Simula

20 0 0
                                    


Simula

I IMMEDIATELY snap and compose myself nang makaramdam nanaman ako ng antok.

Sarap matulog para akong dinuduyan.

I didn't have enough slept last night kaya heto ako ngayon at pilit nilalabanan ang antok na kanina pa gustong lumukob sa akin.

Parang gusto ko na tuloy kumanta ng 'O tukso layuan mo ako' but nah. Baka mapalabas pa ako ng professor namin. E terror pa naman 'to. Edi nagkaletse letse na diba?

Sayang ang pagpupumilit ko sa diwa kung magising kahit antok na antok na talaga ako kanina pa. I swore!

Kasalanan kasi talaga ng bwiset na tabachoy na 'yun e. Pinahabol pa ko. E kung di siya pumalag at nagtangkang tumakas edi sana na tapus agad 'yung trabaho ko kagabi at nakatulog agad ako. Haay.

Nababanas tuloy ako kapag iniisip ko 'yun. Bwiset! Kasalanan ng baboy na 'yun e. Sarap niyang elechon!

"–Miss Cristiano! Nakikinig ka ba sa akin o ano?"

Agad na umayos ako ng upo ng marinig ko ang surname ko saka tiningala si Prof na nasa unahan ko na pala. O, paano 'to na punta dito? May lahi bang ninja si Prof? Sa last row kasi ako nakaupo sa may kanan at sa pagkakaalam ko ay nasa harapan pa siya kanina. Nag lelecture ng History.

Now, you know kung bakit mas inaantok ako sa klase.

"Syempre naman sir. Kayo pa ba hindi ko pakikinggan?" sagot ko na nagpatawa sa mga kaklase ko.

Alam kasi nilang kahit kailan ay hindi ako nakinig kay Prof. Wala nga akong alam sa history e. Paki ko ba d'yan? Past na yan e. Kailangan ko pa bang balikan yan para masabing 'Pinoy ako'.

"Anong nakakatawa?!" Sabad naman ni Prof na nagpatahimik sa mga kaklase ko.

Serves your right! Ibuking ba naman
ako.

Pagkatapus sa kanila ay bumalik ulit ang attention ni Prof sa akin na ngayon ay nakataas na ang kilay dahil sa sagot ko. Waring tinatantya kung nagsasabi ba ko ng totoo.

'Maniwala ka, please!'

As if, idadasal ko yan.

"Madalang ka na ngang pumasok sa klase ko ay hindi ka pa nakikinig at may plano ka pang gawing silid higaan itong classroom. Walang modo!"

Aw! Tinamaan ako don. Of course, hindi sa huling sinabi niya. At magpapaapi ba naman ako? Obviously hindi.

"Pumapasok naman ako Prof. ah, baka hindi niyo lang nakita kasi gurang na kayo." alma ko na hininaan ko na lamang sa huli at baka ako'y ma kill pa ng kanyang ruler.

Ewan ko ba bakit may ruler to e di naman Mathematics tinuturo niya.

Tumaas naman ang isang kilay nito sa naging sagot ko.

"Buweno, kung pumapasok ka nga talaga sa klase ko Miss Cristiano, sino sa palagay mo si Emilio?" naghahamong tanong ni Prof sakin with matching cross arms pa.

Tsk. Akala ko naman mahirap itatanong niya. Basic lang pala.

Tamad na tumayo muna ako bago sumagot dahil isa 'yun sa mga rules niya. Ang sumagot ng nakatayo o wag ka na lang tumayo at sumagot. 'Leave it or take it's ika nga niya.

One time nga, di ako tumayo ng sumagot ako dahil syempre tamad ako like always kaya ayun, halos isang oras akong nakatayo sa buong klase niya dahil lang sa di ako tumayo ng sumagot ako. Kakaimberna diba? Pero okay na rin, at least I learn my mistake.

Ang hindi pumasok sa klase niya. But sadly, naulit. Sa sobrang bangag ko ba naman kanina'y napasama ako sa klase. Kakaimbyernang mga kaklase kinausap usap pa kasi talaga ako e.

Back to our main concern, tumikhim muna ako bago ibuka ang aking bibig para sumagot.

"Ikaw sir." mabilis at walang pag aalinlangang sagot ko while pointing directly at him na ikinatawa naman ng mga kaklase ko.

Hindi 'to comedy okay?

My forehead creased because of that.

Oh, bakit nanaman? Tama naman 'yung sagot ko ah. Tinatanong niya kung sino si Emilio. And he's Emilio Gregoryo Dimagiba if I'm not mistaken. Oh, diba? Kahit papaano may alam pa naman ako sa History teacher namin.

But instead of being grateful at proud sa sarili si Prof na kilala ko siya ay kabaliktaran ang naging reaksiyon niya.

Unti-unting umusok ang ilong nito at namula ang mukha na parang nagtitimpi sa galit habang nakaduro ang ruler nito sa akin na nanginginig pa.

Aba-aba! Wala pang dumuduro sa akin na kumpleto pa ang mga daliri ngayon 'no! Kahit professor pa kita.

"Y-you! Umalis ka sa h-harapan at klase ko ngayon Miss Cristiano bago kita—"

Pagkarinig ko palang sa magic word ay kumaripas na agad ako ng takbo palabas ng classroom habang sukbit-sukbit ko ang backpack ko sa likod. Hindi ko na pinatapus si Emilio este Prof sa pagsasalita dahil antok na antok na ako. Kanina pa. Gad!

Tsaka baka pag di ako umalis ay ma shoot to kill ako ng rules. Steel pa naman yun! Edi syempre masakit. Ayokong magkabukol though I can also invade that easily.

Oh well, bahala na siya d'yan. Basta ako nasagot ko na ang tanong niya kaya matutulog na ako. But before that, let me remind myself not to attend his class again or else... I'll K.O him. For goodness sake.

"GOOD morning Mrs. Gascon." bati ko sa nurse na nakatuka sa clinic ng school bago tuloy-tuloy na pumasok.

Feeling close ako e. And yes, obviously, dito ko isasagawa ang rest operation ko.

Napabaling ang tingin ng nurse sa akin pagkarinig sa boses ko.

"Oh, Ana, pinalabas ka nanaman?!" natatawang tanong nito ng makita ako.

Napangisi naman ako sa sinabi niya na mas lalong nagpatawa sa kanya kahit hindi ako nagpapatawa. Walang joke akong na binitawan diba?

Huminto naman ako sa paglalakad sa harap ng desk niya at pabagsak na umupo sa silya na naroroon na hindi na niya sinisinita gaya noong una. Nasanay na siguro sa pagiging homie ko dito kapag feel kung pumasok at matulog.

"Nakung bata ka, oo. Kailan ka ba magtitino?" Maya-maya'y tanong nito sa akin.

Napahinto naman ako sa paglalaro sa mga ballpen niya at wala sa sariling napabaling dito. Seryoso ko itong tinitigan.

"Matino po ako ah." I said as a matter of fact.

Napailing ito sa sagot ko na animo'y parang nadismaya sa nakuhang sagot kaya inulit ko. Baka kasi iba pagkarinig niya e. Ulitin natin para sure.

"Matino po talaga ako." pagpilit ko.

E, sa matino naman talaga ako ah. Hindi ako nagloloko. At mas lalong hindi ako nagsisinungaling. I'm a very honest person. 99.9%.

Di parin ba siya naniniwala?! Mukha bang di ako kapanipaniwala ?

"Matino–"

"O, siya oo na. Matino ka na ka kahit hindi halata." pagsusuko na lang nito na nagpangisi sa akin.

Hindi na lang din ako umangal sa huling sinabi niya. Ayokong magdebate e. Sayang laway ko. Iniimbak ko pa naman 'to for emergency purposes.

Nang maramdaman ko ang antok ay saka ko lang naalala ang rason ng pagpunta ko dito. Kaya wala sa sariling tumayo ako sa pagkakaupo at nagpaalam na kay Mrs. Gascon na matutulog muna ako dito sa clinic niya. Hindi na rin siya umangal dahil hindi naman ako magpapaangal.

Pagkahiga ko sa malambot na sick bed ay agad na nilukob ako ng antok na pinabayaan ko naman. Haay.

Heaven!

NANGUNOT ang noo ko ng makarinig ng ingay mula sa di kalayuan. O mas appropriate sabihin na, ungol. Moan in English.

'Ohh!'

'Ahhhh!'

Mas lalong nangunot ang noo ko ng lumakas ito at naging detalye ang halinghing nito kaya napatakip na ako ng dalawang tenga. Naman! Hindi na virgin ang ears ko. Ay, wait, matagal na palang na devirginized ito as well as my eyes at hanggang don lang.

Pero talagang malas ko talaga ngayong araw at imbes na humina ang ingay sa pagkatakip ko ng dalawang tenga ko ay parang mas lumakas pa ito lalo dahilan para manindig ang mga buhok ko sa katawan. E, mabulbol pa naman ako. Spe–Leste lang!

'Ahhhh-Jaac!'

'O-ohhh!'

'Ahmm..w-wait!'

Napabalikwas na ako ng bangon at wala sa sariling napamura ng malutong.

Pambihirang buhay nga naman, oo! Nagpunta lang ako dito para matulog hindi para makarinig ng live show na Rated SPG. Bwiset! May bata dito, oy!

Bakit kasi hindi na lang sila naghotel? Or motel man lang kung kulang sa budget. Clinic to for Pete sake. Mahiya naman sila sa mga natutulog.

Kaya nada sa sariling tinignan ko ng masama ang direction kung saan nagmumula ang mga halinghing na parang bang nakikita ko ang gumagawa ng milagro kahit may takip na kurtina na kulay dark green.

Sa pagtitig ko roon, sa right side, ay nakaisip ako ng paraan para sirain ang intense-yucky moment ng kung sinong mga ponso pilato na ito.

I smirk evilly.

Ha! Sorry not sorry mga dude. Pero siraan ng moment 'to!

You destroyed my beautiful sleep then I'll destroy your intense-yucky moment. 'Yung tipong sasakit ang mga puson niyo dahil hindi umabot ng sukdulan. At habang gumagapang kayo sa sakit, mapapaisip kayo at magsisisi kung bakit hindi na lang kayo nagmotel o pumunta sa mas tagong lugar instead of choosing this area. My territory.

"HAAAY!" exaggerated sa lakas kung sabi. Too adequate for them to hear. Una palang yan!

"Ang sarap talaga ng tulog ko." pagpaparinig ko sa kabila na nagpahinto sa mga halinghing. Ha! Ayan na!

"Anong oras na kaya?!" pag aarte ko pa.

Tinignan ko naman ang relo ko sa bisig.

"Oh, lagpas na pala lunchtime kaya pala gutom na gutom na ako. Halos magtatatlong oras na rin pala akong natutulog. Hanep ah!" nilakasan ko pa ang boses ko para mas marinig nila.

At halos tumawa ako ng makarinig ako ng mura sa kabila.

'Damn!'

'Shiit!'

Ha! Take that pervs! Mabitin kayo dahil bitin rin ako. Sa pagtulog. Damay-damay lang Yan.

"Nasaan na kaya si Mrs. Gascon?" patuloy ko pa habang pinipigilan ang tawang pilit na kumakawala sa lungs ko. Shit!

I can't laugh right now! O mabubuking ako nito. Akalain pa nila, naninilip ako.

Eww lang! Hindi ko 'yun forte 'no! At mas lalong hindi ako maniac. Over my beautiful shimering eyes.

"Oh, Ana gising ka na pala." Turan ko na ginagaya ang boses ni Mrs. Gascon. 'Yun nurse kanina.

At parang gusto kung palakpakan ang sarili ng marinig ang boses ko. Kuhang-kuha ko ang boses ni Mrs. Gascon. Ang talented ko talaga! Bravo! Pwede na akong sumali sa Drama Club.

"Ah, opo." sagot ko naman sa totoong boses ko.

Maya-maya lang ay umingay sa kabila. 'Yung ingay na nagmamadali. Natataranta. At hindi alam ang gagawin. Serves you right, horny dogs!

Dahil don, napangisi ako. Ngising tagumpay.

MWAHAHA. Nalalapit na aking pagwagi!

At para dagdagan ang tension, ay nagsalita ako ng mga katagang mas lalong magpapakaba sa kanila.

"Ano 'yun? May tao ba sa kabila?" tanong ko sa boses nanaman ni Mrs. Gascon.

"Sino yan?" dagdag ko pa sa sariling boses habang pinipigilan ang sariling bumanglawit ng tawa.

Oo na, para akong baliw sa pinanggagawa ko but hey. It's funny and I quite enjoy it. Lalo na kapag ini- imagine ko ang sitwasyon nilang dalawa sa kabila. Yung mukhang nilalagnat na natatae dahil sa kaba na mabuking sila.

For the finishing part, dahan-dahan akong bumaba sa kama at naglakad papunta sa direction nila. Bawat hakbang ko ay sinisiguro kung naririnig nila para mas intense ang dating. Parang sa mga teleserye lang.

Nang ilang dangkal na lang ang lapit ko ay huminto ako. Ayokong mahalata nila sa anyo ko na hindi naman talaga ako si Mrs. Gascon kaya nilagyan ko ng distansya. At saka isa pa, black snickers ang sapin ko sa paa. Clearly, it's not a nurse shoes.

Pagkatapus ay hinawakan ko ang kurtina sa paraan na parang hahawiin ko ito at bago ko pa ito mahawi ng tuluyan ay nakarinig na ako ng mga paang kumaripas ng takbo palabas.

And after I heard the door shut, I finally released the laughter I've been trying to hold.

"Hahahahaha! T-that was epic."

Napahawak na ako sa tiyan ko kakatawa dahil nagsisimula na itong sumakit. But still, I can't stop from laughing. It's too hilarious.

"Hahaha. I-I can't b-believe I did that." natatawa pang sabi ko bago pinunasan ng isa ko pang kamay ang luha sa gilid ng mga mata ko. Yes, I just tears. Because of so much joy. Babaw diba?

But before I could finally wipe the evidence of my tears ay dumagundong ang boses na kanina lang ay humahalinghing sa kabila.

Wtf!

"Yeah, I can't also believe you did that..,"

O_O

"ANA!"

Ano daw?!

TBC

Lily of the ValleyWhere stories live. Discover now