Dedicated po to Ate Alyloony. Tnx po sa pag follow sa twitter ateng Idol :*
A/n: This is my third story. I published it because sayang yung thoughts sa utak ko baka biglang mawala. Vote & comment if you like. I will update it as soon po magkaroon ito ng 15 votes para malaman ko po kung merong nagkagusto ito basahin. Salamat po :)
Enjoy reading.
___________________________________________________________________________
Alam niyo ba yung feeling na yung taong GUSTONG GUSTONG GUSTO mo talaga eh GUSTO ka din?
GUSTONG GUSTONG ipahiya, pagtawanan, laitin at kung ano-ano pang nais niyang gawin sayo??
Alam niyo ba yung feeling?
Naging masaya ako nung una, paano ba naman kasi ikaw kaya pansinin ng taong gusto mo sa loob ng apat na taon hindi ka ba matutuwa? Sa mga ganoong paraan nga lang niya ako pinapansin.Nakakalungkot nga lang ding isipin na sa lahat ng mga tao sa Apollo Univiersity ako lang ang ginaganito niya. Sa lahat kasi ng estudyante doon maganda ang pakikitungo niya, pero ako alam niyo ba yung ngiting may halong pandidiri o sarcastic smile? Pero sa akin ayos na yun basta ba pinapansin niya ako.
Ako nga pala si Anikka Kim, half korean ako dahil korean ang tatay ko pero hindi ko naman siya nakita since the world began. Yung nanay ko? ewan ko ba, wala siyang pakialam sa akin. Noong sophomore pa lang ako nakapag asawa siya ng mayaman pero ayaw ako noong napangasawa ni mommy kaya imupahan na lang niya ako ng bahay na titirahan ko at binibigyan niya lang ako ng allowance. Sa una mahirap pero ngayon nakakaya ko na mabuhay mag-isa.
Pero hayaan na natin yun, back to the topic na lang tayo.
Ako nga pala si Anikka Kim isang senior student at nabibilang sa lower section ng Apollo University na patay na patay kay Kyo Miranda na isa ring senior at nabibilang sa star section, meaning na ang mga kasama niya sa section na iyon ang pinaka magaling at sikat sa University namin.
Ang Apollo University nga pala ay isang University na tinututukan ang arts kaya ang mga tao dito ay magagaling kumanta, sumayaw, gumuhit at magaling sa theater arts....
Maliban na nga lang sa akin
Dahil nabibilang ako sa tinatawag nilang poor section na kung saan hindi nag-eexcel ang mga estudyante.
Pero we will make a change! Ipapakita namin sa kanila na kaya naming mag excel at babaguhin namin ang pananaw nila sa section namin at sa ganoong paraan baka pansinin na din ako ni Kyo.
Papansinin na niya ko dahil sa magaling ako, hindi dahil sa aalipustahin niya ako,
Yung ngingitian niya ako ng totoo....
Pero mukhang mahirap ata maangyari ang gusto ko dahil ang Star section ang kakalabanin namin para mapansin kami.
Kyo! Gusto kita!!
At sana sa gagawin ko mapansin mo ako.
Project: Make him notice "ME".
BINABASA MO ANG
Project: Make Him Notice "ME"
Teen FictionAlam niyo ba yun feeling na gustong gustong gusto ka nga taong GUSTO mo sa loob ng apat taon eh Gusto ka din? Yun nga lang e gustong gustong gusto ka niyang nilalait, pinagtatawanan at pinapahiya sa harap ng maraming tao pero wala kang magwa kundi...