ako, sinalubong naman ako ng aking nakakatandang kapatid, si Ate Jessica. Lumpo na siya, matapos noong nangyaring pagbunggo ng isang kotse sa kanya. Di parin namin sure kung sino ang gumawa pero ayon nga.

 "Oh ate, good morning! kumusta ka na?" 

"eto, naka upo parin sa wheelchair hahaha. Halika na kumain ka na. Kakaalis lang rin nila mama, may pupuntahan sila." pagkasabi nito. Eto talaga si ate masiyado advance mag-isip.

Habang kumakain kami naisipan ko ng sabihin itong bagay na gusto kong sabihin sa kanila matagal na matagal. Pero dahil si ate nga lang ang kasama ko sa kanya ko nalang muna sasabihin.

"oo nga pala ate, maghahanap muna ako ng trabaho" pagkakasabi ko rito na kinataas ng kanyang kilay.

"Trabaho? Neil, hindi mo na kailangang magtrabaho. Hindi naman porke lumpo na ako ay di na ako makakatrabo." sabi niya sa akin sabay hawak sa aking mga kamay "hindi mo narin kailangang maghirap, mag-aral ka nalang muna nang mabuti para sa kinabukasan mo" dagdag niya rito.

"Ate para saakin rin namin yung trabahong yun. Atsaka para maka-ahon-ahon rin tayo sa buhay" sabi ko sa kanya. Actually hindi naman talaga kami mahirap, hindi rin naman kami mayaman. Kung baga kami yung klase ng pamilya na may kaya. 

 Pero hindi naman dapat kami napunta sa sitwasyon na to eh. Sa totoo lang mayaman naman talaga sila mama noon, na abutan pa nga ni ate iyon eh. Pero bigla nalamang silang pinalayas ng lola namin. Iyon lang ang ikinuwento nila mama sa akin. Pero alam ko naman na mayroon pang explanation kung bakit kami nagkakaganito ngayon.

"Oh sige bahala ka, pero Neil ah, masiyado kapa bata chaka hindi naman kalakasan ang katawan mo. Kung kukuha kaman nang trabaho siguraduhin mong kakayanin mo. Ok?" Sabi niya sa akin na tinanguan ko lang.

 Pagkatapos namin kumain ay umalis na ko para bumili nang mga ingredients para sa lulutuin naming chap suey mamaya.

Fastforward...

 Pauwi na ako ngayon at nagiintay nalamang ng masasakyan, ng may isang poster na kumuha sa aking atensiyon. "Wanted Babysitter" may ganon pala? Kala ko mga yaya, driver, lang ang mga hinahire ng mga ganito pero may babysitter din pala? Apaka confusing ng world na to ah. Nilapitan ko ang poster at kinuha iyon. Hindi naman siguro illegal iyon deba? 

 Pagkauwi ng bahay, 11:30 na. Inilapag ko muna yung mga potahe sa lamesa na kailangang hiwain. Lumapit rin si Ate Jessica, mukhang nakaramdam na paparating na ko. Nakita niya ata yung hawak-hawak ko kaya napatanong siya.

"oh? galing kalang palengke kung ano-ano naman nakuha mo. Ano naman iyan?" sabay turo dito sa papel na hawak ko.

"Ate" tawag ko sa kanya sabay napatingin sa aking mga mata "Anong say mo sa pagbe-babysit?" dagdag na tanong ko sa kanya.

"Babysit? like mag-aalaga ng bata?" tanong na ikinatango ko lang "Well, masarap naman mag-alaga ng mga chikitings kaya ok lang. Baket mo natanong? iyan ba ang nakalagay diyan sa hawak-hawak mong papel?"

"Oo ate eh. Sa tingen mo kunin ko kaya? para sa pag-aaral ko rin naman toh, tapos para matulungan narin sila mama at papa at lalo ka na ate" sabi ko sakanya na puno ng sinseridad

 Isang malalim na hininga ang kanyang pinakawalan bago nagsalita, "ikaw bahala Neil, pero tandaan mo yung sinabi ko ah. Siguraduhin mong kakayanin mo iyang trabahong yan atsaka mag paalam karin muna kanina mama, kailangan nilang malaman yan" Sabi niya sa akin na kinatanguan ko ule.


 Gabi na ngayon at kaharap ko sina mama at papa para sabihin sa kanila ang napag-isipan kong desisyon. Hindi rin naman sila umangal, pero sinabihan din nila ako na mag-ingat at siguraduhin na kakayanin rin ang trabaho. 

 Eto na, baka eto na ang babangon sa amin sa kahirapan. Kahit di ko alam kung magkano ang suweldo ko rito eh keri na. Napagdesisyunan kong tumawag sa number na nakasulat sa papel.

 "Helo! Dis is Santiago's resident, how can we help you?" tanong ng isang babae sa kabila ng telepono.

 "Ah hello po, tumawag po ako para itanong kung, bukas parin po ba yung pag ha-hire niyo ng babysitter?" 

"Ah iyon po ba? saglit lang tawagan ko lang si Senora"

Makalipas ng ilang minuto ay may isang babaeng malakas na nagsalita sa telepono, kaya na ilayo ko sa tenga ang aking mumunting Nokia keypad phone. Hindi naman siya galit, mukhang masaya pa nga siya e.

"HELLO! JUSKO MARAMING SALAMAT AT MAYROON NG TUMANGGAP SA TRABAHO! YOU'RE HIRED!" malakas na sabi niya na kinabigla ko.

"h-ho? hired? wala po bang kailangang gawin para matanggap sa trabaho?" tanong ko rito. Di ko alam ba't ko pa sinabi iyon. Basta napapanood ko kasi sa mga teleserye na kapag magtatrabaho ka maski simple pa yan e, iinterviewhin ka muna bago ka matanggap.

"Ay oo nga pala hehe. Sorry sorry, natutuwa lang ako kasi sa halos ilang linggo na nakapaskil yan sa poste, eh hindi man lang napapansin. Ganito magkita nalang tayo sa SM North." Sabi niya sa akin na sinangayunan ko nalang rin. 

Pagkababa ng pagkakababa ng aking telepono ay napagisip ako... SM North? saan iyon? Ang pinakamalayo ko lang na napuntahan dito eh iyong public market sa amin. Mukhang mapapagastos ako sa taxi nito ah.

Nahiga nako sa aking kama at napasabi nalang ng "kung ano man ang mangyari, bahala ka na lord. AMEN" 








TBC...

Babysitting the 4 Homophobe GangsterWhere stories live. Discover now