I have simple life. Pagkatapos sa eskwela agad akong uuwi ng bahay. Pagdating sa bahay magbabasa ng libro, tutulong sa gawaing bahay. You can say my life is boring but for me I'm contented with it.
Nakahiga ako ngayon sa sofa at nagbabasa ng libro habang suot ko ang aking salamin. I love reading a romance novel. They called it cheesy but for me it is my escape to the painful reality.
Napatigil ako sa pagbabasa ng biglang tumunog ang doorbell. Napakunot ang noo ko bago mabilis na tumungo sa gate upang pagbuksan kung sino man ang nasa likod ng pinto.
Pagbukas ko ng gate ay wala akong nakita kundi ang isang pirasong sobre na nasa lapag habang nakapatong ang isang maliit na bato.
I bend my left knee to get the small envelope. Napabuntong hininga ako bago ko isarado ang gate. Naglakad ako papasok sa loob ng bahay namin habang bitbit ang maliit na sobre. Dumeristo ako papunta sa aking kwarto bago pagbagsak na humiga sa malambot na kama.
"Ano kaya ang laman ng papel na ito?" Usal ko sa aking isipan bago dahan-dahang buksan ang laman nito.
Napakunot ang noo ko ng makitang isa itong loveletter. Samu't saring ideya ang pumasok sa aking isipan habang napapaisip kung sino kaya ang taong naglagay nito.
Di ko maiwasang mamula ang aking mukha dahil sa di ko maipaliwanag na dahilan. This is my first time to received this kind of letter. Dahan-dahan ko ito binuksan bago suriin ang kabuuan ng sulat. Di ko maiwasang hangaan kung gaano kaganda ang sulatkamay ng taong nagbigay nito.
Dear Miss Beautiful,
I know this is cheesy but I want you to know that I adore you. Di ko alam kung bakit ko naisipang sulatan ka siguro nahihiya akong aminin ang nararamdaman ko para sayo.
Fuck this is so corny!
I just wanted to say that you are different from other girl I've know. I always admired the every piece of you. Do you know you're look like a moon because I can't stop but to look at you from afar.
Thank you for reading my letter maybe it is corny but it is only way for me to express my love for you.
Sincerely yours,
Secret AdmirerDi ko alam ngunit di ko mapigilang mapangiti ng dahil sa kanyang mga salita. Di ko lubos maisip na mayroon pang ibang magkakagusto sa akin. Hindi ako yung tipong babaeng maayos sa katawan. Di ko mapigilan magpaulit ulit sa aking isipan ang mga salitang nakalathala sa sulat.
Napagulong ako sa aking kama dahil sa sayang nararamdaman. Malalim na ang gabi ng dapuan ako ng antok ngunit di pa rin nawawala ang ngiti sa aking labi.
__
"Ma, aalis na po ako. Mali-late na ako." Paalam ko sa kaniya.
"Di ka ba mag-aagahan muna?" Rinig kung saad ni Mama.
"Hindi na po, doon na lang ako mag-aalmusal sa cafe namin sa school." Nagmamadali kung sabi. Di ko na siya inantay na magsalita bago ako mabilis umalis.
Nang marating ko ang paaralan bigla akong nakaramdam ng gutom kaya napagpasyahan kung bumili ng pagkain. Tumungo agad ako papunta roon ngunit napatigil ako ng makita ko si Dale, longtime crush ko.
Mula sa aking pwesto ay kita ko kung gaano kaganda ang kanyang pigura. Napatigil ako sa pagsusuri sa kanya ng maglakad siya patungo sa akin habang hawak ang kape sa kanyang kaliwang braso.