Chapter 07

644 28 0
                                    

"Manong, pakibilisan po." Sabi ko sa driver ng taxi.

Nang mabasa ko ang text ni tita ay agad akong lumabas ng bahay at naghanap ng taxi. Nalaman nadin nina mommy at alalang alala din sila.

Pagkadating sa ospital ay mabilis akong nag bayad at lumabas. Lakad takbo ako habang hinahanap sina tita. Lumapit ako sa nurse deck.

"Miss, saan dito yung nabangga ng truck?" Hingal na hingal kong sabi.

"Name po?"

"Raphael Guerrero."

Tumango siya. "Nasa room 258 po."

Mabilis kong hinanap ang room 258. Nang makarating ay mabilis kong nakita sina Tita Celine at Tito Enrique na nakaupo sa bench at umiiyak. Mabilis akong lumapit.

"Tita, Tito, ano pong nangyari?"

"Nabangga ng truck ang sasakyan niya ng papunta siya sa inyo." Sagot ni Tita at suminghot. "Ayon sa imbestigasyon, nakatulog daw ang driver ng truck kaya nabangga nito ang sasakyan ni Raphael at sa kasawiang palad, patay na ito ngayon. Natatakot ako para sa anak ko, Hija." Humagulgol si Tita Celine at yumakap ito sa asawa niya. Inaalo naman siya Tito Enrique.

"Magiging okay po si Rapha. Kung di ko sana siya pinapunta ng bahay, 'di siya siguro maaaksidente." Pumiyok ako.

Umiling si Tita. "No, it's not your fault. Let's just pray na maging ligtas ang anak ko."

Tumango ako. Sana nga maging ligtas si Rapha. Umupo ako din ako sa bench at naghintay ng doctor.

Makalipas ang sampung minuto ay lumabas na ang doctor. Mabilis lumapit si Tita dito.

"Doc, kamusta ang anak ko?" Tanong nito.

Tumango ang doctor. "He's fine. Wala namang nabali sa mga buto niya at minor lang ang mga sugat niya sa katawan. You don't need to worry, sir and madam. Maayos ang kalagayan ng anak niyo."

Tumango si Tito. "Thank you."

"Thank you doc."

Tumango ang doctor at umalis na. Pumasok sina tita sa loob at sumunod ako. Umupo si tita sa gilid ng kama at nasa likod niya naman si tito.

"Mabuti naman at hindi siya napuruhan. Kapag may nangyaring masama sa anak ko, hindi ko na alam ang gagawin ko. He's our only child, Enrique and I can't lose him, we can't lose him."

Yinakap siya ni tito. "Thanks god."

Nilingon ako ni tita. "Hija, umuwi ka muna sa inyo. I'm sure 'di kapa nakakapag dinner. Babalitaan ka lang namin kapag nagising siya."

"Hindi po, kaya ko pa naman. Mananatili po ako hanggang sa magising s—" biglang tumunog ang tiyan ko.

Natawa si tita. "See? 'Wag ka ng mag alala, Hija. Kami na ang bahala dito. Go home at bumalik ka nalang bukas. Gabi na oh, I'm sure your parents are worried about you."

Wala ako nagawa kundi tumango. "Sige po."

Nagpaalam na ako sa kanila at lumabas na ng hospital. Pagkadating ko ng bahay ay naabutan ko sina Mommy at Daddy na nakaupo sa sofa. Nang makita nila ako ay mabilis silang lumapit sa akin.

"Is he okay? Anong nangyari at bakit siya naaksidente?" Tanong agad ni Mommy.

"Nabangga yung kotse niya ng truck nung papunta siya dito."

"Ganun ba yung nangyari? Nandoon ba ang magulang niya?" Si Daddy.

Tumango ako "Yes po. Sila po ang nagbabantay ngayon. Sige po, punta muna ako ng kitchen."

Because I Love You: Nursing Series#1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon