#3 Small world

5.2K 202 17
                                    

ILANG ARAW lang siyang nagkampo sa bahay niya at iniistorbo si Lane. Well, her ex girlfriend didn't say anything. Nag e-enjoy naman daw ito sa pag-aalaga sa kanya. And of course her parents visited her. Inakala pa ng mga ito na nagkabalikan silang dalawa ni Lane.

Pero nang makita na hirap siyang maglakad, right there and then, she knew her parents had an assumption what happened to her pero hindi nalang ang mga ito nagtanong sa kanya at kay Lane.

"Hindi ka ba hinahanap non?" She asked boredly.

"Busy 'yon! Pinapaalis mo ba ako?!" Lane asked raising her voice at her.

She just shrugged and smile innocently at her. At dahil sa ilang araw siyang hindi pumapasok. Natambak ang mga kailangan niyang gawin sa opisina niya. Sumabay pa ang kapatid niya na gustong magbakasyon sila sa resort niya. She can't say no to Dylan. Marupok siya pagdating sa bunsong kapatid.

So, of course she say yes. Kaya lahat ng mga papeles na kailangan niyang i-review at pirmahan dinala niya sa resort niya. Their business were focused on resorts. Pati tuloy ang mga nagpa appointment ng meeting ay nailipat ang location. Good thing that they're willing na dumayo sa resort niya.

"A Spa e?" She asked again.

"Yes, Ma'am. You heard me right. It's not that bad to have a Spa inside the resort right? A lot of your guests might want to take a full body massage, after doing some extracurricular activities." Paliwanag sa kanya ng isang branch manager ng Noemi's Salon and Spa.

She review the files again. Napag isipan na niya ito bago pa siya makipag meet dito. The Spa is not that bad for her resort, besides marami rami din namang dayo ang nagtatanong sa reception area ng resort kung may ganoon nga silang offer. Not to mention that the effort of making the business proposal was too good.

And the profit that she will gain is not that bad. Malaki laki din ito, dahil kilala na ang may ari.

"Okay. Kailan mag start ang construction? I think I can provide the space near the cabins or sa mga rooms na nasa building? You choose." She shrugged and leaned her back to her chair.

"Well, I saw a large space in between the hotel and cabins. I think, kung doon kami... mas madali nilang makikita." The manager negotiated.

"Okay, deal. I will sign the contract right away." She smiled and stood up and offered her hand.

The manager smiled at her and accept her hand and shake it.

"Thank you, Miss Cortez. We will now take our leave."

Kumunot ang noo niya. "Oh no, you can stay for today. I'll provide a cabin for y'all. Malayo ang biyahe, take this an opportunity to explore my resort." She offered.

Nagkahiyaan pa sila sa una pero napapayag niya din ang mga ito. Deilan called one of her trusted staff, at doon niya hinabilin ang mga panauhin niya. Tumaas ang kilay niya nang biglang pumasok ang secretary niya.

"Miss, I am sorry to disturb your meeting but Mr. Casupanan is outside together with his guard's." Her secretary said. "Kanina pa siya nagpupumilit na pumasok."

"Okay, kakatapos lang namin. Let him in." Utos niya.

Prenteng umupo si Deilan sa swivel chair niya. This old geezer was pestering her for a month now, he's ruining her peaceful mood. Ilang beses na ba niya itong tinanggihan? Hindi na niya maalala.

"Miss Cortez! Goodness! Dapat ay alam ng mga tauhan mo na importante akong tao! Hindi dapat ako pinaghihintay ng ganoon katagal!" Sigaw nito nang makapasok siya sa loob ng cabin niya na nagsisilbing opisina niya.

The Colossal Mistake of Deilan (Completed)Where stories live. Discover now