Author's Note: At dahil prom namin this Feb.8 ,eto po yung second One Shot ko. Sana po I-vote nyo, comment na rin kayo after :) THANK YOU !
Prom Special:
"The Promposal (One Shot)"
© puzzledmind2013
"Verniece!" sigaw ni Kaycee, bestfriend ko, classmate rin.
Nandito ako ngayon sa garden ng school, nagrereview. Malapit na kasi Midterms.
Tumatakbo palapit sa akin si Kaycee, ng biglang.....
Maraming elementary students ang lumapit sa kanya at binigyan siya ng isa-isang rose, sa pagkakakita ko, mga 10 yun or more. Hanggang sa lumapit si Nico sa kanya dala-dala ang guitar. Hinarana ba naman? Sus! Di sila na talaga ang nakakakilig. Di ko na narinig ang kinanta ni Nico kasi malayo sila.
Si Nico pala ang long time suitor ni Kaycee. Mga 9 months ng nanliligaw. Lupet ng lalaking to, nakakapaghintay pa.
May mga lalaki pa kayang tulad niya?
Wala na siguro.
Natapos na ang scene. Pumunta na si Kaycee sa place ko with a very huge smile.
"Ikaw na talaga bes!" Ikaw na ang mahaba ang hair!" natawa naman siya sa sinabi ko.
"Nagulat nga ako eh. Napaaga ang pag-aaya bilang escort. Ayaw raw kasing maunahan." sabi niya habang hinahawi ang mga rose na hawak niya.
"Huh? Escort? Maunahan san?" pagtataka kong tanong, anu nga bang meron?
"Yan na nga ba sinasabi ko friend eh! Masyado kang abala jan sa exam natin eh alam na ikaw na makakaperfect nyan!" sabi ni Kaycee sabay sar sa books ko.
"Anu nga kasi!?"
" Hello?! 2 weeks na lang Verniece, Prom nanaman! And last na natin to so we'll make the most out of it!" sabi niya with nagsspark ang eyes.
4th year HS na kami, jut so you know readers.
"Excited? Sa Friday na po ang exam, 2weeks to go pa po ang prom." sabi ko at tinaasan siya ng kilay.
"Okay sabi mo eh... Pero---" bigla siyang napahinto, nanlaki ang mata at ngumuso...
Tinitigan ko naman yung nginuso niya at ayun, napunta nanaman ako sa heaven. Si King, yung cush ko slash classmate... Yes, classmate, awkward no? Pero syempre expert na kong magtago ng feelings. Madalang lang kaming magusap. Parang once in a blue moon nga lang eh..
Uhh, ang gwapo nya. Araw-araw yata siyang gumagwapo.
"King..." nasabi ko.
Hindi ko alam kung crush pa ba tong nararamdaman ko. Nasasaktan ako pag may nakikita akong mga babaeng nakapalibot sa kanya, Campus crush kasi sya at isa ako sa mga babaeng yun, pinagkaiba nga lang, hindi nya alam.. Di tulad nung iba, masyadong persistent kay King.
"Ang Camous Princess, tulala nanaman sa Campus KING!" sabi ni Kaycee sabay batok sa akin.
Ayun! Wala na! Back to earth nanaman ako!
"Kaycee! Halika na nga, sa canteen na lang tayo." tumayo na ako pero hinila ni Kaycee ang kamay ko kaya napaupo uli ako.
"Friend! Tignan mo nga oh, panigurado inaaya na ng mga babaeng yan si King sa prom. Anu gagawin mo, tutunganga? Hanggang tingin ka na lang ba parati?"
Napatingin naman uli ako sa kanya. Hanggang tingin na lang ba ako?
King.. kung alam mo lang...
3 Days to go..