End.

1 0 0
                                    


Nakahiga sa kama at mag isang inaalala ang nagdaang masasayang araw na pinag samahan nila ng kanyang kasintahan.

Bakas sa muka nito na labis itong nasasaktan at nahihirapan na. But still mas gusto nya maalala ang mga happy memories nila.

Ganito ang laging ginagawa ni Key pag nag aaway or nagkakatampuhan sila ng boyfriend nito.

Ang problema kasi sa boyfriend nito ay napaka friendly at puro babae ang mga kaibigan nito. Ayus lamang sa kanya may gbf ang kasintahan ngunit sumosobra na ginagawa nila lalo na yung gbf nya.

Kinuha ni Key ang cellphone sa kanyang tabi at nagbabakasakaling chinat/text siya ng bf nya. Ngunit wala. Ito din isa sa mga problema nila. Pag cold yung isa magiging cold din yung isa pa. In the end magpapataasan pa sila ng pride.

"Key, anak nandito ang pinsan mo". Ani ng kanyang ina na kumatok sa kanyang kwarto.

"Lalabas na po" sagot ni Key at bumangyon na.

Nakita nya nakaupo sa sala ang pinsan nyang si Klux.

Lumapit si Key sa pinsan nito. "Napadaan ka?" ani nya sa pinsan.

Napansin nitong seryoso ang muka ng pinsan nya. Na minsan lang mangyari. "May problema ka ba?" dagdag pa ni Key.

"Ayoko sana mangialam  dahil problema nyo yan ng boyfriend mo. But I can't take it anymore." ani Klux at may pinakita kay Key na larawan sa kanya Cellphone.

Ito ay Ig ni Astride at may picture sa story nito. Natutulog ang bf ni Key at nakasandal naman sa balikat nito ang babae.

Sa ibang dereksyon tumingin si Key dahil di nya kinaya ang nakita. Agad nyang pinunasan ang mata dahil umiiyak na sya.  Ilang ulit nya itong pinunasan ngunit ganun pa din, walang pigil ang pag tulo ng luha sa kanya mga mata.

Nasasaktan si Klux sa nakikita nya. Nasasaktan ang pinsan nya dahil lang sa walang kwentang lalaking yun. Gusto nya sapakin sa muka, bugbugin ang lalaking nanakit sa pinsan ngunit alam nyang di magugustuhan ni Key ang gagawin nito.

Tatayo na sana si Key ngunit nahawakn ni Klux ang kamay nito at hinila upang mayakap sya nito.

"Cry as long as you want. Im just here."ani Klux habang yakap ang pinsan.

Hindi na naitago pa ni Key ang sakit at bumuhos ang mga luha nito. Hanggang sa mapahagulgol na siya sa sobrang sakit.

"B-bakit Klux? Ginawa ko naman ang best ko, bakit ginagawa nya to sakin. Ano ba kulang sakin?" umiiyak na ani Key.

"Shh, walang kulang sayo, kung naging sapat ka para sa kanya." sagot ni Klux sa pinsan. Kailangan ng matauhan ng kanyang pinsan. Ani ni Klux sa isip nya.

Lumipas ang ilang oras natapos na din ang pag luha ni Key. Medyo gumaan ang loob ng dalaga dahil nasabi nya sa pinsan ang mga sama ng loob nya.

"Okay na?" ani Klux na hinubad ang polong suot dahil nabasa ng luha.

"Yuck may sipon pa ata" reklamo ni Klux. Tinawanan lang siya ni Key.

"Thank Klux." ani Key.

"For what?" Klux ask.

"For everything you did for me. Thank you so much." nakangiti ani nya sa pinsan at niyakap nya muli ito.

Natigilan si Klux at di makagalaw. Tumigil ka Klux pinsan mo si Key okay? May girlfriend ka kaya wag bibilis ang tibok ng puso mo para sa kanya. Ani Klux sa kanya isip.

"Di naman to round 2 sa pag iyak mo diba?" nagbibirong ani Klux.

Mahinang hinapas ito ni Key. "Puro ka kalokohan. Di ka ba hinahanap ni Arine?"tanong ni Key. Baka kasi may date pala sila ni Klux nakaistorbo pa sya

Should We End This?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon