Chapter 2: My EX.

43 2 0
                                    

Nag pahatid ako kay kuya Renz papasok sa school, may dadaanan din daw sya.
Nakarating kami ng school almost 7am, ang pasok ko pa ay 8. Ang aga no? hehe.

45 minutes ang byahe papuntang school every monday kasi traffic.

"Reese uwi ka ng maaga ha" sabi ni kuya pag kahinto ng kotse nya sa tapat ng gate ng school.

Binuksan ko na yung pintuan ng kotse.

" Sige kuya thank you, ingat ka ha" Sabi ko pagkababa ko ng kotse nya

"Bye bunso" nginitian nya ko. Ang gwapo talaga ng kuya ko.hihi. Hinintay ko muna syang umalis bago ako pumasok ng gate.

Masyado naman atang maaga ang pag pasok ko, pero meron nadin namang ilang istudyante na pumapasok ng maaga.

Hindi muna ako tumuloy sa classroom, dumiretso ako sa garden ng school. Magandang tumambay doon lalo na 'pag wala pa masyadong tao kasi makikita mo lahat ng buklaklak sa paligid. May mini fountain pa sa gitna.

Umupo ako sa may bench katapat nung fountain, hindi pa nila binubuksan siguro kasi maaga pa. Actually lagi namang nakapatay ang fountain nag titipid siguro sila….. nag hihirap na ba ang school ko?!

……. Ang ganda talaga ng mga flowers dito sa garden, iba't ibang kulay. May mga hanging plants din at ang presko pa ng hangin. May naisip ako……

Nilapag ko yung bag ko sa gilid ko tapos nag halunkat ako sa loob nito… wait bakit wala dito…..

“Yung sketch pad ko” bulong ko… wala sa bag ko..

Napaisip ako… Siguro hindi ko nalagay kanina sa bag.. Sayang naman gusto ko panamang mag drawing. Anyway, next time nalang agahan ko nalang ulit.

“Hey, good morning ang aga mo ha Bati ng isang lalaking papalapit sakin mula sa gilid ko.

“Good morning din” bati ko. Umupo sya sa tabi ko, pero may 5 inches apart.. may ganun talaga..

Sya nga pala si Wayne my schoolmate, my friend and my “Ex”. OO ex-boyfriend ko yang lalaki na yan at friends kami.

“Bat ang aga mo Reese, may practice ba kayo?” Tumingin sya sakin. Porket maaga may practice na agad? Hindi ba pwedeng sinisipag lang pumasok ng maaga? Haha.. bad. Wala kaming practice ng volley ball.

Hindi ko naman sinabi eh! Haha!

“Wala ah… gusto ko lang maaga, sumabay kasi ako kay kuya Renz” Tumango tango lang sya pagka sabi ko non.

“ Eh ikaw bakit ang aga mo din ata, mag susulat ba kayo?” yung mag susulat alam na nya meaning nun. Journalist kasi sya. Basta alam na nya  yun, wala kasi akong hilig dun.

“Hindi, mas gusto ko lang talagang maagang pumasok… alam mo naman yun dati pa diba?” Oo nga pala nuong “Kami” pa sinusundo nya ako sa bahay ng napaka aga as in maaga.. Kaya nang dahil din sa kanya kaya natutu akong magising ng maaga.

Naisip ko tuloy…. Sinusundo din kaya nya yung bago nyang girlfriend?....

“Hindi mo sinundo yung girlfriend mo?” umandar nanaman ang pagka curiosity girl ko.

“Hindi eh”  sabi nya ng hindi tumutingin sakin.. Yun na yung sagot nya, ang tipid lang no? Sabagay, ano pa bang ibang inaasahan kong isasagot nya.

Hindi naman na ako masyadong naiilang na kahit may past kami ni Wayne.. Kasi naging maayos ang naging break-up namin. Mas pinilli naming maging friends.

Pero bakit ganun….

Kapag tuwing tinititigan ko sya may iba...

May iba akong nararamdaman, hindi ko ma explain….

I Choose You (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon