Monday, maaga akong pumasok para makiisa sa mga manonood sa intrams. Sabi kasi ng PE teacher namin, recquired ang lahat ng estudyanteng pumunta. Well, kahit naman hindi kailangan, manunuod talaga ako. Syempre nandoon yata si Mark Lawrence Ruiz. Ang ultimate heartthrob ng campus. Isang lingon lang niya, makalaglag panty na, at inaamin kong isa ako sa mga babaeng humaling na humaling sa kanya. Sa sobrang lakas ba naman ng sex appeal ng lalaking to eh kahit na bulag paniguradong maiinlove agad sa kanya! at sinasabi kong abnormal lamang ang hindi makakapansin ng kagwapuhan nitong isang 'to.
Kasalukuyan kaming naglalakad ng bestfriend ko papasok ng basketball court ng campus namin. Ang bruha, talagang naghanap ng puwestong walang makakaharang sa kanya. Katulad ko, baliw din ang isang 'to kay Lawrence. Hindi nga lang ako masyadong halata kasi ayokong magmukhang Sisa sa crush ko.
"Hoy, April!! Ano? Tutunganga ka lang jan?! Baka ayaw mo kong makatabi ha? Sabihin mo lang at nang masolo ko dito si Papa Lawrence" Nakayuko akong lumapit sa kanya dahil sa kahihiyan, 'tong kumag na to talaga, pinagtitinginan na tuloy kami dito ng ibang estudyante.
Wala pang kalahating oras ay agad ding nagsimula ang game. Sa kalagitnaan ng laro, naging intense ang mga pangyayari; kalahati ang lamang ng koponang kalaban nila Lawrence, pero agad din naman silang nakahabol. Ipinasa kay Lawrence ang bola, agad siyang nakaiwas sa kalaban niya sa harapan, saka inihagis ang bola sa ring. Na shoot niya 'yon. Naka 3 point shot siya. Agad namang nagsigawan yung mga estudyanteng pambato din yung team nila, lalong lalo na yung mga babae sa tabi ko, kasama si Stephanie, yung bestfriend ko.
Hindi ako nakasigaw nang mapansin kong bumagsak si Lawrence. Mukhang na out of balance siya pagkahagis niya sa bola. Kinabahan ako, pero agad din namang napawi yun nang nakatayo siya. Maya't maya'y napagawi ang tingin niya sa may kinauupuan ko, sabay ngiti. Hindi ko alam pero feeling ko ako yung nginitian niya kaya .bigla akong napatitig sa kanya. Napansin ko ring umiling siya habang hindi pa rin nawawala yung mga ngiti niya sa labi . Ewan ko ba kung ako nga ba talaga yung nakita niya o guni-guni ko lang..
"O-M-G!!! Kyaaaaaaaahhh!! Nakita niyo ba yun! Nginitian ako ni Lawrence!! Aaaaaaaaahhh!!!" narinig kong sigaw nung isang babae sa likod ko. Baka nga nagha-hallucinate lang ako kanina...
Natapos na yung game.Well, gaya ng inaasahan, yung team nila Lawrence ang nanalo at siya uli ang MVP. Ganon naman talaga kahit pa noong mga nakaraang taon eh, walang pinagbago.
Lalapitan ko sana si Lawrence para i-congratulate at kausapin tungkol sa pagkapanalo nila, since isa rin naman ako sa mga sports writer dito sa campus namin, kaso, bago pa ako makalapit sa kanya, may bumangga sa akin at nang nakita ko kung sino yun, si Scarlet pala, ang cheerleader ng team nila. May dala siyang isang towel. Kukunin na sana yun sa kanya ni Lawrence upang maipampunas, pero inunahan na siya nito sa pagpunas ng pawis niya. Bigla akong nakaramdam ng mabigat sa dibdib ko. Feeling ko sasabog to ngayon.Umiwas nalang muna ako sa kanila at pumasok sa kuwarto namin.
Ako lang ang tao doon kase wala namang pasok. Kaya mas minabuti kong matulog nalang muna kahit saglit lang.
Mag-a-alas kwatro na rin nang magising ako. Dumiretso ako sa locker room ng Blazing Thunder; ang basketball team ng school. Nakasisiguro akong katatapos lang ng mga yun mag-celebrate ng pagkapanalo nila. Hahanap lang ako ng tiyempo para makapagtanong about sa game.
Hindi na ako kumatok sa pinto nila. Nakabukas na kasi ito nang madatnan ko. Isinilip ko lang yung ulo ko para malaman ko kung sinu-sino yung mga tao na naroroon, nang mapansin nila ako, agad naman nila akong pinapasok.