Jepoy (Ey Tribyut)

57 2 0
                                    

"Uwi na!!"

"Babalik ako mamaya"    taboy ko kay Jepoy isang umaga.

Hila - hila nito ang aking pantalon.

Pakiramdam ko'y ayaw nya akong paalisin.

"Laro muna tayo!!"

Parang nahuhulaan ko'ng sabi nya.

Inalabas ko ang aking kamay  mula sa bulsa upang abutin ang kanyang malambot na mukha.

Pagkaraan nun ay dumamba siya payakap sa akin.

"Shussshh!!  Madudumihan ako,papasok pa ako sa trabaho" ..

Yumuko ako at na'ng magkatapat ang aming mga mukha.

"Mamayang gabi ha,laro tayo!" bulong ko sa kanya.

Ngunit sumunod din siya hanggang sa labasan,parang gusto talaga akong ihatid.

Kinawayan ko pa siya at kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mukha nung bumalik siya papasok ng eskinita.

Kapitbahay ko si Jepoy..

Isang gabi habang nakaupo ako't nagpapaantok sa pasamano ng terasa ay lumapit siya sa'ken.

Abala ako pagtetext kaya't hindi ko namalayan ang kanyang pagtabi.

Nagulat na lang ako ng may maramdamang humihila sa pantalon ko.

At mula noong gabing iyon,

hindi na napigilan ang pagkakalapit ng loob namin sa isa't isa.

Walang araw at gabi na hindi niya ako hinintay sa pintuan ng aming bahay..

Ang maamo nyang mukha ay wari'y laging nagnanais na makipaglaro.

Ang mga kilos nyang parang sa isang bata ay nakakapagdulot sa akin ng mumunting sigla!

Walang araw at gabi na hindi ako nasabik sa kanya.

Hindi ko lang alam kung bakit marami ang may ayaw kay Jepoy..

Kahit si Inay minsan ay pinagbabawalan ako'ng makipaglaro sa kanya.

Tinataboy siya ng iba kapag napapadikit o kahit kapag napapasilip lamang sa kanilang pintuan.

Espesyal si Jepoy..

Hindi man para sa marami..

Pero para sa akin espesyal siya!

"Kelan? Eh kasunod ko pa kaninang umaga ah?!!" gulat na tanong ko sa pinsan ko.

"Hila-hila pa nga sa pantalon ko nung palabas ako sa eskinita"

Barado ang lalamunan ko habang binabasa'ng facebook status ng aking pinsan.

Pakiramdam ko'y naubusan ako ng laway.

Hindi man ako mapaiyak,ramdam ko naman ang bigat sa aking dibdib.

Wala na si Jepoy.

Pinatay ng isang adik sa aming barangay.

Binagsakan daw ng bato sa mukha habang natutulog.

Sayang..

Kung nahulaan ko lang na huling araw na nya.

Sana nakipaglaro muna ako kahit ilang minuto.

Hindi ko naman nahulaan ang ibig niyang sabihin nung umagang 'yun.

Hindi ko naman kasi kayang intindihin ang mahihina nyang kahol nung hinahatid nya ako ng tanaw,isang umaga para magtrabaho..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Jepoy (Ey Tribyut)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon