Naka silong sa isang malaking puno habang silang dalawa ay nakaupo, nakatunghaw naman ang kanilang mga mata sa kalangitan na sobrang dilim, parang tao na may napakabigat na lungkot na dinadala sa loob na para bang konti nalang ay hahagulgol na ito.
Nilingon ni Lia ang katabi niyang lalaki. Naka pokus lamang ang mga mata nito sa mga langit na tila ba may hinahanap ito sa itaas. Tila parang kahit anong oras ay lilipad ito patungo doon.
"Alam mo bang pwede kang mag wish sa ulan?" Natauhan ang lalaking kanina pa nakatunghaw sa kalangitan at lumingon sa dalaga.
"Wish?" Tanong nito pabalik.
"Oo. Wish! Ang sabi sakin ng mama ko kapag bumuhos ng malakas ang ulan humiling ka daw dito at sa susunod na bubuhos ulit ng malakas ang ulan magkakatotoo daw ang hiling mo. Swerte mo kung kinabukasan umulan ulit kaagad ng malakas," Matapos ang mahabang eksplanasyon ng dalaga ay unti-unting pumatak ang mga luha na galing sa langit. Napatayo ang dalaga sa tuwa abot tenga ang mga ngiti nito habang nakatingala at pinapanood pumatak ang mga maliliit na patak ng tubig mula sa itaas.
Tumakbo ito patungo sa malawak na damuhan malapit sa punong sinilungan nila, Sinundan niya ito ng tingin hindi niya na napansin ang sarili na nakangiti habang tinititigan ang dalagang ngayon ay tuwang tuwa sa ulan.
Ipinikit ni Lia ang kanyang mga mata, di parin niya napigilan ang mahinang pagpatak ng luha ng kanyang mga mata. "Mama," Bulong niya. Nilingon niya ulit ang lalaki na hanggang ngayon ay nakasilong parin sa puno.
"Gin! Halika dito! Umuulan na oh!" Umiling lamang ang binate at nilabi ang mga salitang, "Magkakasakit ako," Napairap naman ng mata si Lia at dahan dahan itong nilapitan.
Nang makalapit ang dalaga dito agad niyang hinila ang binata at wala na itong nagawa kundi sumunod nalang.
"Minsan lang umulan sa lugar na ito Gin. Kaya huwag kang kj. Tignan mo masaya kaya!" Nagpaikot ikot pa ang dalaga habang naka taas ang dalawang kamay nito.
Maya maya ay biglang lumakas ang pag buhos ng ulan. "Gin! Gin! Dali mag wish na tayo!" Sigaw ng dalaga dito. Maingay ang paligid at dalawa lamang sila sa malawak na damuhang ito. Ipinikit ng binata ang kanyang mga mata at pinag dikit niya ang dalawa niyang palad na apra siyang mag darasal, "Sana buhay pa sila Mom, Dad at--" Napadilat siya at bumungad sakanya ang nakapikit na dalaga nakangiti ito at tila seryosong seryoso sa hinihiling.
"I wish to stay by your side forever Lia, and I don't wanna lose you." Hiling nito.
Kahit malakas ang ulan narinig ni Lia ang lahat ng tinuran ni Gin. Tila ba parang tinusok si Lia ng napakalaking karayom sa kanyang puso.
"I wish for your wish to come true Gin." Iyon ang hiniling ni Lia.
BINABASA MO ANG
Do You Still Remember? (Tragos Series #1)
RomanceA mysterious girl challenges the fate of a young man who doesn't believe in hope. *** Lia would often tell herself not to live with regrets because we only have one life to live. She would tell herself to treasure everyone around her and to go wher...