Looking back to the Stranger
He was my first boyfriend. I would tell him everything. He always made me smile. I always felt like I had real live butterflies instead me. He was the one that could make me laugh over anything. He was my first real guy. But when I told him how I felt, he was my first real heartbreak.
Bawat masasayang sandali akala kong tutoo, yun pala produkto ng panloloko. Expectation is like falling down... in the end you're left hurt, scarred, and with a memory of it forever. That first love is the sweetest, but that first cut is the deepest.
Habang papalapit sa aking napag-usapang lugar, natatanaw ko na si Gab na halatang di mapakali.. ewan ko kung bakit? Siguro ayaw niya akong makita.. Masakit man isipin yun para sakin pero wala akong magagawa. Alam ko sa sarili kong wala na kami, at ang pinanghahawakan ko na lang ay ang mahal ko siya..
Magkaharap na kami, tinitigan ko siya ngunit halata ang pang-uuyam sa kanyang mukha. "10:30 na ahh bakit mo pa ko pinapunta dito?"
"Namimiss lang kita, di kana nagttxt kahit tawag ko ayaw mo na sagutin" sa tonong malambot
he Chuckle " anu bang sinasabi mo Reena? Matagal na tayung wala, di ba malinaw sayo yung pinag-usapan natin?"
"Gab mahal mo paba ako?" sa tanong na nag-aalinlangan "o mas magandang tanunging MINAHAL mo ba ko?" hoping for his answer that i wanted to hear.
"di ko intensyong saktan ka, ayaw kong umasa ka sa wala" hawak ang balikat ko habang unti-unting nanlalambot ang tuhod ko, tumutulo ang luha ko.. sa mga oras na yon ayaw ko ng marinig ang susunod na sasabihin niya. dahil alam kong masasaktan lang ako "Di kita mahal at hindi kita minahal, mahal ko siya at alam ko di ka liligaya sakin" napaluhod ako sa harap niya.. sa mga sinabi niya ayaw ko ng mabuhay "sorry di ko sinasadya"
Niyakap ko siya sa kanyang binti, pinipilit niyang tanggalin ang aking pagkakayakap. Isang bagay lang ang alam ko ayaw niya sakin pero mahal ko siya. "G-Gagawin ko lahat wala na kong pakialam kung hindi mo ko mahal" masakit isipin pero di ko siya kayang mawala "Ako na lang" tagos sa puso ko ang ginagawa ko "Please ako na lang"
Di siya nakapagsalita pero ramdam ko ang pagkabigla niya. Mabilis niyang naalis ang kamay ko't tumalikod "wag kanang umasa" iniwan niya ko kasabay ng pagbuhos ng ulan. Pawang dinadamayan ako ng panahon sa aking pighati.
"Hindi ako papayag" lamang ang lumabas sa bibig ko
tumakbo ako't niyakap siya ng patalikod, my both arms in his chest. mabilis na nagpapump. Tinanggal niya agad ang kamay ko at tumakbo, Hindi ako papayag na mawala siya sakin. He was everything I wanted in a man. Spontaneous, Romantic, ambitious etc. With one fatal flaw… he wasn’t in love with me. Now, notice I said in-love, caused I know that he had love for me but being in love with someone and loving them is different. Sabihin na nating aggressive and obsess ako, eh sa mahal ko siya ewan ko ba bakit ang tanga ko :(
Tumakbo siya patawid sa highway na sa mga oras na yun wala ng masyadong nagdaraan na sasakyan. Pero patuloy parin ako sa paghabol sa kanya.
(BEEEEEEEEPPPP... BEEEEEEEPPPPP) Isang busina na nagmulas sa ice cream truck. At maya-maya ay isang malakas na (BOOOOOOGGGG) ang narinig ko..
Nanlaki ang mata ko. Si Gab nasagasaan. Nilapitan ko siya tumigil ang pagluha ng mata ko, hindi ko alam kung dahil sa gulat o ewan pero halo-halo ang nararamdaman ko.. kaba, takot, at kung anu anu pa..
"GGab" hinawakan ko ng kamay niya. At ng mabaling ang tingin ko sa kanyang ulo ay may dugo.. I shouted for help na agad naman kaming tinulungan ng manong na nakasagasa sa kanya.. Pagdating namin sa Hospital ay agad na sinakay si Gab sa Hospital bed, wala kong magawa kung di ang umiyak habang sinusundan kung saan siya dadalhin..
![](https://img.wattpad.com/cover/4066727-288-k992614.jpg)