Episode Two

42 0 0
                                    

ELLE

Day two na ng School Year namin. Hindi ko pa rin feel na gagraduate na ako. Parang bitin.

"Elle! Bangon na!" sigaw ni Mommy galing sa baba.

Wow. Nagising ako bago pa ako gisingin ni Mommy? Himala!

Kinuha ko na yung bathrobe ko at pumasok na sa banyo. Oops, yung phone ko pa pala. Yeah, dinadala ko yung phone ko sa banyo at nagsasoundtrip habang naliligo. Mas nabubuhay kaya katawang lupa ko pag ganun.

" Let it go! Let it go! Turn away and slam the door!!"

Feel na feel ko ang concert moment nang hindi ko namalayan eh, 6:30 na. Gosh! Dali dali akong nagsabon, nagshampoo at nagbanlaw saka lumabas ng banyo ko. Muntik pa nga akong madulas sa kakamadali! Eh pano ba naman, 7:00 AM dapat andun na sa School. Hindi pa naman ako tapos magbreakfast. Kakain pa ako, tapos magtotoothbrush pa! Tapos sasakay pa ako ng jeep! Pano kung traffic pala!? Hayy, ayoko nang istressin sarili ko.

Bumaba na ako. Wala na si Daddy, nagtrabaho na. Si Mommy na lang ang naiwan kasama si Elliot yung kapatid kong Grade 3 na tapos nang kumain.

"Kumain ka na lang Elle, alis na kami ng kapatid mo. I lock mo yung pinto ha." bilin sakin ni Mommy.

"Yes mommy." sabi ko sabay halik sa cheeks.

Pagkaalis nila, kumain na ako ng mabilis, nagtoothbrush at lumabas na ng bahay.

Nagabang na ako ng Jeep papuntang school. Buti na lang at nakahanap ako kaagad, kundi malelate na ako.

Dumating ako sa school ng mga 6:50 AM. Ten minutes bago mag time. Tinakbo ko na yung room kong nasa second floor lang naman. At nandoon na si Maam San Juan pagdating ko.

Pumasok na ako, babatiin ko sana si maam pero tinanggihan niya na, sabi nya hindi pa naman daw ako late.

Pumunta na ako sa upuan ko. Nakipagusap kay Erin at Theo tungkol sa kung ano ano.

"Naalala ko dati si Theo, nanalo sa Greek Costume sa English nung second year."

"Hahah! Ganun talaga. Pogi eh." sagot ni Theo. Oo, gwapo naman si Theo, pero di ko siya crush.

"Kapal! Porket may abs ka lang eh." sagot ko sabay hampas sa braso nya.

Nag ring na yung bell. Simula na ng klase.

Nagdasal na kami. Tapos nagdiscuss na si Maam San Juan.

"Okay, today, bago tayo magelect ng officers, i-aarrange ko muna yung seatplan nyo. Okay, punta kayong lahat sa unahan, sa may platform."

Nagsitayuan ang lahat, at pumunta kami sa platform. Sino kaya makakatabi ko? Sana mabait. Sana hindi bully. Sana talaga mabait.

"Ms. Andrada" sabi ni maam tapos sabay turo dun sa upuan sa bintana sa may aircon.

"Mr. Alvarez"

"Ms. Austria" sunod sunod na! Kinakabahan ako pero hindi ko alam kung bakit.

Letter B, D na apelyido na yung tinatawag.

"Ms. Fernandez" Si Erin! Tinawag na siya. Napahinto si Maam ng saglit tapos, tinawag na ako.

"Ms. Gonzalo." Humakbang na ako at lumapit ng narealize ko na, magkasunod kaming tinawag.

"Ma'am, san po ako?" tanong ko sa kanya habang yakap ang bag ko.

"Ayy, dito ka." turo nya sa upuan katabi ng katabi ni Erin. "Leave the chair empty between two of you okay?" dagdag pa ni Maam San Juan.

Tumango na lang kami pareho. Medyo matagal tagal din yung pagarrange ng seats. Isa lang ang agwat namin ni Erin. Sayang! Dapat magkatabi na lang kami! Boy, Girl pa kasi ang arrangement eh! Sino ba nag isip nun!?

Secret CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon