1

8 3 7
                                    

[ONE-SHOT] BALOT

Nandito ako sa kwarto ko, nakamasid sa labas.
Lagpas alas-otso na ng gabi. Heto ako, naghihintay ng balot.

Oo balot. Tuwing gabi kase may dumadaang balot vendor dito.
Suki nya na ata ako dahil halos gabi-gabi ay bumibili ako sakanya para lang makita ang gwapong anak nya. Oo, tama nga. Bumibili ako para mapansin ng anak nya.

Ba't ba?? Ang gwapo kaya. Mala k-pop ang datingan. Mukha palang nya ma-iaambag na.
Mabuti pa sya, may ma-iaambag. Ako? Heto, maganda ang ambag. O' atleast maganda, dba?

"Baloooooot!" Rinig 'kong sigaw sa baba. Teka?! Hala! Anjan naa!
Dali-dali akong lumabas ng silid at lumabas para matanaw si manong liro, ang balot vendor.

"manong! Pabili ho!" Sigaw ko habang patungo sa pwesto nila.
Wala akong pake kung mabulabog ko man ang mga kapitbahay ko. Moment ko'to eh!

"Oh ija! Ikaw talaga ang sadya namin dito, may sasabihin kase itong anak ko sayo." Nakangiting saad ni manong liro.

Bakit, parang kinakabahan ata ako??

"Pa, pwede po bang doon lang kami sa may parke? Mag-uusap kami ng kaming dalawa lang" sabat nya sa kanyang ama.

"Sige, anak. Ingat kayo ah? Balik agad. Gabi na" pag papaalala ni manong liro. Tanging tango lang ang binigay namin. Dala ko din etong balot na binili ko kay manong. Dalawang piraso. Ipapakain ko kay jiro yung isa.

"Ano nga pala yung sasabihin mo, jiro?" Pag bungad ko agad nang makarating kami sa parke.

"Gusto mo ba'ko, rain?" Seryosong saad nya. Tila hindi ko maalis ang aking mata sa mukha nya. Seryosong seryoso sya, ngayon ko lang sya nakitang ganto ka seryoso.

May lamok sa pisnge nya.

"Sino bang hindi magkakagusto sa gwapong tulad mo? Mala k-pop ang itsura, maputi, mala anghel ang boses, kaso nga kang masungit." Komento ko sa tanong nya.

"Kung ganon' ay itigil mo na yang pagkakagusto mo saakin, rain." Seryoso nya paring saad.

Ha? Ano?

Parang ayoko ng kumibo dahil sa sinabi nya saakin. Hindi ko natuloy ang pag subo ng balot sa bibig ko. Ano bayan!? Kalahati palang nakain ko oh' huhu.

"T-teka nga, a-ano bang pinagsasabi mo j-jan, j-jiro?" Uutal utal kong tanong sakanya.

"Itigil mona ang pagkakagusto mo sakin dahil-" hindi nya naituloy ang pagsasalita nya ng bigla kong isubo ang buong balot sa bunganga nya.

Ayokong marinig ang sasabihin nya. Baka mag-wala pa'ko sa dis-oras.

"Balik na tayo, inaantok na'ko eh. Atsaka, pagabi na rin." Malumanay kong saad sakanya. Nag-iinit na ang sulok ng mga mata ko. Anong oras man ay may babagsak ng luha sa mga mata ko. Ang malas malas ko pagdating sa mga pag-ibig na yan! Pinanganak ba'ko ni mama, para lang kumain ng balot? Hindi ko'ba deserve na mahalin ng isang mala k-pop na anghel??

Habang nag lalakad pabalik ng bahay ay nagulat ako ng may biglang humila sa kamay ko.

Jiro.

"A-anong kailangan mo, jiro?" Nauutal ko paring tanong sakanya. Hindi ko kayang kausapin sya sa gantong sitwasyon.

"I told you already. Stop liking me and-" hindi ko na pinatuloy ang sasabihin nya ng bigla ko syang iniyakan.

"Oo na! Di na kita gugustuhin, kase ano?? Hindi mo'ko kayang gustuhin pabalik?? Dahil ano? Dahil tanga tanga ako? Dahil gusto kita, kaya ayaw mo'ko?? Ket masungit ka, ginusto pa din kita! Wala eh, malakas amats ko sayo. Kung ano-"  naputol ang sinasabi ko nang bigla nalang nya kong hinalikan.

"I told you to stop liking me," ulit nyang saad sakin.
Ngumiti sya na ikinataka ko.
"And start loving me." Bumilis ang tibok ng puso ko na para bang lalabas sa katawan ko sa lakas ba naman ng tibok neto.

"A-ano?" Nagtatakang tanong ko.

"I love you, rain." Ani nya na ikina-init ng pisnge ko. Totoo ba ito?? Kung panaginip lang, tangkain nyong gisingin ako, gutay gutay yang organs nyo.

Napabalik ulirat ako ng hinalikan nya'ko sa pisnge.

"Para kanang kamatis jan, asan iloveyoutoo ko?" natatawang saad nya.

"Nakakainis ka! Akala ko kung ano!" Naiiyak na may halong inis kong saad sa kanya.

"I'm sorry okay? now, where's my iloveyoutoo?" Saad nya. Iloveyou nakang ba nasa utak neto?

"I love you so much, jiro! Mahal na mahal kita!" Sigaw ko sakanya kaya bigla nya nalang akong yinakap, at yinakap ko din eto pabalik.

Now I'm with the guy i love, and this is my lovelife.
I'm Rain Velasa, thankyou for reading.

BALOT [ONE-SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon