Chapter 6

33 2 0
                                    

Justin's POV

Nasa isang park kami ngayon ni Sassy. Pagkatapos ng training ko ay nagkita kami dito. Malayo naman 'to sa St. Benilde kaya walang nakakakilala sa'min. We're free to just be ourselves together. Dala-dala ni Sassy ang gitara niya. Tinuturuan niya kasi ako. Medyo may alam naman na ako sa chords pero syempre, hindi pa ganon kagaling.

Pagkatapos niya akong turuan ay nagrequest akong kantahan niya ako sabay gitara. Malakas naman ako sa girlfriend ko kaya pumayag siya.

Kinanta niya ulit 'yong Enchanted, memorable song na 'yon para sa'min. Pagkatapos niya akong kantahan ay nagstrum pa siya sa gitara niya pero unfamiliar na sa'kin ang tono. Mukhang bagong composition. Naghahum rin siya at heto na naman ako, amaze na amaze sa kaniya.

"New song?" Tanong ko.

"Yeah. Hindi pa nga lang tapos." Sagot niya.

"Sample naman, 'yong kinakanta mo talaga." Request ko sa kaniya at pinagdikit pa ang kamay ko.

"Saka na kapag tapos na. 'Yon na muna sa ngayon. I promise, ikaw ang unang makakarinig." Hindi siya pumayag pero pinanghahawakan ko naman ang promise niya na ako ang pinakaunang makakarinig.

Nilapag niya na sa tabi ang gitara pagkatapos ipasok sa case no'n.

"Promise 'yan ha?" Paninigurado ko.

"I promise."

Mas lumapit ako sa tabi niya at sinandal niya naman ang ulo sa balikat ko. Nagpakawala siya ng buntong-hinanga

"Sana ganito na lang tayo palagi. Masaya, magkasama." Usal ko.

"I hope so, too. If I had a choice, I don't want us to keep hiding.. and I don't want us to be apart for a long time." Tugon naman ni Sassy.

"Pero kahit anong mangyari, walang sukuan ha?"

Hindi siya nakasagot agad.

"Baby? Diba?" Tawag ko ulit sa atensyon niya dahil mukhang may malalim siyang iniisip.

Dapat na ba akong kabahan?

"Huh?" Mukhang absent-minded na nga siya kanina.

Ayoko naman siya piliting magkwento. Hindi niya gusto 'yon.

"Sabi ko, walang susuko sa'tin kahit anong mangyari. Diba?" Ulit ko.

"Yeah." Sagot niya na lang. Bigla naman akong kinabahan. May nag-iba sa kaniya eh.

Simula no'n parang naging paranoid na ako. Madalang na rin kaming nagkikita ni Sassy. Busy na rin ako sa thesis dahil importante 'to para makagraduate ako. Tuloy pa rin naman ako sa pagttraining kahit na parang wala pa rin kaming napapala sa ginagawa namin.

"Kaya mo 'yan, Jah. Konti na lang ggraduate ka na." Pagchicheer sa'kin ni Josh.

Dala-dala ko pa kasi ang laptop kahit nasa training. Kapag rest time isinisingit ko pa ang mga dapat kong gawin para sa thesis.

"Oo nga. Mas malilibre mo pa kami." Nagbiro pa si Stell.

Buti na lang solid rin 'tong mga kaibigan ko. Kahit na madalas mga kalokohan ang pinag-uusapan namin, maaasahan din naman sila kapag seryoso na dapat. Mas marami pa nga silang struggles sa'kin eh. Kaya dapat maging matatag ako at hinding-hindi sumusuko.

Galing sa training ay pauwi na sana ako ng mabasa ko ang text ni Sassy. Magkita daw sana kami do'n sa park na madalas naming puntahan. Ang seryoso ng way nagpagtetext niya.. o baka paranoia ko na naman 'to.

You Are My Freedom (SB19 Fanfiction: Justin)Where stories live. Discover now