Lucinda's Pov
Buntis si Lucinda at nais niyang isurprisa ang kanyang asawa. Nang marinig niya ang pag bukas ng pinto pinihit niya ito ng may mga ngiti sa kanyang mga labi ngunit sa pag bukas ng pinto niluwa nito ang kanyang asawa at ang kasama niyang babae tila siya ang nasurprisa. Pumasok si Laurentius na may kasamang ibang babae maganda at mukhang isang modelo ito rin ang babaeng nahuli niyang kasama ni Laurentius noong isang araw. Tila hindi nito naramdaman ang presensya ni Lucinda tuloy tuloy lang naglalakad papasok si Laurentius at ang babae niya.
Lucinda doesn't know what to feel hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan at bigla nalang bumuhos ang mga luha sa kanyang mga mata. Nang matauhan siya ay tumakbo siya papasok ng guest room at doon binuhos lahat ng sakit na kanyang nararamdaman. Habang nasasaktan siya ang kanyang asawa naman na si Laurentius ay nagpapasarap sa ibang babae. Tiniis ni Lucinda ang isang gabi na kasama ang kanyang asawa at ang kabit niya sa loob ng isang bahay . Habang nakahiga sa silid hinimas niya ang kanyang tiyan and she started to talk with her little baby bump
"Anak pasensya kana at pinagpalit tayo ng daddy mo sa iba. Hayaan mo at ilalayo kita sa kanya kaya kitang palakihing mag isa. Ayaw kung maramdaman mo yung sakit, nagbago na nga ang daddy mo hindi na siya ang lalaking pinakasalan ko"
And when her eyes got tired she fell asleep. Tanghali na ng magising si Lucinda kaya dali dali siyang tumayo sa higaan at pumasok sa kwarto nilang mag asawa. Nasa harap palamang ng pinto ay nanginginig na si Lucinda her eyes already tearing up. Nagulat siya ng biglang bumukas ang pinto at sa babaeng na nasa harapan niya ngayon. Hindi niya ito pinansan at patuloy na naglakad papasok pinilit ni Lucinda maging matapang. Napahinto siya ngunit hindi lumingon sa babae
"Alam mong may asawa na si Laurentius bakit ipinagpatuloy mo pa rin ang namamagitan sa inyo? Do you still have self respect?" May halong galit at sakit ang pananalita ni Lucinda pinipigilan niya ang kanyang mga luha.
"Hindi kana mahal ng asawa mo! Kasalanan ko ba na sawa na siya sayo?! He even denied you as his wife." Nilingon niya ang babae ngunit naglakad na ito paalis.
Her knees are failing, bumuhos na din ang luha na kanina niya pa pinipigilan naupo siya sa sahig. Silent tears hold the loudest pain.
Pinunasan niya ang luha sa pisngi niya at tumayo, kinuha niya yung maleta niya at mga damit niya. Dali dali siyang nag ayos ayaw niya ng hintayin ang kanyang asawa para magpaliwanag sapat na ang mga narinig niya mula sa babae niya. Ng matapos niya ng ayusin ang mga gamit niya naligo na siya at nag bihis. Hila hila niya na palabas ang maleta niya na pahinto siya at tinitigan ang litrato nila mag asawa. Nagbabadya na naman ang mga luha ni Lucinda. Binitawan niya ang maleta niya at nilapitan ang litrato ng asawa niya.
"Maybe in another lifetime, God will let us be together." Binitawan niya na ang litrato at hinila ulit ang kanyang maleta at tuluyan nang nilisan ang bahay.
***
Nag mamadali na akong maglakad papasok ng room ko ng bigla akong napaupo sa sahig nag kalat ang mga libro ko.
"Urrghhhh!!! Com'on I'm late na" pinagpag ko ang uniform ko bago tumayo ng may naglahad ng kamay sa harapan ko napaangat ako ng tingin.
Isang matipunong lalaki ang nasa harap ko nakalahad ang kaliwang kamay niya habang nasa kanan niya ang mga libro ko. Hindi ko alam kung gaano ko katagal tinitigan ang mga mapungay niyang mata.
"Miss ok kalang ba?" ani nito sa akin napatayo ako ng diretso ng narealize ko na kanina ko pa pala siya tinititigan.
"Yes I'm fine, thank you for helping me" sagot ko sa kanya ngunit sa mga libro ko ako nakatingin at napansin niya ito dahil napatingin din ito saglit sa mga hawak niyang libro bago ibigay sa akin.
YOU ARE READING
U M B R E L L A
Teen FictionThere are some things you can't see but choose to believe in , reasons you have but can't explain, mistakes you can't bring yourself to regret and a 'Love' so hopeless but you still choose to fight for. You can stand under...