N.O POV


Next Morning.....

*Tok*

*Tok*

*Tok*

"Young master, may sulat po kayo galing sa iyong ama."

Boses ni Helen ang narinig ni Elijah. Kahit masamang tao si Helen, isa pa rin siyang servant ng pamilyang Stanscot. Wala siyang siyang karapatan buksan ang sulat galing sa Lord Count lalong lalo na't isa lang siyang mababang nilalang sa mata ng isang noble.

Binuksan ng batang Elijah ang magrandeng pintuan sa kanyang personal na kwarto at kahit magaling na siya ay kailangan niyang umakto na nahihirapan dahil sa sugat. Halatang matataas na kalidad ang ginamit sa kanyang bahay na binigay galing pa sa kanyang ama. Kahit isa siyang masamang anak at malamig ang pakikitungo ng kanyang ama sa kanya ngunit naintindihan niya ang kanyang ama bakit ganon ito dahil gusto nito pantay ang trato nito sa kanyang mga anak.

Walang favoritism na nangyari sa pamilya kaya nababahala ang mistress at gumawa ng paraan upang ang kanyang anak ang maging susunod na Lord Count. Tatlong silang magkakapatid, siya na isang panganay at pangalawa ang kanyang biological sister na nasa pamilya ng kanyang ina. Hiwalay sila dahil yun ang gusto ng kanyang lolo. Alam rin ito ng ina ni Elijah bago ito namatay sa panganganak sa babaeng kapatid nito. Ang susunod naman niyang kapatid ay ang anak ng mistress. Lalaki ito. Madami din naniwala na ang 3rd young master ang masusunod sa yapak ng ama nila dahil ang eldest young master ay isang bastardo sa paningin ng karamihan.

Kahit na malaki ang tsansa na maging isang successor ang 3rd young master ay sinisiguro parin ng mistress na makukuha ng anak niya bilang leader ng pamilyang Stanscot.

Sa isip ni Elijah ay wala siyang hangarin na maging successor. So what's the point of killing him. If the past Yves is still here, maybe there is  a reason but I am the new Yves here. Yan ang sabi sa isip ni Yves. Isa pa, wala pa siyang plano ilabas ang kanyang kakayahan. Gusto niyang makakuha ng impormasyon tungkol sa mana power sa mundong to at kung anong uri nilalang nabubuhay sa mundong ito.

"Makakaalis ka na" sabi ng batang Elijah kay Helen. Gusto ni helen mag alok ng tulong kay Elijah ngunit yumuko nalang siya upang bigay galang, halata naman nito na ayaw niya kailangan ng tulong ang bata kaya sumunod nalang ito sa nais ng bata.

'Tsk, what a boot licking woman, sooner I will personally clean this house'

Pumasok papabalik sa kanyang kwarto at sinirado ito tsaka nilock. Tiningnan niya ang sulat at nagdesisyon siyang basahin iyon. It was hand written of his father.

Pagkatapos niya basahin ang sulat ay ngumisi na parang may magandang mangyayari sa araw na ito. Tumalikod na ito at pumasok sa kanyang banyo upang maligo. Hinubad na niya ang pantulog na damit at nag simulang linisin ang kanyang sarili.


N.O POV


"Butler Wes"

Nagsalita ang nakatalikod na lalaki halata sa tindig, aura at ang malamig na boses, seryosong mga bughaw nitong mga mata na di basta bastang ang pagkatao nito. Nakasuot itong magarang kasuotan ng panlalaki. Naka harap ito sa bintana habang sa likod nito ang kanyang personal butler na may katandaan na ngunit isa ring misteryosong katauhan at di ito ordinaryong tao. Makikita sa mukha at mata ng butler ang malaking respeto, galang at paghanga sa taong nasa harapan niya kahit pa nakatalikod ito sa kanya.

"Yes Lord"

Yumuko ang butler bilang pagbibigay galang at handang sumunod sa kahit anong gusto o ipag u-utos sa lalaking harapan niya. Humarap ang lalaking nakatalikod sa kanyang butler at may papel pinalutang sa harapan nito tsaka ito ibinigay sa kanyang personal na butler na nagngangalang Wes. Itinaas ang kamay ng butler at dahan dahan kinuha ang papel habang naka yuko parin ito bahagya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hail the Lord(V1):Trash Is A Hidden MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon