Sa sandaling ito mas nanaisin ko na lamang ang mabuhay habang pinagmamasdan ang kulay kahel na araw na unti-unti nilalamon ng tila itim na mahika. Sana ay ganoon din ang emosyon ng tao. Kayang itago sa sitwasyong hindi mo na kaya at tyaka na lang babalik kapag mabuti na ang lahat.
Ang sapa na ito ang nagsilbing tahanan ng aking emosyon sapagkat sa lugar na ito lamang ako nakakapaglabas ng totoo kong nararamdaman bukod kay Ate Mae, isa sa tagapag alaga dito sa bahay ampunan. Ito ay nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development o (DSWD).
Napakagandang pagmasdan ang repleksyon ng papalubog na araw sa malinaw na tubig. Tila ito ay painting na inilalako ng milyones sa isang museo. Minsan ko na ring napuntahan ang isang sikat na museo dito sa Tagaytay ng isinama ako ni Ate Mae bilang regalo sa aking ika labinpitong kaarawan noong nakaraang taon.
Ganap ng alas kuwatro ng hapon kaya ang hanging kanina pang humahaplos sa aking pisngi ay unti unti lumalamig. Kakailanganin ko na ring bumalik sa Shelter upang tumulong sa paghahanda ng pagkain para sa gabi.
"Shayne! Halika at madilim na, mamaya ay may makasalubong kang mga mapanganib na hayop sige ka at baka matulad ka rin kay Sussane"
"Sister Lou! tipaklong lamang iyong lumundag sa mukha ni Sussane kaya nahimatay siya, hindi naman ako takot sa insekto!" nagkukuwaring nakasimagot kong sinabi kay Sister Lou, kilalang kilala ako nito sapagkat lagi ay ginagabayan niya ako sa lahat ng bagay.
"Hallah ka at pumarine ka na dito at baka may special kang pamalo sa akin Shayne naku ka talaga, hindi ba ay sabi ko sa'yo ay huwag ka na munang magpupupunta dito lalo't gubat ito Shayne!" ani Sister Lou ng may pagaalala sa boses
"Opo, sorry po Sister Lou ioang araw na po akong hindi nakakapunta rito kaya sumaglit lang ako sandali. Halina po kayo at maggagabi na baka may tipaklong din po ang biglang dumapo sainyo hahaha" pabiro kong sabi
"Naku ka talagang bata, matigas talaga ang ulo mo ano. Palabiro ka pa at ganyan na ganyan na talaga ang ugali mo nuon pa kaya napamahal na kami sa'yo kahit napakatigas ng ulo mo. " May bahid na pagaalala ngunit napalitan ito ng saya kalaunan
"Opo! Alam ko po na mahal na mahal ninyo ako kaya hindi niyo po ako isusumbong kay Ate Mea diba po Sister Lou :> " Kung malalaman ito ni ate Mae ay tiyak na mas doble pa ang maririnig ko kaysa kay Sister Lou, pero alam ko naman na ang pag aalalaa nila ay para lamang sa kaligtasan ko. Ako lang ang nagtutulak sa akin na sumuway sa mga payo nila sa akin.
"Talaga! Isusumbong kita kaya bukas ay huwag ka ng bumalik dito maliwanag?" alam kong sasabihin ni sister lou ito kay ate mae pero alam kong pagkaharap ni ate mae ay mahinahon na ito dahil paniguradong pinagsabihan na siya ni sister lou. Kaya mahal na mahal sila at sila ang itinuturing kong aking pamilya.
Ilang hakbang lamang mula sa sapa ay nasa shelter na kami, kung tutuusin ay napakalapit lamang nito kaya sumuway ako sa utos nila. Nakita ko agad si Marie, Fredo, Sussane at Louis. Sila ang mga nakasama ko hanggang ngayon mula pagkabata. Si Marie ang maingay sa grupo ang kwento niya ay iniwan lamang daw siya sa harap ng simbahan ayon kay Sister Mel. Si Fredo naman ay matalino masipag mag-aral ngunit siya ay may magulang ngunit inaabuso siya kaya naman ay todo ang pag iingat namin na kausapin siya. Si Sussane ang pinakamatatakutin sa mga maliliit na bagay,siya iyong nilundagan ng tipaklong at nahimatay ng subukang sundan ako sa may sapa. Si Louis naman ang pinaka malakas sa amin, masipag ito at palaging tinutulungan sila Sister lalo na sa pag-iigib ng tubig kaya ang katawan nito ay may maipagmamalaki. Ako naman si Shayne Lee A. Devina, tulad ng kwento ni Marie iniwan din lang ako sa may tabi ng basurahan hanggang sa may nakakita sa akin na may mabuting puso at isinurrender sa pangangalaga ng DSWD dito sa Child Welfare Shelter.
Sa panahong iginugol ko sa Shelter ay naging masaya kasama ang mga kaibigan sila Sister, Ate Mae at iba pa. Dahil lahat kami ay inituring na pamilya ang isa't isa.
Kaya naman ng tangkain kong tawagin si Marie at Louis ay nabigla ako sa biglang pagkuwan ni Louis sa mukha ni Marie at dinampian niya ito ng isang mabilisan na halik sa labi na aking ikinagulat at muntikan pang mabuwal buti na lamang ay dumating si Sussane at Fredo para ako ay yayain sa hapag.
Ngunit ang mas nabigla ako ng may mag-asawang papalapit sa akin kasama si Ate Mae na tila may bahid ng luha sa pisngi at sinabing
"Shayne, magmula ngayon ay matutupad mo na ang pangarap mong magkaroon ng isang pamilya. Sila na ngayon ang tatayong pamilya mo Shayne. "
YOU ARE READING
Finding Felicity
Teen FictionHave you ever experienced sitting in a rectangular table filled by your whole family and the sweet scent sorrounding the atmosphere, talking a lot about nice things, complementing the delicious food adobo that was cooked by your mom after that the w...