Chapter 20:

174 4 0
                                    

Liam Pov:

"Iba nayan pare ahh ilang araw na ang lumipas hindi na kame ang sinasamahan mo at si Eya na." pang-aasar sa'kin ni Zandro

"Sinasamahan ko siya dahil representative sya ng room natin."

"Sus! pero kapag sumisilip kame ni Lucas sainyo nakanganga ka nga lang dun ahahahahah." Pang-aasar ulit nito

"Tama na Zandro mainis pa iyan hahaha." pagsasaway ni Lucas

----->>>>>
Lian Pov:

Inaayos ko ang buhok ni Eya, bagay na bagay sa kanya ito kulot lang ang baba.

Minakeupan naman siya ng makeup artist pero sakto lang yung babagay sa mukha nya

"Ayyy bakla nakakaloka ang beauty mo ang ganda." sabi ng nagmamakeup sa kanya

"Ganda nya noh? syempre kaibigan ko iyan." pagmamalaki ko rito

Nakasports wear muna sila, nakasuot sya ngayon ng baseball suit at nakawhite cap tinali muna namin ang buhok nya para maayos tignan, hindi gaanong makita ang mukha niya pero kitang kita ang kakinisan ng katawan nito mukhang alaga hindi madapuan ng Lamok.

"Ayos lang ba?" tanong sakin ni Eya

"Oum, tandaan mo yung tinuro sayong lakad ahhh Go! kaya mo iyan."

"Salamat." at ngumiti ito sakin

Nung tinawag na siya rampa duon, rampa dito ang galing! parang kanina lang wala syang supporter pero ngayon agaw atensyon na siya.

Inayos namin ang sunod nyang susuotin para sa talent portion, black tshirt, black pants at white shoes with black cap.

Nang natapos na ang rampahan pumasok na sa loob si Eya

"Ang galing mo Eya!" puri ko sa kanya ang galing naman talaga

"Ouy! baks magbihis kana at Be Ready! sa sasayawin mo." sabi ng nag-aayos sakanya

bagay sakanya ang suot niya kitang kita ang balat nito nagmukha syang lalong payat sa itim pala pero bumagay naman

---
Sya na ang tatawagin

Lumabas sya ng stage at Pakkk! lakas makadancer ng sayaw niya nakiki-ayon sa bawat galaw niya naman ang buhok nya Para syang Sumasayaw sa hangin ang Galing!

hinanda ko na ang sunod nyang susuotin ito na yung mga gown makikita na ang mukha niya ng malinaw

*CLAP*CLAP*CLAP*CLAP*CLAP

Grabe yung palakpak ng matapos ang sayaw niya maraming humanga sakanya

---
Eya pov:

Natapos na ang sayaw ko nagsuot na ako ng gown ang ganda nito mala ginto ang kulay at bagay sa akin, nagsuot ako ng 6 inch na takong, buti nalang sanay ako.

tinawag na ang name ko ng judge pagkalabas ko

gulat na gulat ang mga tao sa paligid ko at napalitan yun ng napakalakas na palakpakan nakita ko sila Liam na bakas ang paghanga

sanay din ako sa pagrampa.

Remember sa I.H kailangan mo ng Pagsusuot ng kung ano-ano kaya kahit tinrain ako madali lang ako naturuan dahil sanay ako

Lakad roon~ lakad rito~

"EYA!" "EYA!" "EYA!'

puro pagchcheer nila ang naririnig ko at si Lory ayun ang pait pait ng mukha

Matapos ang rampahang naganap
nagkwentuhan muna kami ni Eya at pagtapos ay niready na namin ang back track para sa next kong sasayawin

"Sh*t, Eya sira ang backtrack ng sounds mo."

"Si Liam pakitawag baka may copy sya." sabi ko rito halatang may sumira ng Backtrack ko, Tsk!

"Sige! Sige."

"Anong nangyare?" tanong ni Liam pagkarating niya sa stage halatang natulala pa ito  at si Lucas ng makita ako, pero nabawi rin dahil tinapik sila ni Zandro

"Baba na muna kami pre hinatid kalang talaga hahaha." sabi ni Zandro

"Goodluck Eya!." sabi ni Lucas  sa akin at umalis na sila

"Nasira yung Backtrack kuya baka may copy ka?" tanong ni Lian sakanya

kinapa ni Liam ang isa pang usb sa bulsa nya

"Nawala rin ." sabi ni Liam na nataranta bigla

"Omy! Bakks yung costume mo para sa sunod mong sasayawin nasira ." sigaw ng nag-aayos sakin

"Kinuha ko sa closet yung Outfit mo teh at nakita ko sira sira na at nasa basurahan pa halatang may inis Bakss." tuloy pa nito

Nag-isip lang ako saglit palapit na ng palapit at malapit na akong tawagin

"Anong available na damit sa Closet?" Tanong ko rito

"Mga dress nalang ang nanduon Bakla, ang chachaka pa ."

tumayo ako at nagpunta sa may Closet may dress na kulay pink ang pangit nga, pero no choice

sinuot ko iyon at may mga pinunit na parte para maganda tignan, linagyan ko ng mga accessories at maraming kung ano-anong tela rito na linagay ko sa damit ko para maging maayos tignan.

Sinuot ko ang sandals na bigay sa akin ni Kuya Seok may mga paro paro ito kaya ang ganda iterno sa aking damit,  clinip ko ang side nung buhok ko at 'yan maganda na tignan.

"Ang ganda mo baks." Sabi ng nagaayos sakin

"Pero sasayaw ka Eya? hindi ba parang ang baduy nyang kasuotan mo sa sayaw mo?" sabi ni Liam sa'kin

"Sino bang may sabing sasayaw ako?" sabi ko rito

"Anong gagawin mo?" nagtataka sakin si Liam

"Basta." kumindat ako sa kanya kita ko namang  namula ang tenga niya at mga mukha

Psh!

"Lian yung gitara?" bulong ko rito

"Sige ako na ang bahala." sabi ni Lian at umalis na agad

tinawag na ang pangalan ko at pumunta ako ng stage

Nakita ko naman na bitbit na ni Lian ang gitara kaya niready na ang stand ng mic at gitara

"Ehem." pag tatry ko sa mic

agad ko ng kinapa ang gitara at nagumpisang tumugtong

{Insert I.U singing}


____

That Nerd is a Secret Agent???(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon