Naisip mo na ba ang mga possibleng mangyari kung hindi magkaaway ang Kanluran at Silangan? Kung si Haring Anand ang namumuno sa Kanluran at si Reyna Behati naman sa Silangan? Kung hindi nawala si Prinsesa Areeyah? Kung pwede si Alicia at Kecho? Ano kayang mangyayari kay Prinsesa Areeyah at Dasho Yuan?
------------------------------------------------------------------------------------------------
"Haring Anand, andito na po sila Dasho Kencho at ang kanyang pamilya" Sabi ng isang gwardya. Ngayong gabi pumunta sila Kencho sa palasyo dahil may importante silang pauusapan ng Hari
Pumunta na ang Hari kila Kencho habang ang kanyang mag-ina ay pababa na. Nung nakababa na si Areeyah ay agad siyang tumakbo papunta kay Yuan
"Yuan, halika doon tayo sa labas! May ipapakita ako sayo" Masayang sabi ng Prinsesa kay Yuan
"Sige, halika na" Yuan
"Yuan, take care of Areeyah!" Alicia
"Opo!"
Tumakbo sila Yuan at Areeyah sa papunta sa labas
"Areeyah, anong ginagawa natin dito? At bakit may lantern?"
"Isusulat natin ang mga pangarap natin sa papel at papaliparin natin gamit ang mga lantern para mas madaling umabot sa langit"
"Pangarap?"
"Na sana hinding-hindi tayo maghihiwalay at kahit matanda na tayo ay nagmamahalan padin tayo"
"Areeyah, kahit anong mangyari habang buhay kita mamahalin ok?"
Tumakbo ang Prinsesa papunta kay Yuan at yinakap ito "I love you Yuan"
"I love you too Areeyah" Yinakap ni Yuan si Areeyah at hinalikan ito sa noo
Habang nasa labas si Areeyah at Yuan ay pinaguusapan naman ng kanilang mga magulang ang kinabukasan ng Yangdon
"17 na si Areeyah at nakasulat sa batas na kailangan na niya magpakasal pag-18 na siya" Wika ng Hari
"Anong balak mo?" Tanong ni Kencho
"Napag-usapan namin ni Behati na mas makakaganda sa Yangdon kung ipagsama ang Kanluran at Silangan kaya ipapakasal ko si Areeyah kay Jao-"
"Ano?! Bakit mo ginawa yun? Alam nating lahat na mahal ni Yuan at Areeyah ang isa't isa" Pagputol ni Reyna Isabel sa asawa niya
"Isabel, huminahon ka. Kailangan natin toh para sa ikakapayapa ng Yangdon, para sa ikakabubuti ng ating kaharian"
"Pero paano ang aking anak?! Paano ang kaligayahan ni Areeyah?"
"Tama si Isabel. Paano ang ating mga anak?" Pagsasaangayon ni Alicia kay Isabel
"Kailangan nila isakripisyo ang pagmamahalan nila para sa Yangdon-"
"Kaninong pagmamahal ang isasakripisyo?" Naputol si Kencho sa sasabihin niya ng magsalita si Yuan
Napatingin ang lahat kay Areeyah at Yuan na kakapasok pa lang at ngayon ay magkahawak kamay. Hindi na nagulat ang kanilang mga magulang dahil sanay na sila dito. Hindi tinago ni Areeyah at Yuan ang kung ano man ang meron sila sa kanilang mga magulang pati ang buong Yangdon ay alam na sila ay merong relasyon
"Ahh, wala yun Anak. Wag mo na pansinin ang sinasabi ng Daddy mo. Kayo? Anong ginawa niyo sa labas?" Sabi ni Alicia
"Nagpalipad po kami ng lanterns, Tita Alicia" Sagot ni Areeyah
BINABASA MO ANG
What if *One Shots*
FanfictionDo you ever wonder what if? Paano kung hindi ngyari ang isang bagay sa inyong paboritong mga teleserye? What will happened? Based on our opinions, this will happen…
