Tree of Love

0 2 0
                                    

#oneshot4

Ps: So I wrote this story when I was still in 1st year high school, so don't expect too much hehe. And this story is not yet edited so expect some typos and grammatical problems. Thank you!

Sabi ng matatanda kapag namatay ang isang tao may ikalawang buhay pa. Sabi naman ng iba magiging multo daw ang isang tao kapag namatay na.

"Anne!" tawag ni inay agad ang bumungad sa akin pagkagising ko. Haysss araw-araw nalang ganito ano pa ba ang magagawa ko? Hindi kami mayaman kaya kailangan magsikap. Wala na rin akong tatay dahil iniwan na niya kami bata pa lang ako.

"Opo! Gising na po ako inay!" ani ko. Bumangon kaagad ako tsaka dumiretso sa banyo para maligo. Tutal sabado ngayon kaya walang pasok magtitinda kami ni nanay ng isda sa palengke para magkapera.

Pagkatapos kong maligo bumaba na ako at kumain. Tapos sabay kami ni nanay naglakad papuntang palengke dahil nagtitipid kami. College na kasi ako at patapos na kaya konting tiis nalang.

"Nanay" tawag pansin ko sa nanay kong busy sa pag lilinis ng isda.

"Hmmm?" aniya habang hindi parin inaalis ang tingin sa isda.

"Pupunta lang po ako sa CR" paalam ko.

"O sige ako na muna bahala dito" nakangiting sabi ni inay.

Pumunta kaagad ako sa restroom at nung matapos nanghugas kaagad ako ng kamay at nag-ayos.

"Wag kang mag-ingay". Nanlamig ang buong katawan ko sa isang tinig ng lalakeng nakatutok ang baril sa likod ko.

"Kuya maawa po kayo wag po ninyo akong patayin" umiiyak na sabi ko. Maraming bagay kaagad ang pumasok sa isip ko. Hindi pa ako tapos sa pag-aaral. At wala ng makakasama kay inay kapag nawala ako.

"HAHAHAH tanga kaba? Akina pera mo kung gusto mo pa mabuhay. Selpon lahat ng gamit na nasayo."nakakakilabot ang tinig niya para siyang demonyo. Dali-dali kong binigay ang selpon, relo at 200 pesos kong pera na ipang dagdag tuition ko sana ngayong sem kay kuya.

"Ito na po kuya oh basta po wag niyo lang akong patayin. Maawa po kayo" umiiyak na sabi ko.

"HHAHAHHAHA"malademonyong tawa niya.  Lord please. " Tanga ka ba? Bakit pa kita bubuhayin eh kung isumbong mo ako?  Edi kulong ako?"

"Hindi po kuy-" hindi ko na natapos ang sadabihin ko dahil isang malakas na putok ang nadinig ko at naramdaman ko kaagad na bumagsak na ang katawan ko.

"I-Inay p-patawad" nanghihinang sabi ko habang tumutulo ang luha sa pisngi ko. Hanggang sa wala na kong maramdaman.

---------

"Hoy! Hoy! Babae na maganda! Gising!" isang boses ng lalake kaagad ang nadinig ko. Buhay pa ba ako? Or nasa langit na ako? Dahan dahan kong minulat ang mata ko at isang napakagwapong nilalang kaagad ang bumungad sa akin. Mapupungay na mata. Matangos na ilong, manipis at mapupulang labi. Jusko! Nananaginip ba ako?

"Hoy. Buti gising ka na" nakangiting sabi niya.

"Sino ka? Nasan ako?" Sunod sunod na tanong ko. "Anong nangyari?" Naguguluhan talaga ako sa nangyayari. Parang kanina lang si nanay ang kasama ko.

"Ako si Jonathan. At nandito ka sa Garden of Life. Binaril ka ng isang holdaper at namatay." nakangiting pagpapaliwanag niya.

"N-Namatay?" Naluluhang tanong ko.

"Oo kaya halika na itotour kita sa lugar hehe."

Masaya dito sa lugar na to. Walang gulo at masasaya ang mga tao na nakikita ko. Pero pulos nakaputi lang naman sila. Ito ba yung sinasabi nilang second life? Ito na ba yung lugar kung saan bibigyan ka ng ikalawang pagkakataon para magbago at matutong magmahal muli? Hindi ko lubos na matanggap na patay na ako. Paano na si inay? Habang naglalakad ay may naisip ako kaya tinanong ko siya.

"Ikaw bakit ka nga ba nandito? Anong nangyari sayo?" tanong ko sakanya.

"Binubugbog ako ng tatay ko". Sabi niya habang nakangiti. Pero yung ngiting yun ay malungkot.

"B-bakit?" tanong ko ulit.

"Ewan haha trip lang siguro niya. Bugbog sarado ako dun lalo na kapag lasing. Hanggang sa hindi na kinaya ng katawan ko bumigay na rin ako. Mas mabuti nga yun eh para wala ng sakit." sabi niya.

" Sorry"

" Bakit ka nagsosorry? hhahahah eh nagtanong ka lang naman"natatawang sabi niya. Ang bait niya grabe hindi niya diserve ang buhay niya sa mundo. Magaan ang loob ko sakanya at parang gusto ko siya.

Lumipas ang araw na siya ang kasama ko. Kakwentuhan, kasandalan. At nasasanay na ako na nandito siya. Tama nga sila may ikalawang buhay pa. Pero yung ikalawang buhay na yun it's your chance para baguhin ang sarili mo. Binigay yung chance na yun para ang mga mali mo matama mo. Dahil diserve ng lahat ng tao ng pangalawang pagkakataon. Masama ka man o hindi.

"Oh nandito na tayo" sabi niya. Nandito kami sa tinatawag nilang tree of love. Dahil dito matututunan ng tao na mahalin ang sarili nilang muli at magpatawad. Dito mo iiwan ang lahat ng sakit at kalimutan. Ibabaon mo at palitan ng masasayang alaala.

"Wowww ang ganda!" masayang wika ko. Kapag nandito ka ka na dapat magbabago ka na. Kalimutan mo na yung bagay na dapat kalimutan.

"Oo pero mas maganda pa ang ngiti mo" mahinang aniya pero dinig ko. Lumakas ang pintig ng puso ko na parang naghahabulan sa bilis nung naglapat ang aming mga mata. Ngumiti siya pero hindi ko magawang suklian dahil kinakabahan ako.

"Anne." tawag niya habang nakangiting lumuluhang papalapit sa akin. "Mahal na ata kita. Ewan ko ba bago ka pa lang pero mahal talaga kita eh. Kahit ikalawang buhay ko na to hindi ako nagsisisi dahil ikaw naman ang nakilala ko." sabi niya nung makalapit siya at niyakap ako.

"Mahal  din kita" nakangiting sabi ko. Nagyakapan kami sa ilalin ng punong kahoy. At tama nga sila masayang magmahal lalo na pag wala na yung sakit,galit at puot. I'm so bless dahil nameet ko tung lalakeng to dahil natutunan kong muling mahalin ang sarili ko at magpatawad sa taong may gawa nito sa buhay ko.

Sabi nga nila love is like a tree minsan nahuhulog ang dahon nito kapag mahina na ang kapit. Kagaya ng pagmamahal kapag masakit na at pagod ka na bibitaw ka pero kagaya ng punong kahoy, Babalik at babalik ka pero sa pagbalik mo mas maganda at matatag na ang relasyon nyong dalawa.

Its_zelestaire

One shots Compilation by: Its_zelestaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon