Kadena (True Story)

15 2 0
                                    

Kaibigan ko ang mismong naka encounter ng kababalaghan na ito. Ilang taon na rin ang
Lumipas magmula ng ma expience niya ito, pero Hindi na bago sakanya ang ganoong pangyayari, pero para sa akin ay isa itong kakaiba at nakakatakot na karanasan kaya't naisip Kong ibahagi sa inyo. So here's the story..
--
Tara uwi na tayo? Inaantok nako eh. - Yaya ni Adrian Kay Marvin , habang nagiinat ng kamay at naghihikab.

Tsssk! Badtrip nga pre eh. Nanjan si papa, malamang siniraduhan na naman ako nun nang pinto. Bwiset! - sagot ni Marvin na halata sa mukha ang pagkayamot.

ediii... sa bahay ka nalang matulog. Wala naman akong kasama dun eh. Tara! Pagkasabi ay agad na hinila ang kaibigan papunta sa eskinitang dadaanan.

Habang naglalakad ang magkaibigan ay nadaanan nila ang isang puno ng duhat. Matanda at napakalaki na nito. May sabi sabi rin na may nagpaparamdam doon na 'white lady' ngunit ipinag sa walang bahala nalang iyon nang magkaibigan, dahil narin siguro sa labis na antok.

Tssk! Nandito na ata si kuya eh? Lalong gumulo yung bahay. - sabi ni adrian habang nagkakamot nang ulo. Dun ka nalang matulog sa kwarto dati ni mara ha. Pagtyagaan mo nalang . Medyo maingay kasi jan pag gabi, siguro sa kapit bahay nanggagaling. - pagpapaliwanag niya habang nqgbibigay ng kumot at unan.

sige pre, tulog nako- at tuluyan nang lumabas ng kwarto.

--
Napabalikwas nang bangon si marvin, dahil sa maingay na tunog. Sa tingin niya ay nagmumula ito sa kabilang kwarto. 'Nanjan pala ang kuya niya' bulong niya sa sarili nang maalala ang sinabe nang kaibigan bago Sila pumasok.

Pinilit padin umidlip ni Marvin dahil alas tres narin naman nang madaling araw. ngunit Hindi nahihinto ang maingay na tunog. Tunog ng... Kadena?
Kaya't di siya nakatiis at lumabas sa kwartong tinutulugan. Bago siya makarating sa pinto ng kabilang kwarto ay mas lumakas ang ingay, at di nga siya nagkamali dahil doon nga nanggagaling ang tunog ng kadena. Binuksan niya ang pinto.. Dahan dahan.. Sumilip siya nang bahagya.. Ngunit sa pagkakasilip niya ay tila napako ang tingin niya mula sa loob.. Natakot siya.. Dahil hindi tao ang nasa loob kundi isang babaeng naka kadena ang paa. Habang naglalakad kahit pa ika-ika. Ngunit mas nahintakutan siya nang humarap ito sakanya. Dahil...... Wala itong mukha.

~Wakas

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

'Spirits Behind (horror Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon