"Hay ang init!" Reklamo ko habang kumakain ng favorite ice cream ko.
Crop top at shorts yung sinuot ko dahil summer ngayon sa Pilipinas.
Sana hindi nalang muna ako umalis dun sa Paris. At least dun, maraming places ang mapupuntahan ko at tsaka busy ako sa works ko di tulad dito, nakatunganga lang ako.
Isa pala akong fashion designer at kakauwi ko lang last week dito sa Pinas.
Pumunta ako sa cottage na malapit sa pool ng bahay at umupo sa isang wooden chair.
"Ang sarap ng hangin." Sabi ko sa sarili ko.
Kinuha ko yung earphones ko at pinansak sa tenga ko.
Pinlay ko na yung playlist ko at nagstart na yung kanta ng Exo na entitled 'Call Me Baby'. Ganda talaga ng kantang ito.
6 years na rin ang lumipas. Ang tagal na pero parang kahapon lang yun nangyari.
Sinampal sampal ko yung mukha ko dahil sa kagagahan ko nung mga panahong iyon.
Gaga talaga! Bakit ko ba yun sinabi? Bakit ko ba sinabing mahal ko siya?! Gosh!
Di ko nalang iisipin yun dahil past is past na naman e at nakamove on na ako. Matagal na.
Bumalik ako sa loob ng bahay at as usual, nasa trabaho ang mga tao rito kaya ako at ang mga maids lang ang andito.
Kumuha ako ng isang apple at kinain ito.
Mageexercise pa pala ako mamaya. Kahit nakakatamad, kailangan ko pa ring magexercise. Wala e! Kailangan kong imaintain ang diet and exercise ko para maging fit yung body ko.
Hinawakan ko yung tiyan ko at Omo! Parang may bilbil ako! No!!
Dali-Dali akong umakyat sa room ko at nagbihis.
Nakasports attire ako ngayon dahil pupuntan ako sa gym. Nagdala rin ako ng extra dress para sa gala ko mamaya after kong maggym.
"Manong sa malapit na gym dito," sabi ko kay Manong driver.
"Okay po maam" sagot naman niya at pinaandar na ang sasakyan.
After 5 minutes, dumating na kami sa gym.
"Tatawagan ko nalang po kayo mamaya pag tapos na ako." Sabi ko kay Manong driver at umoo naman siya.
Pumasok na ako at nagsimula na sa exercise ko.
After how many hours ay natapos na rin ako at wooh! Ang ganda ng feeling ko.
Pawis na pawis na rin ako kaya kinuha ko yung towel ko sa bag.
Nagbihis na ako at nagbayad sa cashier.
Tinawagan ko na rin si Manong driver.
"Sa mall po tayo Manong." Sabi ko sa kanya at pinaandar na niya ang sasakyan.
Daddy calling...
"Hello Dad?,""Nasa'n ka ngayon?" Tanong niya.
"Papunta po ako sa mall. Why?" Sagot ko naman.
"Umuwi ka sa bahay ngayon din. May sasabihin ako sa iyo." Deretso niyang sabi.
Wala akong magagawa. Utos na yan ni Daddy e.
"Manong sa bahah nalang po tayo." Sabi ko kay Manong.
----------Sa bahay-------
"Ano pala ang sasabihin mo Dad at kailangan pa nandito tayo lahat?" Tanong ko.Oo! Kaming lahat ang andito sa living room. Nandito si Mommy, sina kuya at si Dad.
"Nakaarranged na ang marriage mo." Seryosong sabi ni Daddy.
"Ahh arranged marriage lang pala. What?! Arranged marriage?! No!" Sigaw ko.
"Seraphina, wala kaming magagawa. Ikaw lang ang nagiisang anak na babae namin at lalaki naman ang anak ng mga Ocampo." Pagpapaliwanag ni Daddy.
Tama ba yung narinig ko?? Ocampo?
Napalunok ako bigla sa narinig ko.
"D-dad, sino pala ang magiging fianće ko?" Tanong ko. Wah! Kinakabahan ako.
"Anak ng mga Ocampo. Si Rhys Sebastian Ocampo." Singit ni kuya.
Rhys Sebastian Ocampo?!
No! No! No! This can't be happening!
Seraphina Wren Garcia, you may rest in peace.
Sa lahat ng tao na pwede maging fiancé, Si Rhys Sebastian Ocampo pa!
Bakit ang ex ko pa?!
BINABASA MO ANG
Ex ko ang Fiancé ko (Exo Sehun FF)
FanfictionAno kayang mangyayari kung ang kinamumuhian mong Ex ay magbalik sa buhay mo? Ang malala pa ay nagbalik siya bilang fiancé mo! Yan ang sitwasyon ni Seraphina ngayon. Makakayanan niya kaya ito?