CHAPTER 61

163 14 0
                                    


Klint POV
Pumasok na ako ngayong araw at gaya ng ang dati ay nagtilian ulit ang nga babae,

"KLINT!!",
"UYYY DUMATING NA SI PRINCE!!"
"WAH!!" sigawan nila, kayat inilagay ko nalang ang headseat ko sa tenga ko at diretsong nagpunta sa classroom.

Di nagtagal ay isa isa ng pumasok ang mga estudyante at hinihintay ko si Akira, pagtingin ko sa may pinto ay ganoon nalang ang tibok ng puso ko ng makita ko siya pero may kausap ito, hindi ko to makita dahil nasa may pintuan.

Di nagtagal ay pumasok narin siya, tumingin ito saakin pero wala itong ka emo-emosyon, parang may mali sakanya, umupo na siya sa upuan niya, dumating narin ang guro namin at nagsimula na ang klase.

*FAST FORWARD*
TING!
TING!
TING!
tunog ng bell hudyat na recess na, tumayo na ang lahat kaya't tumayo narin ako, nakita ko si Akira sa may pinto akmang pupuntahan ko na ito ng agad itong umalis, may kasama siya pero diko nakita ang mukha.

Lumabas na ako, at inilibot ang tingin ko pero wala na si Akira,

"Prince! nandito kana pala" saad nito kaya't nilingon ko to,

tsk si Yana

"Sinong hinahanap mo?" tanong nito,

"Si akira" diretso kong saad, na ikinahinto niya, tumalikod na ako ng pigilan niya ako,

"Prince may iba na siya" saad nito, pero diko siya pinakinggan,

"Teka- lang Prince, totoo ang sinasabi ko, sumama ka saakin at ipakita ko sayo, pangako" saad niya, huminga mo na ako ng malalim, nadala ako ng curiosidad ko kaya't sumama ako sakanya.

Dinala nga ako si Yana sa may canteen,

"doon!" saad niya kaya't sumunod nalang ako sakanya di nagtagal ay huminto siya at tumingin saakin,

"tingnan mo" saad nito sabay turo kong Saan, kaya't tiningnan ko ito, ganoon nalang ang panghihina ko ng makita kong magkasama si Raven at Akira,

tila daan-daang matatalim na kutsilyo ang sinaksak sa puso ko ng makita ko pang sinubuan siya ni Raven,

diko na nakaya ang nakikita ko kayat tumalikod na ako pero agad rin akong hinarangan ni Yana,

"Diba sabi ko sayo may iba na sIya, dika nIya mahal Prince, maghanap ka nalang kasi ng iba" saad nito na ikinainis ko, lumapit ako sakanya at diretso ko siyang tiningnan,

"So, Anong gusto mo ikaw ang gustuhin ko?at puwede ba tigilan mo ako" seryoso kong saad, at nilagpasan na suya, nagtungo nalang ako sa classroom at umupo,

"bat ako nagseselos at nasasaktan di naman kami"[isip].

Di nagtagal ay tumunog na ang bell hudyat na time na, nagsipasok na ulit ang nga kaklase ko at gaya nga ng kanina hinati ni Raven si Akira, si Raven pala ang kausap nIya kanina, pumasok na si Akira at sinalubong naman agad siya nila Cole at Joy, di nagtagal ay dumating na ang guro namin at nagsimula na ulit ang klase.

# SEASON 2 "MS. FIGHTING NERD MEET MR.FAZIER THE OWNER"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon