[1] New.

13.2K 318 49
                                    

[Mikaela Angela]

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng aming sasakyan.

Papunta na kami sa bagong bayan na aming titirhan. Panibagong bayan Bagong buhay at bagong pang-aalipusta na naman.

Tinitigan ko ang aking sarili sa side miror ng sasakyan nasa tabi ako ni papa na seryosong nagdrive at si mama nasa likod at nagpapahinga.

"Welcome to Bario Tahimik"

"Mama andito na tayo" paggising ni papa kay mama pero hindi nagising si mama sa unang tawag ni papa kaya tumalikod ako at ginsing si mama.

Niyugyog ko lang ang katawan ni mama para magising sya.

Bakit hindi ko sya tinawag?

Hindi ko rin alam, marahil nasanay na ako na hindi nakikipagusap sa mga taong nasa paligid ko. ni hindi ko masabi ang mga gusto kong sabihin.

Ni Ha ni Ho wala silang maririnig sa akin.

"Salamat Mika" sabi ni mama pagkatapos ay ngumiti sa akin. nakita ko na namang muli ang benda sa kanyang ulo sanhi ito ng pangbabato sa amin ng mga taong bayan mula sa dati naming tinitirhan.

"Anak ok kalang ba" nag-aalalang tanong ni mama.

Tumango lang ako bilang tugon sa kanya atsaka umayus narin kaaagad ng upo. Muli kong sinilayan ang mga nadaraan naming puno.

Tahimik? Tahimik nga ba sa bayang ito?? Malungkot kong tinignan muli ang aking sarili sa salamin.

Bakit nga ba hindi ako katatakutan ng mga tao?

Isa akong sumpa para sa kanila.

Itim na mga mata na walang emosyon.

Mahabang bangs na halos matakpan na ang aking mga mata.

Ang straight na buhok hanggang balakang.

Maputlang mga mukha at walang buhay na labi.

"Nakakatakot"

Kahit ako sa aking sarili kinatatakutan ko ang aking sarili.



Bakit nga ba ako humantong sa ganitong sitwasyon??

Nagising na lamang ako isang araw na wala ng buhay ang aking mga mata at matamlay na parati ang aking pangangatawan.

At sa twing tatangkain kong makipag usap sa mga tao.









sumpa at lagim lang ang dala ko para sa mga ito.





"anak. wala ka ata sa sarili mo?" nabalik ako sa aking wisyo na makita ang aking ina na nasa labas na ng kotse at kinakausap ako mula sa nakabukas na bintana ng aking pwesto.

Umiling lang ako dito at lumabas na ng kotse at tinulungan na ang aking mga magulang sa pagbubuhat ng mga gamit.

"Anak magpahinga ka nalang sa taas kami ng bahala. may mga sugat kapa at pilay kaya kami na" pagpipigil ni papa sa akin. muli akong umiling. gusto kong sabihin na "Kaya ko. at wag silang mag-alala" pero hindi ko magawa natatakot akong baka makapag bitiw ako ng mga salitang makaka sakit sa kanila.

Ayokong pati ang aking mga magulang ay kamuhian ako.

Handa ko ng buhatin ang isang maliit na box ng may pumigil sa aking mga braso.

Ng tumingin ako rito ay isang maaliwalas ng binatilyo ang aking nasilayan mula sa nakatakip kong bangs.

"Tulungan na kita" nakangiti nyang sabi sakin. Iniwas ko lang aking tingin at lumayo dito. tumingin lamang ito sa akin na para bang naguguluhan.

The Cursed Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon