Gillian Amor Alegre's POV
"Open pa ba 'yung application for UCFC, Ygor?" tanong ko sa kaklase ko.
"Oo, hanggang bukas pa naman siya open. Sasali ka ba? Anong committee ang pipiliin mo?" ani nito.
Nasa canteen kami ng UC kasama ang iba pa naming kaibigan. Si Ygor at Nikko lamang ang lalaki, 'yung isa pa ay ka-kulto namin—si Nikko.
"Hmmm, pag-iisipan ko muna!" Sa totoo lang ay wala akong ideya sa mga committee na sinasabi niya, I'll just find it out later. Gusto ko sana ay align sa mga pa event event dahil mahilig ako sa ganoon o kaya naman sa mga editing chinemes.
"Ano ulam mo ngayon, Mika?" tanong ni Andeng kay Ella. "Siomai! Dalawang tupperware ang pinack ko dahil alam ko namang hihingi rin kayo!" ani neto. Lahat kami ay natawa sa sinabi niya dahil tama naman.
Nakakatipid nga kami talaga dahil kay Ella basta magbaon lang daw kami ng kanin at siya na ang bahala sa ulam. Kahapon ay menudo ang dinala nito, kulang na lang isang kaldero ang dalhin sa sobrang dami at may sobra pa!
"Samahan niyo ko mamaya sa office ng UCFC ha! Bago tayo umuwi para naman makapag-register na ko. Gusto ko maging productive 'tong freshmen year natin dahil alam kong sa mga susunod na school year ay wala na tayong oras para lumahok sa mga ganito." ani ko sa kanila, tumango na lang sila sa akin bilang pagtugon dahil busy sila nguyain ang pagkain.
Gaya nga ng pag-aya ko sa kanila ay dumaan muna kami sa Union Building para makapag-register ako sa UCFC. May anim na pag-pipiliang committee—Ito ay ang Membership Committee, Events Committee, Finance and Audit Committee, Students' Rights Committee, Academics Committee, at Governance Committee.
Ang pinili ko ay Events Committee dahil ito naman talaga ang first choice ko, second choice ko ang Students' Rights at ang pangatlo ay Governance Committee. I-email na lang daw ako sa aking UC email sa resulta.
Pag-uwi ko sa apartment na nirerentahan ko ay agad akong nagpalit ng pambahay na damit at nagluto ng aking dinner. I've been living alone for a month already, malayo kasi ang bahay namin sa UC, Tanza pa kami at ito'y sa Indang. Masyadong hassle kapag balikan akong babyahe dahil sobrang layo at traffic pa.
Nag-simula ang klase noong September pa, October na ngayon at nag-open ng slot ang UCFC, nagkaubusan kasi noong first batch kaya ngayon hindi ko na 'to papalampasin.
Habang nakain ng scrambled egg at tinapay ay naalala kong may ine-expect nga pala akong email from UCFC patungkol sa membership ko sa organization. Agad kong in-open ang laptop ko at pumunta sa gmail. Bumungad sa akin ang email galing UCFC.
To: gillianamor.alegre@uc.com
From: ucfcofficial@gmail.com
Subject: MEMBERSHIPGood day, Ms. Alegre!
On behalf of the University of Cavite—Freshies Club, we congratulate you on your membership approval! We enthusiastically welcome you to your chosen committee which is the Events Committee. We are expecting you to come tomorrow at exactly 10 am to discuss the further details you need to know such as your role, how your committee works and other important things.
If you have prior commitment, please inform us right away so we can mark you excused. First impression last!
Para sa Kabataan,
University of Cavite — Freshies Club
Main Campus
Indang, CaviteTumili ako nang makita ko ang email, masyado akong nagagalak ngayon! Deserve ko ng milktea bukas. Buti na lang at wala kaming klase from 8 am to 12 pm dahil wala ang prof namin kaya kakakapunta ako.