I'm currently grade 7, at ngayong araw ang announcing nang top.
Kinakabahan ako dahil math ito at nakakatakot na wala nanaman akong top."Ayan na si Ma'am Rochelle!"
"Ayan na si Ma'am!"
"Ma'am Math!"
Nagkakagulo sa room, announcing na kasi. Yung iba tahimik dahil expected na nilang may top sila, ako chill din kasi alam ko na wala akong top.
"Gosh! Ano kayang top ko Marissa?" Kinikilig na saad ni Lloraine. Bruha gawin daw ba akong manghuhula.
"Mag u-umpisa tayo sa Top 10!" Sigaw ni Ma'am Rochelle, na nag gising sa kaluluwa namin. Ay, sila lang pala.
May 6 rooms bawat hallway at bali 12 rooms ang meron dito, dahil hanggang 2nd floor lang.
Meron ding paprintan na tubong lugaw, tapos may canteen na mataray ang tindera.
"Top 10! Carl!" Panis ang bruha tumitili-tili na, talagang puro tawanan pa talaga.
"Marissa, si Mark crush mo!" Syempre lumingon agad ako, sayang ang biyaya.
Si Angelie ang sumigaw, kaya si Angeline ang pinagalitan ni Ma'am. Nice catch.
"Top 9, Angeline!" Sigaw ni Ma'am, kaya nanginginig halos si Angeline na tumayo at kinuha ang certificate.
"Top 8, Neil!" Naghintay kami na may mangisay, pero wala.
"Ma'am absent po, masakit daw puso!" Sigaw ni Lloraine kaya tawa nanaman kami ng tawa.
"Ayan, love life pa! Ang babata nyo pa naman kasi. Naku pag kayo tumanda tatawanan nyo nalang mga ginagawa nyo." Pangaral ni Ma'am Rochelle saamin-sakanila, crush lang meron ako.
"Nasaan na nga tayo?" Tanong ni Ma'am, kahit tuloy ako ay nalito na.
"Top 7 na po!" Sigaw ni Anne. Ngayon palang salamat na agad.
"Okay, Top 7 si..... Lloraine!" Sigaw ni Ma'am, akala nya ba bungol Kami?
"The rest bukas na, recess na oh." Kahit pilitin namin si Ma'am bukas na daw talaga, oo nakikipilit ako kasi papansin ako.
"Marissa, puntahan natin sa library si Mark!" Paghaltak ni Angeline saakin ay napatid kami sa bato.
"Stupid." Biglaang saad ni Mark, patola ako kaya sinagot ko sya kahit hindi sya nanliligaw.
"Matadapa kadin sana, tanga-tanga mo!" Sigaw ko sakanya, kahit spokening English sya wala akong pake.
Isa na s'yang malaking no,saakin.
Hindi na kami dumiretso sa library, dahil umalis naman nadin si Mark.
"So, hindi mo na sya crush?" Tanong saakin ni Angeline, kahit obvious naman.
"Obvious naman G." Saad ko, kumunot pa ang noo nito.
"You mean, ayaw mo na sakanya?" Tanong pa nito, napaka hina ng signal nya.
"Galit lang ako, pero crush ko parin sya." Saad ko na ikinatawa ni Angeline."
"Malala kana talaga, oo nga pala kilala ko ate nun. Si ate Summer, mabait yun." Hindi ko alam kung binubugaw ako nito o binibenta na. Pareho lang yata yun diba?
Dumeretso na kami sa canteen at pumila sa juice, oo may pila talaga kasi uhaw kami.
"Paraan! Pag kayo nabuhusan dsurb!" Sigaw ng kung sino, siraulo mag salita.
Nakabili na kami, kaya ang next place ay ang siomai-yan. Nawala bigla si Angeline kaya naupo nalang muna ako sa bakanteng upuan, for 2 sits sya kaya sakto saamin ni Angeline.
"Paupo." Paalam ni Mark tapos umupo naman na agad, hindi na hinintay ang approval ko.
Bigla namang nag chat si Angeline na susundan nya daw si Ramsey sa court, kasi may babaeng kasama.
Grabe, bantay sarado sa kapatid. Good luck agad.
Tumayo nalang ako sa upuan dahil wala namang silbi na manatili ako duon, si Mark ay wala din namang pake sa presensya ko.
Hanggang sa nag uwian at nakita ko si papa na nasa labas ng school at hinihintay ako.
Lumapit ako kay papa at tinuro ang crispy potato, iyong naka roll sa stick na ginisang patatas. Masarap kasi, balak ko din mag uwi sa kapatid ko.
Sabi ni papa, sa susunod daw ay hindi nya na ako masusundo dahil sasakay na daw sya barko. Syempre tumango-tango ako, alanganamang pigilan ko.
Lagi kaming dumadaan ni papa sa,Dampalet yata ang tawag sa lugar na iyon. Basta sa Manila sya sa Muzon, turo ko pa papunta duon.
Hindi ko alam kung ilog tawag duon o batis, basta mataas yung tubig tapos may mga isda. May mga nangingisda tapos sa ilang-ilang naman ay pumupunta kami nila papa, kasama ang kapatid ko.
Tubig din ang paligid tapos may tulay na bato, sa tulay na bato ay may mga bato na pa square pwedeng upuan. Maraming tao sa gabi, minsan may nakikita kaming nag lalabing-labing.
Sabi saamin ni papa ay wag tumingin, lagi kaming nandoon nila papa kasi gala kaming tatlo tapos masarap ang hangin duon.
Marami pang stars duon, kaya ang sarap tumambay. Si mama ay pumapayag naman na pumunta kami nila papa duon, basta umuwi din daw agad.
Kaya ayun, umuuwi din kami agad. Maramdaman lang namin ang malamig na hangin sa gabi ay okay na kami.
Sa Manila kasi kami nakatira, tapos na ngungupahan kami sa apartment.Then sa apartment na iyon ay sakto lang ang isang pamilya, mababait at bihira lang ang tao sa labas. Mga business people talaga ang mga nandito. Tapos may nakilala ako si Kuya LJ na kasing edad ng Kuya ko, may pinsan sya na babae tapos kaibigan ko din.
Si Pia, matalino tsaka maganda sya. Kaso loka-loka talaga pag kami nalang ang magkasama.
Nuong elementary ay lumipat kami dito sa Manila, dito ko pinagpatuloy ang grade 4 ko. Nakalimutan ko kung anong taon iyon.
2014 pala iyon, nag continue ako sa manila ng grade 4. Naalala ko na inaway ako ni Rain, kasi simula daw nag transfer ako ay hindi na daw sya Top 3.
Kasi kung hindi Top 5 ay nagiging Top 7 sya, kaya lagi nya akong inaaway.
And there goes April, lagi kaming magkasama tsaka si Rowen na best friend ko. May kapatid sya ang pangalan ay Roelaiza, naalala ko na sabi ni Rowen ay maldita daw ang kapatid nya baka daw mahawa ako.
Hindi ko alam, pero ayokong maniwala. Until napatunayan na nga, nuong nag Christmas party.
Ayun ang pinaka unang araw na nag umpisa akong magka Trust issue. Hindi ko alam pero ang sakit.
Ako yung nilunod, akala ko ako yung sasagipin. Ang sakit sakit.
Ganto kasi iyon, nag palaro si Ma'am ng group yourself tapos may twist.
Nuong tatlo nalang kami ay nag ngitian sila, ngumiti ako Kay Roelaiza to assure na sakanya ako tatakbo.
Pero haha, ang sakit sakit pala. Silang dalawa ang nagyakapan ni Rain, tapos ako naiwan na nakatayo. Pakiramdam ko bigla akong nadurog, hindi ko napigilang maiyak nuon. Syempre pumunta ako sa banyo para walang makakita, pero ang sakit sakit.
Nawalan ako ng gana nuong araw na iyon, ako nanalo kasi may twist na sila ang lumubog dahil mabigat na ang bangka.
Nanalo ako kasi mag isa lang daw ako.
Pero wala akong pake sa panalo, naka focus ako sa ginawa nila. Nag sorry yata sya saakin-hindi pala. Imagination ko lang pala na nag sorry sya.
Umuwi ako nuon na may dalang Starbucks na WaterBottle. Si Rowen kasi ang kapalitan ko.
Hanggang sa umuwi ako na may dalang bottle at Sama ng loob.
BINABASA MO ANG
Our Memories That Wouldn't Last Forever
Short Story[COMPLETED] A story that tackles a lot of emotion. This is story is about the person who thinks he owns me, who thinks I was lured by him. But things happened and everything changed in positions, he's the one who I lure. [Let's catch up to this asto...