PROLOGUE

8 0 0
                                    


"So saan naman tayo mag-lulunch ngayon?" tanong saakin ni Zoey, friend ko sa trabaho

"kahit saan nalang siguro." tipid na sagot ko sakanya.


lunch palang ay parang uuwi na ang isip ko sa sobrang pagod. Ni hindi ko manlang napansin si Ian na dumaan sa harapan ko, naka-ilang take kami ngayon rito sa shoot dahil siguro sa pagod rin ng mga actors at actress ay nalilimutan na nila ang kanilang mga script.


"Chloe, ayos ka lang ba?" naalimpungatan lang ako sa tawag sakin ni Ian, malamang ay kanina pa nya ako kinakausap.

"Huh?, oo okay lang ako" nag-aayos na rin ako ng gamit ko para makapag-lunch na kami dahil gutom na talaga ako. "May sinasabi ka ba Ian kanina?." tanong ko sakanya, paninigurado ko.

"Oo, tinatanong kita kung tatanggapin mo ba yung project na ino-offer sayo ni Sir Renz?." paguulit nya. Si sir Renz ang Film Producer namin.


Sa totoo lang, ay hindi ko alam dahil sa sobrang nakakapagod ang maging director at marami-rami pa kaming kailangang i-shoot ng team para mai-ere na itong project next month

Hindi ko nalang sya pinansin at sumunod nalang ako kay Zoey para humanap nang makakainan namin dahil kailangan rin naming bumalik agad sa set para mag-shoot pa ng ilang scene para matapos agad itong project namin.


Pagkabalik namin sa set, agad akong nag-focus sa scene na ina-act na ng mga actors at actress. 

"AND CUT!" sigaw ko, para ma-play yung kabuuan ng nashu-shoot na namin for today.

"Chloe? Have you decided on my offer to you?." tanong agad saakin ng producer namin pagka-kita nya saakin.


"Nako sir Renz, di pa po e" maikling sagot ko, kahit na ayoko talaga tanggapin sana iyon.


"But it's a big break for you, besides isang kwento lang naman iyon." pamimilit pa ni sir Renz saakin, hindi ko alam kung papayag na ba ako o gusto ko nalang talagang mag-break na sa trabaho ng literal dahil sa sobrang pagod.


"Sige na ho sir, payag na. Basta isang kwento lang iyon ah?!". paninigurado ko sakanya.

Dahil nakakapagod rin maging film director sa industriyang ito pero dahil ito ang trabahong gusto ko ay wala akong choice kung hindi ang panindigan ang sinimulan ko.


Pagkatapos ng maraming takes, natapos rin namin ang pinaka-huling scene na gagawin namin ngayon. 


"PACKUP!" sigawan ng marami.


"Uuwi kana ba Chloe? Sabay na tayo." Tawag sakin ni Zoey


"May dadaanan pa ako Zoey e mauna kana sa apartment." Pagpapaliwanag ko sakanya


Yep, magkasama kami sa apartment ni Zoey simula pa lamang nung magkakilala kami sa internship namin sa isang network nagdecide kami na mag-sama nalang sa isang apartment para hindi naman kami nag-iisa.


Tulad nga ng sinabi ko kay Zoey may dinaanan pa ako. Dumaan muna ako dito sa Quiapo para magsimba.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 30, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Silent Cheer for my MVPWhere stories live. Discover now