ChapterOne (edited)

117 7 15
                                    

--------

Pede niyo po i-click ung video sa multimedia... Lies po un ng Big Bang dati pero ngayon, binago ko na... May nag comment kasi e. Eh, type ko din ung suggest niya o sinabi niya. Kaya binago ko. HAHAH. Ano na siya, DI LANG IKAW ni Juris...

Salamat, @Maricrisiomai... :))

Un lang! Magustuhan niyo po sana...

---------

~AYUMI'S POV~

Tinanong ko siya kung minahal ba niya talaga ako o pinaglaruan lang...

Ang sakit!

Dahil, blankong expression lang sinagot niya habang nakatingin sa itaas.

Di man lang siya umiling o tumango man lang para malaman ko kung nakikinig ba siya.

Para na kasi akong nagsasalita sa hangin.

Kung ganito ang sitwasyon, mas pipiliin ko pang makasama ang isang pipe kaysa sa kanya dahil ang pipe, di man makapagsalita, nakakaintindi naman sa nararamdaman ng isang tao.

Sa totoo lang, Wala naman akong matandaang may ginawa akong kasalanan sa kanya maliban sa pangaasar na dulot ng simpleng away pero, hindi un sapat para hiwalayan niya ako.

Pinangakuan niya ako na hindi niya ako iiwan at siya na ang bahala sa akin since nung mamatay ang mga magulang at kapatid ko sa di kanais-nais na paraan.

Di ko pa kaya mag-isa sa napalaking mundong ito. Kahit may kaibigan pa ako.

Bakit ba niya ginawa sa akin ito?

"M-MAHAL KITA. PERO, HINDI TALAGA PWEDE EH."bigla siyang umimik at kong pinipilit niya ang sarili niyang ngumiti.

Wag mo na pilitin ang sarili mong ngumiti. Please. Lalo lang akong nasasaktan.

"Kung mahal mo ako, bakit mo ako hihiwalayan?"tanong ko sa kanya

Sa oras na ito ay di ko na napigilan pa ang sarili ko sa pagiyak.

Bigla na lang lumabas ang luha mula sa mga mata ko.

Mukha tuloy akong mahina.

"Wag ka ng umiyak..."mahinahon niyang sinabi sa akin

Hindi muna ako umimik o kumibo, tinuloy ko lang ang pagiyak ko...

Hinihintay kong yakapin niya ako't icomfort pero...

Wala......

Tiningnan lang niya ako.

"Bakit mo ba ako hihiwalayan?"tanong ko ulit sa kanya

"Kailangan ko itong gawin. Sorry..."sagot niya sa akin at napansin kong pinipigilan na niya ang sarili niya sa pagluha.

"Ano bang dahilan?"tanong ko sa kanya

"Hindi ko pwedeng sabihin sayo..."sagot niya sa akin

"Kung ganoon...."sabi ko

"AYAW KO NA SAYO! Maghiwalay na nga talaga siguro tayo dahil sa simpleng ganito ay di mo man lang masabi kung bakit mo un gagawin paano pa kaya sa susunod pang taon? BAKIT PA BA KASI AKO NANIWALA?!"sigaw ko sa kanya at tumakbo papalayo

Ang tanga ko tlaga.

Bakit ba ang tanga tanga ko?!!!?

Naniniwala sa tao.

-sigh-

Promises are mean't to be broken ika nga.

Nang tumatakbo ako, saglit akong napatingin sa likod at napansin kong umiiyak na din siya pero di na ako tumigil sa pagtakbo.

I'm so sorry but I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon