1

8 1 0
                                    


"Alright ladies, it's now time for the traditional throwing of the bride's bouquet!"

Napangiwi si Lara. Makailang beses na siyang nag-abay sa kasal ng mga kaibigan niya, at makailang beses na rin niyang sinubukang iwasan ang parteng ito ng mga kasalan. Bakit ba kasi kailangan ng ganito? Hindi ba puwedeng patahimikin na lang nila ang mga bisita at hayaang kumain? 

"Sino kaya ang sunod nating bride? As you know, traditionally, the young lady who successfully catches the bouquet mid-flight is a certainty to make her own way down the aisle."

Napairap siya. It is exactly the reason why she refuses to participate in the bouquet toss. She's not usually superstitious, but it is always better to be safe than sorry. Mahirap na, baka siya ang makasalo ng bouquet, mahipan ng hangin, at sunod nang ikasal.

"I'd like to request all the single ladies to step forward for the bouquet throw. The married ladies who've sneaked on, don't be greedy. This is for single women only! Our lovely bride Erin has been practicing this throw all summer, so give yourselves some elbow room," biro ng emcee na ikinatuwa naman ng marami.

Isa-isa nang nagtayuan ang mga kababaihan sa reception hall. Naghahagikgikan pa ang mga ito habang pumupuwesto sa likod ng bride. Kaniya-kaniya silang puwesto habang hinihintay na makabuwelo ang lahat. Ang ibang bisita naman na nananatiling nakaupo ay nakatingin sa mga dalagang handa nang sumalo ng bulaklak. Lahat sila ay nakangiti, maliban sa kaniya.

Siniko siya ni Aya, "Huy Lara, hindi ka ba sasali?" 

Nilingon niya ito at tinaasan ng isang kilay, "Nung kasal mo ba, sumali ako? Hindi rin ah. Kailan ba naman ako sumali?" sabay ngisi niya at muling itinuon ang atensyon sa gitna.

Matagal na niyang kaibigan si Aya at ang bride na si Erin. High school pa lang, silang tatlo na ang parating magkakasama. Maliban sa kanila, may dalawa pa silang kaibigan - sina Benjamin at Enzo. Sa kanilang lima, tatlo na ang may asawa - si Aya, Enzo, at ngayon, si Erin.

"Ano ba 'yan, ang KJ ha. Dapat ikaw na ang sunod na bride! Nung kasal ko si Erin ang nakasalo ng bouquet, tingnan mo ngayon kasal na siya. Dapat ikaw sumalo nung kaniya eh."

Napangiti tuloy siya, "Gaga, kahit ako ang makasalo niyan malabong ako ang sunod na ikasal. Ni wala nga akong boyfriend."

Tumawa ito nang bahagya at sinandal ang ulo sa balikat niya. 

"Mag-boyfriend ka na kasi. Puwede naman na siguro, 30 na tayo oh," mahinang sabi ni Aya, "Ikaw lang naman nagbabawal sa sarili mo."

Natahimik siya at napatitig sa basong nasa lamesa nila. Bakit nga ba wala siyang boyfriend?

Oo nga't pihikan siya sa lalaki, pero may ilan na rin namang nanligaw sa kaniya dati na pumasa  sa standards niya. Hindi niya pa rin naman sinagot. Hindi rin naman nagsabi ang nanay niya na bawal pa rin siyang mag-boyfriend kahit 30 na siya. Mas lalo namang hindi siya bitter dahil sawi siya sa pag-ibig. Ni wala pa nga siyang nagiging karelasyon. Hindi naman siya man-hater, pero sigurado rin siyang hindi babae ang gusto niya. Basta ang alam niya lang, sa takbo ng buhay niya ngayon, siguradong tatanda siyang dalaga. Nakikita na niya ang sarili niyang nag-aalaga ng mga aso at pusa, at ng mga pamangkin niya. Wala naman siyang nakikitang problema doon.

Kahit noong high school sila, hindi niya naranasang mahatid-sundo ng lalaki. Hindi tulad nina Aya at Erin, wala siyang natatanggap na flowers at chocolates tuwing Vaelntine's Day. Wala rin siyang kayakap noon tuwing Intramurals. Basta nag-aaral lang siya, papasok, uuwi, at mag-aalaga ng pamilya. 

Pero hindi rin naman bago sa kaniya ang pakikipagrelasyon sa lalaki. May mga nanligaw na nga sa kaniya noon, at sa totoo lang nagustuhan naman niya ang iba. Kaya lang noon kasi, hindi pa siya puwedeng mag-boyfriend. Pinagbawalan siya ng nanay niya dahil nag-aaral pa siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pangarap Kong Tumandang DalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon