One Shot Love Stories (University Belt)

573 7 0
                                    

Looking Back to the Stranger ................................. Coming Soon !

Looking Back to the Stranger’s  - Teaser:

“Ano ready na ba?” excited na tanong ko.

Habang nakatingin siya sa screen ng cam at inaayos ang pagkakapatong sa stand “Wait, di pa ayos steady lang kayo” sagot niya sakin at humarap sa amin.

“Ang tagal naman” at humarap ako sa lalakeng aking mapapangasawa. “Pero kinakabahan ako”.

Hinawakan niya ang pisngi ko at sinabing “Wag kang kabahan, mag-rerecord lang tayo” sabay pisil sa aking ilong.

Pinalo ko ang kamay niya “Arraaaayyy… masakit” habang hinihimas ang ilong ko “Baka masira ang makeup ko 1 and half hour pa naman tong inayos”.

“Sorry” sabay peace sign “I LOVE YOU MRS.RUIZ” talagang madiin ahh, infairness kinikilig ako.

I LOVE YOU MORE MR.RUIZ”  sabi ko sa kanya.

Magsasalita pa sana siya ng sabihin ni Jabi “Ok… ready na in 5, 4, 3, 2, 1 face the Cam both of you guyz” ngiti naman kaming dalawa habang nakatingin si Jabi at nag-thumbs up siya samin. “Great shots, well this one is for the recording ready” nagkatinginan kami ni Drei at natatawa pero di ko ma-express kung gano ako kasaya, but all I know is he was the reason for every smile I Smile. Tumingin na ulit kami sa cam habang ang kamay niya ay naka akbay sakin.

Nagsalita na si Jabi “Ok, Mr. and Mrs.Ruiz.. ikwento niyo naman samin ang love story niyo” sa boses na kinikilig. Haha mas kinikilig pa sa ikakasal?

Si Drei na ang unang nagsalita “Uhhmm..” tumingin siya sakin.

“Wag kang kabahan” sabi ko pero ako din kinakabahan. Kaya nagkatawanan na kami “Anu ba wag ka nga makulit nirerecord yan” at binaling ko ang mukha niya sa Cam.

“Nagsimula ang lahat during college days, sa Jeep” sabay tingin sakin. Nag-init ang mukha ko, pero ang alam ko araw-araw niya kong pinaiibig at araw-araw ko siyang minamahal. “Mahirap ikwento pero naging makulay ang buong limang taon para saming dalawa”

Di napigilan ni Jabi ang magcomment “Kayo na talaga, kayo na ako na ang kinikilig.. Kayo na bagay kakainis lang ahh” habang nakatingin parin sa screen ng cam. “And anu naman ang masasabi niyo para sa isa’t isa?” tanong niya saming dalawa.

This time ako na ang naunang magsalita “Dati sabi ko sa sarili ko di kita kayang mahalin, pero ewan ba?” tumingin ako kay Drei, hawak ang kamay ko at pinipisil-pisil niya “Pero sa bawat araw na hindi kita kasama, di kumpleto ang pagkatao ko… tandaan mo tumanda ka man, pumangit ka pa, at maging ulyanin mamahalin kita habang-buhay” sabay ngiti sa kanya.

“And Mr.Ruiz what can you say about it? And your message for your future wife?” tanong ulit ni Jabi.

“Uhhmmm… Mrs.Ruiz this is it… Di mo na ko kailangan awayin para lang patunayang mahal kita” napalo ko yung braso niya dahil binuko pa ang pakikipag-away ko sa kanya tama ba naman yun? “Akala ko dati nung panahong di ko pa alam na mahal mo ko, wala akong pag-asa sayo” nakatitig ako sa kanya at pinakikinggan mabuti ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya “Dumating din yung pagkakataong sinabi ko sa sarili ko na di yata talaga pwede” hinawakan niya ang mukha ko at nangingilid na ang luha ko sa mata. Pinunasan niya “Ohh.. iiyak ka nanaman? Wag kang iiyak baka sabihin nila pinaiiyak kita”.

Natawa ako kaya napaurong ang luha ko’t di tumuloy “Kaw kasi… pinapaiyak mo naman talaga ako”. Sagot ko.

Sumiryoso ang mukha niya at sinabing “Don’t worry Mrs.Ruiz, simula ngayon hinding hindi kana luluha” ngumiti siya sakin at natawa ako “Wag kang tumawa, eto naman.. Seryoso ako dahil ayaw kong nakikitang umiiyak ang babaeng pinakamamahal ko”.

Niyakap ko siya at binulungan “I LOVE YOU VERY MUCH… I LOVE YOU… THANK YOU” niyakap niya din ako.

Eto na siguro ang pinaka masayang moment ng buhay ko, ang makasama ang lalakeng pinakamamahal ko.

ABANGAN !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

One Shot Love Stories (University Belt)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon