Yumi: Alas siyete na. Oras na sa pagsubabay sa
mga kinasasabikang ko telenovela,
Voice over: KItang kita sa Kanya ang pananabik nang bigalang nanlintana sa
panonood dahil sa malaking trak na huminto sa harapan
ng kanilang tarangkahan.
Yumi: “Ooops! May naglilipat pala”
Voice over: Sabay harap ulit sa television, wari’y di naapektuhan
sa kanyang nakita. Maya maya pa ‘y unti unting tumulo
ang kanyang luha pero kanina lamang ay kinikilig pa sa eksena.
Alin Simang: bakit anak?
Yumi: Wala lang ‘to, nadala lang ako
Voice over: Sabay lingon sa ina, nagkatawanan lang sila, magkasabay
din nagpahid ng kani- kaniyang luha.
Aling Simang: Matulog ka na nga! Nakakahawa ka eh
Yumi: Opo inay!
Voice over: Dali Daling nagtungo si yumi sa terrace imbis na antukin ay tila
nabuhayan ng dugo ang dalaga ng Makita ang mga naglilipat sa
kabilang bahay. Napokus ang kanyang mga mata sa isang binata
na katu-katulong sa pagbubuhat.
Yumi: Cute! Yan pala ang bagong lipat
Expression: (Naku! Ang babae nga naman!)
Voice over: Natulog na si yumi, kita sa kanyang diwa ang itsura ng
bagong binata sa kabilang bahay
Expression: (talaga naman, gusto pa yatang mapanginipan,
sige magillusyon ka lang)
Voice over: Kinabukasan, di niya inaasahang makasabay sa paglalakad ang
binata. Bakas sa mukha ni yumi ang paghanga at pangingislap ng
kaniyang mata na ginatihan naman ng asiwa
at pasupladong tingin ng binata
Expression: (Sige . .Papansin ka Yumi)