Chapter 2

2 0 0
                                    

RUSSEL PO'V (ETHAN)

3 Points shoot.

"Nice game bro." Sabi ni kuya Khael sakin.

"Wala paring kupas si kuya Russel." Sabi ni Caleb, ang bunso namin.

"Kayo nga ang magagaling diyan." Sabi ko sabay tawa.

Ngayon ay nasa Covered Court kami at nag babasket ball. Pumunta kami sa mga batong upuan para kunin ang kanya kanya naming tuwalya at pinunas sa mukha. Hinubad ko naman ang damit ko at pinunasan ko ang katawan ko.

"Naks naman oh, pati paba sa katawan Kuya hindi mo pa ako pag bibigyan." Sabi ni Caleb nang makita niya ang 6 packs abs ko.

Actually, maganda naman den ang katawan ni Caleb. May abs den siya kaso medyo may laman ang katawan ko kesa sa katawan niya.

"OH kuya Khael, Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Luma. Animm! Grabi ka." Manghang sabi ni Caleb sakin.

"Nababakla na naman sayo si Caleb." Sabi ni kuya Khael sakin.

"Hoy hindi ah, sinong bakla!?" Maangas na sabi ni Caleb.

Tumawa kami at saka nagsuot ako nang bagong damit at ganon din silang dalawa. Pagkasuot namin nang mga damit ay kinuha ka na namin ang bag namin at lumabas na sa loob nang Court at sumakay sa loob ng kotse at pinaandar na ni Kuya.

"Siya nga pala kuya, malapit na ang Intrams ahh." Sabi ni Caleb.

"Malayo pa." Sagot ni Kuya Khael.

"Anong malayo pa, tatlong buwan nalang Intrams na." Sabi ni Caleb Kay Kuya.

"Jusko Caleb. Ang layo pa nun." Sabi ko kay Caleb.

"Ahh basta, sasali ba kayo?" Tanong ni Caleb samin.

"Ayoko muna." Sabi ni Kuya.

"Ayoko muna den." Sabi ko.

"Bat ayaw niyo?" Tanong ni Caleb.

"Ang bigat niyo ni Kuya ehh." Pabirong sabi ko Kay Caleb.

"Sorry hah, eto lang kasi kami ni Kuya eh." Sabi ni Caleb na ikinatawa ni Kuya.

Wala nang nag sasalita at kanya kanya kaming gawain sa loob ng kotse. Si Caleb ay nag cecellphone at ako naman ay nag fafacebook, at si Kuya ang nag dridrive.

Habang nag fafacebook ako ay tumitingin ako sa mga pwede Kong inaadd. Pero habang nag hahanap ako ay nasagi nang mata ko ang pangalan Rica Vanesssa R. Solomon. 'Her name is familiar for me' Dahil hindi parin ako makunteto sa nakita ko. Tinignan ko pati ang picture niya pero hindi ko parin makilala siya ng husto kaya naman pinakita ko kay kuya ang pic niya.

"Kuya, kilala mo ba to?" Tanong ko sa kanya.

Tinignan niya ang picture at sinusuri niya ang picture.

"Si Vane yan, yung kaaway niyo lagi ni Sav." Sabi ni kuya Khael sakin.

Bigla ko naman inisip at natandaan kona. Siya ang babaeng laging kaaway ni Sav dahil lagi akong binubully noon ni Vane.

"Who's Vanessa?" Tanong samin ni Caleb.

"Si Vanessa, hindi mo ata naabutan yun. Siya lang naman ang kaaway lagi ni Sav at Russell." Sabi Kuya Khael kay Caleb.

"Baka naman may gusto sayo yung Vanessa." Sabi ni Caleb sakin.

"Baliw."

"Wala naman siyang pake Doon, at saka isa pa iba ang gusto ni Russell." Sabi ni kuya habang nag mamaneho.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 27, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

We meet again after 10 years, Best friend. Where stories live. Discover now