Prologue

2 1 0
                                    

Prologue

--

It's currently seven o'clock in the evening and i still don't want to go home. Kasalukuyan akong nandito sa tambayan kong bar para mag relax  dahil this past few days ay puro stress ang inabut ko kakaisip sa pamilya ko. Magulo ang isip ko, maraming tanong ang nabubuo na walang kahit na isa ang nakakasagot. Sino nga ba ako? At ano ako? Yan ang tanong na walang may alam ng sagot maski sarili ko.

Inubos ko ang cocktail na nasa baso ko. Yes, cocktail lang ang iniinum ko dahil ayokong malasing given na mag isa lang akong uuwi, baka pag diskitahan ako ng mga adik sa daan at hindi ko ma ipagtanggol ang sarili ko. Pag kaubos ko ng aking iniinom ay nag simula na akong humakbang palabas ng bar at tinungo ang parking lot kung saan naka parada ang aking motor. Pag kahanap ko ng motor ko ay agad kong ini-start ang engine at mabilis na pinatakbo ang aking motor.

I used to live on my own simula kasi ng mamatay si mommy ay mag isa nalang akong nakatira sa mansyon nya. Well, not literally na mag isa dahil may mga kasambahay naman at si nanay Celia she's my nanny when i was just a little kid up until now. Sya na ang nag palaki saakin at nag silbing guardian mula ng mamatay si mommy dahil ang magaling kong ama ay walang ibang inatupag kundi ang bago nyang pamilya. Although he still support me financially, but of course he has to do that beside he's my father. Sya ang nag papa-aral saakin kahit pa sinabi ko na kaya kung buhayin at pag aralin ang sarili ko without his help, but he insisted kaya pinag bigyan kona, bawas gastusin ko narin yon. Money isn't really important for me what I needed the most is a father's love and care na alam ko namang mahihirapan syang ibigay. Tss sino nga ba ako para sa kanya? Anak? Hindi nya naman ako tinuring na isa, tanging ang bago nya lang na pamilya ang minahal nya.

I'm in the middle of driving ng may matanaw ako sa side mirror ko na dalawang motor. Napansin kong kanina pa to sunod ng sunod ha. Hindi pa man ako nakakalayo ay nag simula na silang paulanan ako ng bala Kay mas pina binilisan ko ang takbo ng aking motor. Naka dapa na ako habang nag mamaniho ng aking motor para hindi tamaan ng mga bala, iniliko ko ang aking motor sa ibang deriksyon dahil ayokong madamay ang mga tao sa mansyon. Palipat lipat ako ng side kalsada para maiwasan ang mga balang pinapaputok nila.

Sa sobrang bilis ko ay hindi ko namalayan ang tumawid na pusa kaya agad kong iniwas ang aking sasakyan kaya na out balance ako dahilan ng aking pag katumba.

"Ahh mala's naman ng pusang yon." Bulong ko sa aking sarili, agad akong tumayo at tinignan kung nasaan na ang pusa pero hindi ko na ito matanaw sunod kung tinignan ang mga motor na sumusunod saakin at sunod sunod ang napamura ng paulanan na naman ako ng bala. Agad kong itinayo ang aking motor at sinubukang paandarin ngunit nabigo ako. Kaya agad akong tumakbo papasok sa isang madilim at maliit na iskinita, hindi ko alam kong nasaan ako dahil ngayon palang naman ako na punta rito.

'Bang'
'Bang'
'Bang'

Binilisan ko pa ang takbo papalabas ng iskinita at hindi pinansin ang kanilang pag papaputok. Ng malapit na ako sa may bukana ng iskinita ay napahinto ako sa pag takbo dahil may naka abang na dalawa pang tao roon, napa hawak ako sa kaliwa kong balikat ng makita ko itong dumudugo ngayon ko lang nalaman na tinamaan pala ako mabuti nalang at daplis lang, agad ko itong hinawakan gamit ang kanan kong kamay para maiwasan ang pag durugo. Inilibut ko ang aking mata sa buong iskinita, nag hahanap ng pwedeng magamit sa manlaban mala's kasi hindi ko na dala ang espada ko, hindi naman ako na bigo sa pag hahanap dahil may nakita akong isang bakal na tubo agad ko itong kinuha bago paman ako maabutan ng mga kalaban.

Hinanda ko ang aking sarili sa pag sugod ng malapit na sila. Apat sila kaya medyo mahihirapan ako kundi lang dahil sa tama ko ay naka alis na ako sa lugar na to. Agad nila akong tinutukan ng baril ng maka abot sila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 02, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Precious RubyWhere stories live. Discover now